Lumaktaw sa pangunahing content

...buhay mo, buhay ko, buhay nating lahat...

" wag kang masyadong matuwa, baka mamaya umiyak ka lang..."

pamilyar ka siguro sa mga salitang iyan...ngunit hindi ko din maunawaaan kung bakit kailangan nating maging malungkot o umiyak sa kabila ng ating nadaramang kasiyahan... tama! lagi na lang ganito ang tao... blundered pa din tayo ng idea ng duality... katulad nung nabasa kong email message noon... na madalas naniniwala tayo na ang lahat ay may opposite...lagi na lang tayo sumasang-ayon sa 3rd Law ni Newton na "For every action there is always opposed an equal reaction"...parang pag may kasiyahan, ang opposite nun ay kalungkutan...mainit at malamig, mabuti at masama, mapait at matamis, itim at puti... lagi na lang ganito ang ating pananaw sa buhay...

..tunay ngang ang lahat ng bagay dito sa mundo ay nagbabago...hindi ka pwedeng maging kapanteng masaya dahil maaring magbago yun at mauwi sa kalungkutan. sabi nila..tunay ngang tanging "change" lamang ang constant sa mundong ito... pero hindi yun ang dahilan para hindi nating gawing ganap ang ating kasayahan...

...'wag tayong maduwag sa concept ng duality... ibig sabihin pwede naman tayong maging lubusang masaya ng hindi natatakot sa kalungkutan...maaring ngang mawala ang kasiyahang iyon at mapalitan ng ibang emosyon pero ang emosyong din iyon ay hindi nangangahulugan na ito kalungkutan... sabi nga sa math "not happy is not equal to lonely"... parang "zero is not equal to null"... halimbawa, sa sobrang saya mo napadami ang kain mo, maya-maya lang sumakit na ang tyan mo...sa puntong iyon medyo nawala ang iyong kasiyahan, pero hindi ka naman nalulungkot sa iyong pagtungo sa banyo di ba?... yun nga! ang buhay ay hindi tungkol sa extremes, hindi ito tungkol sa masaya at malungkot, sa pangit at maganda, mabuti at masama... maikli lang buhay ng tao, kung tutuusin 70.8 years lang ang life expectancy nating mga Pilipino...tpos kung lalaki ka meron ka lamang 67.89 years at 73.85 years naman para sa mga babae (*source: CIA World Fact Book 2008*)...di ba, ang ikli lang ng panahon natin? kung sasayangin mo lang ang mga panahon na yan para sa mga negatibong bagay, nasa iyon na yan...

tungkol nga ba saan ang buhay? para sa akin, tungkol ito sa kung papaano natin siya lalagyan ng kulay (*hindi ito commercial ng knorr*)...pero hindi din ito about sa black and white., hindi ito tungkol sa presence at absence ng color, tungkol ito sa iba pang mga kulay.... ang buhay ay tungkol sa ating paglalakbay...sa ating pakikipagsapalaran.. "life is colorful" ...."life is precious" , ika nga... ang mahalaga, i-enjoy natin ang bawat sandali nito...

Mga Komento

  1. yap, nararanasan ko nga na kapag sobrang saya ko bigla na lang may mangyayari di inaasahang di nman ganun kalungkot pero opposite pa rin talaga ng nararamdaman mo ngayon.. hays, di ko na maintindihan pinagsasabi ko..

    anyway, life has its own purpose.. kung ang bagay nga na inimbento may purpose. tayo pa kayang tao..

    life's purpose is the greatest thing a man can ever discover.

    kung tumanda ka na't lhat pero di mo nalaman kung bakit ka nandito, anung silbi ng buhay mo..

    makulay ang buhay, depende kung lalagyan mo o hindi ng kulay.. i like this post.. ganito rin ang message sa church namin kanina..

    cheers! supergulaman!

    TumugonBurahin
  2. naniniwala ako sa law na sinabi ni sinu na ba yun? na sinabi mo din... hahaha
    oo nman sobrang ikli na nga ng buhay di tulad nung panahon ni kopongkopong na umaabot sa limang daan ang haba ng buhay... hanggang sa umikli ng umikli... sasayangin mo ba ang buhay mo?

    ako hindi!

    TumugonBurahin
  3. taena... nakalimuutan kong sabhin... hindi nman sa nilalabanan ko ang kristyanismo.. sinu ang nakakaalam na may life aftr death nga?

    kaya... live to the fullest.. hahaha sympre.. yung makatao ka parin... living happy while making other people happy. kase ang buhay iisa lang... sayang nman

    TumugonBurahin
  4. @dylan
    uu nga...hindi natin kailangan magsayang ng oras sa mga walang kwentang bagay..ngunit paano kung ang silbi mo pla sa mundo ay ang pagigigng walng silbi...panu un?...ahehehe...ang mahalaga, enjoy life, be happy...

    @kosa
    si newton un, sya din ang dahilan kung bakit may bumabagsak na eroplano, sya ang may pakana din ng law of gravity..ahehehe...

    ...uu nga hindi natin alam na may life after death...swerte natin kung meron nga pero para sigurado wag na tayong mag-aksaya ng panahon... :)

    TumugonBurahin
  5. nice blog! nakaka relate ako..

    TumugonBurahin
  6. parang medyo related ito sa last post ko sa blog ko ah.. nga naman.. we have all the right to be happy, wag nating isipin ung kapalit na kalungkutan.. as long as nasa lugar naman tayo, walang kalungkutang kapalit 'yun.. db?

    God Bless!!

    TumugonBurahin
  7. tama tama!
    wala akong masabi.
    tinamaan ako.
    ang pessimist ko kasi.
    toinks!
    Mabuhay tayong lahat!
    =D

    TumugonBurahin
  8. @anon
    ahehehe...salamat sa komento, sna nilagayna mu ng pangalan pra nasundan kita...ahehehe... :)...buti ka pa naka-relate ako mejo hindi pa...ahahaha..jowk... :)

    @minnie
    may tama ka...ahehehe...pero yun nga dapat lagi positive...sabi nga kasi..."walang pangit na ending, kung pangit pa din hindi pa yun tapos"... :)

    @batopik
    bato bato...pik...talo ka! ahahaha... yun nga dapat optimistic tayo sa buhay...pra hapi... :D

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...