...mag-aasawa ka na ba? bakit? handa ka na ba sa buhay may asawa? ...may nagtanong na ba sa inyong tanang buhay ng mga bagay na ganyan? kung wala pa o meron man...tinatanong ko ulit yan... ... ang sabi ng matatanda, ang pag-aasawa daw ay "hindi parang mainit na kanin na isusubo at iluluwa mo kapag napaso"...masyado pa akong bata noong una kong marinig yan sa mga usapan ng mga matatanda...wow! ambigat kasi nung ideya, yung mainit na kanin ay inihalintulad sa pag-aasawa... pero kung ako ang tatanungin, gusto ko kasi lagi ng mainit na kanin, at kahit mainit pa yan o mapaso man ako, pilit ko pa din yan kakainin...sayang kasi, laman tyan din yun at mahal na ang bigas ngayon... sa seryosong usapan, may punto talaga sila na dapat ay maging handa tayo sa buhay may-asawa at sa pagbabago na magaganap sa iyong buhay... eh paano naman natin malalaman kung handa na nga tayo sa pag-aasawa, eh bawal pala ang testing?... ...cge assessment muna tayo, gusto nating mag-asawa dahil (1)ayaw natin...