Lumaktaw sa pangunahing content

Pag-uuri


"Ihiwalay ang puti sa de-color"


Natapos na naman ang buong linggo ko at sa wakas rest day ko na naman.  Pero katulad naman ng dati wala namang bago.  Bukod sa gwapo pa din naman ako (ehem!), wala naman kakaiba sa buhay ng isang OFW. Pero kung iisipin mo nga naman tayong mga Pilipino ay likas sa hilig sa pag-uuri (categorization) ng mga bagay-bagay. OFW...Overseas Filipino Worker sabi nila. May narinig na ba kayong OAW, Overseas American Worker? O kaya naman, OCW, Overseas Chinese Worker? Kahit mga taga-India, wala naman din daw silang OIW, Overseas Indian Worker. Tayo lang ang meron nyan. Onli in d Pilipins. 

Sige isipin mo din, sa propesyon na gusto mong tahakin may pag-uuri din tayo dyan at iyon ay ayon sa impluwensya ng pamilya. Halimbawa, ang mga Marcos, pamilya yan ng mga politician. Ang mga Aquino, pamilya yan ng mga politician din. Politician nga ba o artista?... Ah basta, poli-tista na lang ayon sa pag-uuri ni SuperG.  Kung ang mga magulang mo ay teacher, malamang teacher ka din. Tapos ma-iisip mo na lang, aba! pamilya pala kami ng mga teacher. Kung basketbolista naman ang magulang mo, malamang maging basketbolero ka..ay basketbolista pala. Kitam.

Tapos meron din tayong mga pag-uuri na palasak sa mundong ating ginagalawan. Pag-uuri ng "mahirap" at  "mayaman", "matalino" at "bobo" at meron pang bonus na kategorya at yun ay "tanga". Kung noong grade school ka at lagi ka sa row 4 alam mo na kung saang kategorya ka noon. Anong row nga pla naka-upo ang mga tanga? Ang sabi ng classmate ko noon, "Ayan oh, may sariling desk sa harapan natin, lagi kitang kinokopyahan pero hindi pa nya ako nahuhuli".

Noong highschool ako, madalas akong kinakantyawan ni Laura ng "Ihiwalay ang puti sa de-color" dahil sa kayumangging kaligatan kong kulay. Ngiti lang ang sinukuli ko dahil alam kong crush naman nya ako.  Bwahahaha, kala mo ha? Pero inpeyrnes, d best ang mga highschool friends.

Ngayon, Oo, ngayon nga hindi bukas, ngayon dito sa Dubai, ito ang palasak na pag-uuri.  Mabango at mabaho! (Pinoy din ay pakana nyan...^_^)

Mga Komento

  1. mabaho ung mga pana noh? lol

    row 2 naman ako nung gradeschool lol.

    at iyan, kape at gatas naman kasi brown ako, white si crush hahaha

    TumugonBurahin
  2. ��������

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...