Wala na ako sa Pinas ngayon at medyo may katagalan na din.
Mag-dadalawang taon na din. Hindi na din ako single at medyo may katagalan na din. Mag-dadalawang taon na din. At may baby na din ako at hindi pa naman ito katagalan. Mag-iisang taon pa lang din. Sa pagkakaalam ko nasabi ko din yata ang mga bagay na ito sa blog na ito at medyo may katagalan na din.
May katagalan at kabagalan.
Yan! Yan ang eksaktong larawan ng kukote ko ngayon. Pero teka may larawan nga ba ang kukote? Kita nyo na hindi lang mabagal minsan may pagkasira-ulo din. Balik tayo sa usapang katagalan. Ang salitang "katagalan" ay mula sa salitang-ugat na "tagal" na nilagyan ng unlaping "ka-" at hulaping "-an". Ang salitang "tagal" ay isang pang-uri o adhetibo na tumutukoy sa haba ng oras ng paghihintay. Ito rin ay kadalasang naiuugnay sa salitang "inip". Ang salitang "inip" ay bahala na kayong maghanap ng kahulugan. Aba, OA naman yun kung pati yun i-define ko pa. Ahehehe.
Ano nga ba ang "tagal"?
Para sa akin, ang "tagal" ay paglalarawan ng ating mga adhikain sa buhay. Para sa akin yan ha? Hindi yan para sa'yo pero kung gusto mo, sige na nga share. Noong tatlong taong-gulang pa lang ako, ang sabi ko, "Ang tagal ko naman pumasok sa school". Noong, Grade 1 na ako, ang sabi ko, "Ang tagal ko naman mag-High School". Noong, Graduate na ako ng High School, ang sabi ko "Ang tagal pa din ng apat na taon sa College." Noong, graduate na ng College. Ang sabi ko, "Ang tagal ko naman makahanap ng trabaho." Noong nakahanap na ng trabaho, ang sabi ko, "Ang tagal ko na sa trabahong ito, wala na bang iba". Noong makilala ko ang Grasya, "Ang tagal mo, bakit ngayon ka lang? Eh di sana anim na ang baby natin". Kitam.
Habang ginagawa ko ang post na ito, nag-message sa akin ang isang magandang boholana-sexy-klasmeyt-with dimples sa facebook. Nangamusta-kinamusta-nagkamustahan lang din kami. Ang sabi nya single pa din daw sya at may katagalan na din daw. Gusto kong mag-isip ng ibang bagay, kaso napangiti na lng ako. Ayaw kong masaktan-mabalian ng buto-at maihagis sa pacific ocean ng Grasya. Ang sabi ko na lang, "Hintayin mong ma-surprise ka, wag kang mag-madali katulad ng surname ko." O alam nyo na ang totoong pangalan ni SuperGulaman. Bhoyet Madali, search mo sa facebook. Dali!
Teka! ang tagal ko ng nag-ta-type..mahaba na ata. Stop na muna.
Sige mag-koment ka na. Tagal!
tagal kong alam ang pangalan mo hahaha. di ba nga frieneds tayo sa fb. lol natutuwa ako at nasa blogging world ka na ulit!
TumugonBurahinuu nga nmn..wahehehe..thanks..:)
Burahinnatawa ako kase ngayon ko lang nalaman na ikaw yun! WAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAH!!
TumugonBurahinweeehhhhh...ahehehehe...ako nga un promis...:D
Burahin'Patience is a virtue' sabi nila. Gusto ko itong post mo Boyet.
TumugonBurahinParang gusto mo yatang magkaroon ng maraming friends sa Facebook.
yup...tama..ahehehe...dok post mo ang facebook acount mo sa blog..swabe dadami friends mo...ahehehe...:D
Burahin