Pilipinas. Ah, dyan ako nakatira. Dyan din ako pinanganak. Dyan din hinulma ang minsang magulo, makulit, at makulay kong pagkatao. Pero alam mo ba na ang opisyal na pangalan ng Pilipinas ay "The Republic of the Philippines" ? Oo? Ako din, yan din ang sa pagkakaalam ko. Base sa pakakakaalam ko, ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa pitong libong mga isla. Ang sabi sa tsismis 7,107 daw yun. Pero kung si Ms. Charlene Gonzales ang tatanungin mo, nakadepende daw yung yun kung high tide o low tide. Noong nasa bansa ako ng mga Arabo, maraming nagtatanong sa akin kung taga-saan daw ako. Madalas kasi napagkakamalan nila akong taga-Nepal, taga-India, at kung mamalasin naman taga-Sudan daw ako. WTF! Pero tumutugon lang ako ng "I'm from the Philippines". Tapos nakangiti silang nagre-react na parang nakakaloko. "Ah, Philipini, from Philippine". Langyang buhay 'to, sinabi ko na ngang "The Philippines" eh. Philippine. Philippine pa din ang...
~Utak gulaman man kung ituring, Superhero naman ang dating!...Super Gulaman!~