Lumaktaw sa pangunahing content

...desisyon...

...mag-aasawa ka na ba? bakit? handa ka na ba sa buhay may asawa?

...may nagtanong na ba sa inyong tanang buhay ng mga bagay na ganyan? kung wala pa o meron man...tinatanong ko ulit yan...

... ang sabi ng matatanda, ang pag-aasawa daw ay "hindi parang mainit na kanin na isusubo at iluluwa mo kapag napaso"...masyado pa akong bata noong una kong marinig yan sa mga usapan ng mga matatanda...wow! ambigat kasi nung ideya, yung mainit na kanin ay inihalintulad sa pag-aasawa... pero kung ako ang tatanungin, gusto ko kasi lagi ng mainit na kanin, at kahit mainit pa yan o mapaso man ako, pilit ko pa din yan kakainin...sayang kasi, laman tyan din yun at mahal na ang bigas ngayon... sa seryosong usapan, may punto talaga sila na dapat ay maging handa tayo sa buhay may-asawa at sa pagbabago na magaganap sa iyong buhay... eh paano naman natin malalaman kung handa na nga tayo sa pag-aasawa, eh bawal pala ang testing?...

...cge assessment muna tayo, gusto nating mag-asawa dahil (1)ayaw nating tumandang nag-iisa sa buhay... (2) syempre masarap matulog pag may katabi at kasiping sa magdamag (*optional ito, yung iba kasi ayaw maniwala na kasali ito*) (3) gusto nating magkaroon ng kahulugan ang ating buhay sa pagkakaroon ng mga anak... (4)gusto nating magkaroon ng masayang buhay at (5) mahal namin ang isa't isa.. yan yung mga positibong dahilan kung bakit nag-aasawa ng tao... pero meron ding ilang negatibong dahilan ng pag-aasawa...(1)pinagkasundo kasi ako kya wla akong mgagawa (*pang mga royal blood*).. (2) mayaman sya eh, kya magpapakasal na kami (*gold digger*) (3)magaling kasi sya sa kama kaya sya ang pinili ko (*reason ng manyak*)... (4) buntis kasi sya eh, kya magpapakasal na kami.. (5)ako kasi ang nagpapaaral sa mga kapatid ko, gusto ko naman sarili ko ang asikasuhin ko (*panaghoy ng isang breadwinner*) at (5) trip trip lang...

...alam kong maraming pang ibang dahilan kung bakit nga ba nag-aasawa ang tao, pero kahit anu man ang dahilang iyon mahalaga na maging sigurado tayo sa ating desisyon, hindi lang sa utak bagkus kaakibat din nito ang desisyong ng ating puso... naniniwala pa din ako na ang pag-aasawa ay hindi nangangahulugan ng kahandaaan natin sa financial na bagay...ang sabi kasi nila, maging praktikal ka...dapat ready ka na financially para maitaguyod mo ng maayos ang pamilya mo...may punto nga sya, eh kaso paano naman kung 50 years old ka na bago maging ready financially...di ba mahirap din yun...ang sabi kasi nila, sa pag-aasawa dapat physically, emotionally, mentally at financially ready tayo... tama sila sa ibang punto.. pra kasi sa akin, ang pag-aasawa ay dapat ready tayo sa usapang physical, emotional at mental...tapos yung financial aspect huli na yun, nasa proseso na un ng inyong pagsasamang mag-asawa..pero kung mayaman ka na at ready ka na financially, ang swerte mo...

...bukod sa mga sinabi ko, meron din kasi na hindi kasi makaalis sa poder ng kanilang mga magulang kung kaya masasabi natin na hindi pa sila ready sa pag-aasawa... madalas nagtatalo ang isipan natin kung kaya mo na bang iwanan ang pamilya mo para bumuo ng sarili mong pamilya...para hindi ka na mahirapan sa pag-iisip, bibigyan kita ng isang "hypothetical situation"...

