Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2014

Buhay Estudyante

Nagmamadali kang sumakay ng jeep.  Nakipagsiksikan. Kulang na lang eh sumabit ka sa sasakyan dahil wala ng espasyo para sa malaki mong balakang. 7:50am na kasi at sigurado late ka na naman sa klase mong pang alas-otso.  Iwinasiwas mo ang iyong basang buhok na hindi pa natutuyo dahil sa pagmamadali.  Tumama iyon sa mukha ni ate. Sumimangot.  “Sorry ate.” sabi mo.  Pero ang totoo nyan hindi ka naman nag-aalala kung magagalit sya o hindi dahil mas inaalala mo kung makaka-abot ka pa sa first subject mo.  Exam day ngayon.  Ngayon nakatakda ang kinabukasan mong pagpasa sa subject na iyon at kung hindi uulitin mo ito ng bonggang-bongga. Gumamit ka ng taijutsu, ninjutsu, sharinggan, athletic skills, kulam at walis tingting para umabot. 7:59am.  Buzzer beater, nakarating ka din sa pintuan ng classroom mo. Nagsisimula na ang exam. Lumapit ka sa teacher mong kapatid ni Osama Bin Laden.  Walang sabi-sabi, inabot nya ang test paper mo ...

Tingi Culture

Halos matagal-tagal na din pala ako sa Pinas.  Siguro mga nasa dalawang buwan na din. Ibig sabihin halos dalawang buwan na din akong walang trabaho. Walang income, walang pera. Gala, gastos, gastos, gala yan ang tema ko ngayon.  Astang mayaman kahit wala naman.  Astang may pera kahit butas na ang bulsa. Sabihin natin na bilang isang manggagawa sa ibang bansa na hindi naman talaga madali ang umuwi sa Pinas kung wala ka naman talagang limpak-limpak na salaping naipon. Kung meron mang kaunti siguradong ubos din yun kahit sabihin pa natin na mas mura pa din ang bilihin sa Pinas kumpara sa ibang bansa. Pero mura nga ba talaga? Kung tutuusin ang "tingi" culture   na meron tayo dito ang siyang dahilan ng hindi kagandahang asal sa paggasta ni Juan.  Halimbawa, marami sa ating mga kababayan ang mas bibili ng tig-5 pisong pakete ng kape kumpara sa isang pack nito.  Bakit? Dahil sa puntong iyon, yun lang ang meron tayo sa ating bulsa. Hindi lang sa mga gitnang ur...