Lumaktaw sa pangunahing content

Inang OFW

OFW. Overseas Filipino Worker.  Tinaguriang bagong bayani ng bansa.  Mga Pilipinong sumasalba sa papalubog na ekonomiya ng Pilipinas.  Tunay ngang hindi matatawaran ang kontribusyon nila sa pagpapanatiling buhay ng naghihingalong buhay sa bayan ni Juan.  Ganito ang mga OFW. Matinding sakripisyo ang kanilang tinitiis upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. Hindi nila alintana ang hirap ng pagkakawalay sa mga mahal sa buhay. Ang hirap at pagtitiis sa pagtratrabaho sa dayuhang bansa.  Ang pananabik sa mga mahal sa buhay lalo na sa tuwing dumarating ang taunang bakasyon at muling pagkalungkot sa tuwing lilisanin ang Pilipinas. 

Mahirap ang maging bayaning OFW.  Ngunit mas mahirap ang maging inang OFW.  Dahil sa iyong paglisan hindi mo alam kung mahal ka pa din ba ng anak mo.  Dahil hindi mo alam na baka sa Skype ka nya lang kilala.  At dahil hindi mo alam kung napapalaki ba ng tama ang anak mo. Dahil hindi ka nya nakakasama sa mga espesyal na araw nya. Dahil hindi mo sya naalagaan sa tuwing may sakit sya. Dahil wala ka sa tabi nya sa tuwing imiiyak sya. Dahil wala ka sa kanyang tabi sa tuwing masaya sya. Dahil wala syang karanasan sa piling mo. Dahil hindi mo alam kung bahagi ka pa din ng kanyang pagkatao.  Dahil hindi mo na alam ang kanyang nararamdaman.  Wala eh.  Malayo ka kasi.

Mahirap ang maging bayaning OFW.  Ngunit mas mahirap ang maging inang OFW.

#OFW
#OverseasFilipinoWorker
#InangOFW


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...