"sakay kayo ng isang bangka, kasama dito ang tatay mo at ang iyong fiance...lumubog ang bangka...at meron kang isa lamang pagkakataon pra iligtas ang isa sa kanila...sinu ang ililigtas mo?"

....sa mga handa ng mag-asawa sigurado ako ililigtas nila ang kanilang fiance...at ang kanilang tatay naman ang maliligtas para sa mga hindi pa handang mag-asawa... tinanong ko ang sarili ko noon tungkol dito...at ngayon iba na ang sagot ko... "pipiliin ko pa din na iligtas ang grace ko kahit ako pa mismo ang malunod"...



Mga Komento

  1. yay.. ahehe..:) kaloka baket mag aasawa ka na ba.?? alam ko kung anu ung reason mo..harhar.

    the wikigadgets.net

    TumugonBurahin
  2. kung ako ang tatanungin, ayoko pa ng asawa. ang gusto ko lang ay anak muna! lolz

    TumugonBurahin
  3. magkakadugtong ang mga bituka natin. parang nagpost din ako nung isang araw tungkol na naman sa pag-aasawa. hay. ayoko pa nun. hehe. yoko pa magpasakal. dati sabi ng tatay ko wag daw muna ako magboypren. ngayon naman halos ipagtulakan na ako para mag-asawa. ampf!

    TumugonBurahin
  4. @gelene
    oo bkit?...ahehehe...next year pa nmn un...bka nga mauna ka pa....:P

    @yods
    nyaks... ako gusto ko pareho...ahehehe...

    @joshmarie
    uu nga nabasa ko un...sabagay iba-iba nmn ng pananaw ukol dyan...hulaan ko bkit ganun ang tatay mu..."excited na sya sa apo"...ahehehe... :)

    TumugonBurahin
  5. taena.. ako, ililigtas ko si grace ko... kase marunong lumangoy tatay ko eh.. di na nya kailangan ng tulong... hahahaha

    TumugonBurahin
  6. @kosa

    ahehehe..ang totoo nyan pareho silang mahuhusay lumangoy..ako lang ang hindi...ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  7. weepeeh! mag-aasawa ka na! kung sa usapang financial, yun ang kagandahan ng may partner o katuwang sa pagpuno sa financial needs, dalawa na kayo nun na nagtutulungan!

    TumugonBurahin
  8. wow.. binabati kita super gulaman... ikakasal ka na?

    TumugonBurahin
  9. hindi totoo ung sinasabi na lalagay na sa tahimik pag mag-aasawa.. ewan ko nga ba't ganun ung sinasabi ng mga matatanda. d b dapat lalagay na sa magulo? lol.

    TumugonBurahin
  10. @em
    weeeee...ayaw kong ma-excite...pero na-eexcite na ako...ahahaha..

    @bagito
    cge...tsaka mo na ako ulit batiin...pagnakaraos na...weeeeee.. :)

    @ka bute
    uu tama ka...ako din inde agree sa sabi ng matatanda..pero pra sa akin hindi din un nangangahulugan ng pagpasok sa magulo...pra sa akin journey ang pag-aasawa hindi sya destination...nasa atin na kung paano natin pasasayahin ang bawat sandali ng buhay may asawa... :)

    TumugonBurahin
  11. stalker na pala kita. salamt-salamat. ingat ha...baka mabaliw ka. hehe. joke. :)

    TumugonBurahin
  12. errmm..tungkol sa tanong mo..hindi pa sana handa pero wala eh. haha! no regrets naman ako. hehehe. kaya kung ako sayo, mag-asawa ka na rin kasi matanda ka na! niahahaha!

    TumugonBurahin
  13. @joshmarie
    ahehehe...naging stalker din ako dati... ngaun baliw na din ako, kaya inde na pd ung dobleng baliw...ahehehe... pero grabe kc nmn ung stalker mu...ahehehe..masyado syang naakit ng iyong alindog at masyado syang marahas (*selfish love*)...

    @kaye
    uu nga...andugas mu...ahehehe... pero at least ngaun may svet ka pa... madugas tlaga...weeepeee...hapi hapi... ;)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...