...una kong nakita ang babaeng ito na nakasakay sa jeep... napakasimple nyang manamit...simple ang ganda na kaaya-aya sa aking paningin... sa kanyang palad, akin napansin ang kipit nyang rosaryo habang umuusal ng panalangin... akin syang tinitigan, nanalangin din na sana ako'y kanyang mapansin... ngunit sya'y pumipikit at taimtim na nanalangin...
...ninais kong magpakilala sa kanya ngunit tila ba naging pipi ang aking mga labi... inisip na baka akalain nya na ako'y isang masamang loob na may masamang intensyon sa magandang binibini... sa pagkakataong iyon ako'y nanahimik, tahimik na nagmamasid sa babaeng aking lihim na inibig sa loob lamang ng ilang saglit...
...maya-maya pa..baba na sya..hindi ko man lang nalaman kung anu ang pangalan nya...tila ba nagsisi sa aking kapabayaan, hindi maipahayag ang damdamin kundi sa kawalan...
...lumipas ang panahon, ang mga araw...ngunit tila ba binigay ng Panginoon ang mga pagkakataon...kami'y muling nagkita...hindi lang isa, kundi madaming tsansa... sa kabila n'yon, hindi pa din ako nagpakilala, nahihiya sa kanyang kabaitan at ganda... nagmistula akong stalker na takot na makilala...mahal ko sya pero baka ako'y mapahiya....
...dumating ang pagkakataon... akin nakuha ang e-mail address nya, hindi ko nasasabihin kung paano ko yun ginawa, baka makakuha pa ng tips ang mga bata...at yun na nga, panghimpapawid na komunikasyon ang naging sistema... unti-unti nya akong nakilala, unti-unti din na ako'y nanabik na sana ako din ay mahalin nya...
...hindi na ako nakatiis sa aking nadarama, gusto ko nang magpakilala at maipadama ang tapat na pag-ibig pra sa kanya... sa madaling-salita kami'y nagkita...nagkasama ng matagal... at nagpahayag ng pagmamahal... pagkatapos ng misa na aming dinaluhan, aking natikman ang kinakapanapanabikang kasagutan...tama, sinabi nyang mahal nya din ako... halos umabot langit ang talon ko, nagagalak ang puso ko....ang aking buong pagkatao...
...lumipas ang panahon, kailangan nyang lumisan..umalis sa sariling bayan upang tuparin ang mga pangarap...hindi ako tumutol sa kanyang pag-alis..bagkus nanabik sa kanyang pagbabalik... tanging panalangin, pagmamahal at tiwala sa isa't isa ang naging sandigan....
...ang bilis ng panahon, limang taon na kaming nagmamahalan... susunod na taon na ang kanyang pagbabalik, magkakasama na at 'di na magkakawalay pa... susumpa sa altar at bubuo ng simple at masayang pamilya... miss na kita Grasya...
ayiii... in love na naman na post.. hahaha.. :D kaunting panahon nalang... God Bless...
TumugonBurahinwahehe.. ayus .. inlove ko dudung..ahahah.:D
TumugonBurahinwitness ako ha.. mula umpisa hanggang huli..ahehe.. gud lak.. naway biyayan kau ng tatlong anak..:D
true to life pala ito ha..kala ko kung ano na.
TumugonBurahincongrats and God bless sa relationship nyo at magiging buhay mag-asawa.
supergulaman is so in love..hehe
cheers ulit!
yehey...keeeeeeep us updatedddd sa love story mo super gulaman...super saya ako para sayo .....
TumugonBurahin@ minnie
TumugonBurahinuu nga eh...onti pa... kaya pa... :D
@ honie-gelene
uu nmn gusto mo abay ka pa, magkano gown ng abay? aheks... :D
@dylan dimaubusan
salamt salamat...ganun talaga prang adik lng...ahahaha...
@faye
tnx tnx... sure cge cge... :D
mabilis lang ang ilang buwan,ilang tulog nalang magkasama na kayo uli!
TumugonBurahinwow... angtagal nun.. limang kilokilometrong taon...pero i wish you all the best supergulaman.. tumatanda ka na kaya kailangan mu na talagang lumagay sa tahimik..lols joke..
TumugonBurahinhindi nga... sa tagal ng panahon na yun.. dapat nga lang kayo'y pumasok na sa next level... binabati ko kayu ni grasya..
love the post!
TumugonBurahinkakainlove huh!!!
syet na malagket! ang suweeeeet!
TumugonBurahinwow!may kasalan ba dito? invited ba co? gusto co menudo. . kung wala naman ay pwede na siguro ang adobo. .lol
TumugonBurahin@emz
TumugonBurahinuu nga onti pa...eheks... :)
@kosa
weee.bata pa nmn kmi pareho... pero syempre...ito na yun eh...wag ng palampasin... :)
@genyze
buti nga kayo meron n trophy (*inggit*)...gagawa din kmi nyan...bleeehhh...:P
@joshmarie
ito lng masasabi ko sa comment mo....bleeeeh!....ahahaha...namis ko lng sya cguro ng sobra...:)
@paperdoll
aheks....next year pa yun, mga last quarter pa..wala pa pera, pero magkakaroon na...menudo pa gusto..ahahaha...kare-kare ayaw mo... :)
wow!
TumugonBurahinAmazing...
speechless ako..
grabe!
Congrats!
siguro nman di ko kailangang maging parang adik para ma-in love ng ganyan, haha!
TumugonBurahinako!!! gusto ko ng kare-kare!
tanong: eh anung name ng future wifey ni supergulaman..? super sago? iced tea? coffee? wehe. piz!
isa lang ang masasabi ko, we, your blogger friends are happy for you.
painum ka naman kahit gulaman jan..;)
cheers!
Inlababo a...
TumugonBurahinGoodluck Gulaman....
@aian
TumugonBurahinako din speechless na nangmabuo ko itong entry ko...ahahaha...namis ko lng sya tlaga ng sobra....
@dylan
Grace ang name...my amazing grace....yari ka dun gagawin ka nun super sago...aheks...inde, mabait yun...magpapa-inom ako...gulaman at fishball... :D
@pajay
salamat...salamat... :)
awwww... ang sweet naman nang luv story... wow... puwedeng pang-maala ala moh kayah 'un ah =)... sige... sana sya na nga ang d' one moh... and basta lagay nyo lang lagi si God sa middle nang relationship nyo kc no matter wat happens at kahit madmeh pang bagyo ang pagdaanan nyoh itz Him who always gonna put you two together... take and GODBLESS! -di
TumugonBurahin@dianz
TumugonBurahinaheks...pang-malala na kaya pd yan...ahahaha....tama ka, pray lang lagi yun tlaga ang tunay na sikreto... :D
take care 'un ah... hehe... kulang sa type..hehe...yeah tama kah prayers nga ang sikret...laterz.. =)
TumugonBurahinwaaaahh!! si mommy grace pla yun! ahaha! kala ko enlab ka na sa iba! niahaha! pero shempre lalabs mo pla si mommy grace. kelan uwi nya ule? try and try until you succeed. niahahahahahahaha!
TumugonBurahin@kaye
TumugonBurahinuu naman...walang iba syempre...bait nmn ako eh..next year uwi na yun... :)