Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2008

...simbulo...

bilang panimula..hayaan ninyo muna na batiin ko kayo ng... Maligayang Pasko! at bilang paghahanda sa kapaskuhang ito at epekto na din siguro ng aking medyo mahaba-habang bakasyon...pinagtripan ko ang mga kakulitan ng mga bata dito sa amin... pinilit kong pinaniniwala sila na hindi matutuloy ang Pasko...dahil may ubo't sipon si Santa Claus...nilamig kasi sya sa north pole... ooooppsss...oo nga pala kilala mo ba si Santa Claus? 99.9% na sure ako na kilala mo nga siya...ei si John the Baptist kilala mo? siguro medyo medyo lang ang sagot mo ano?...sino ang mas kilala mo si Santa Claus o si John the Baptist? Naniniwala ka ba na totoo si Santa Claus? Kung kilala mo si John the Baptist, naniniwala ka ba na totoo siya? noong bata pa ako, nagsasabit tlaga ako ng pulang medyas sa may Christmas tree, bintana o kaya'y sa may pintuan namin tuwing araw ng pasko, naniniwala na lalagyan iyon ng mga kendi at laruan ni Santa Claus..pero nawala ang paniniwalang iyon ng mahuli ko ang salarin, ang ...

...mensahe...

hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama ngayon...tila ba isa itong katotohanang imahinasyon.... katotohanang kahit kelan hindi magiging totoo at imahinasyong tunay na nasa iyo...gusto ko sanang ibahagi ito sa inyo..ngunit hindi sapat ang mga letra ng tipadang ito upang mabatid ang mga konsepto na nasa utak ko... nakatitig sa kawalan...hinahanap ang dahilan...ang dahilan ay wala sa kawalan ngunit ito ay nasa pagtitig sa kawalan...sa kawalan ay walang pag-iisa, kasama mo sya tuwina...ginusto mo ang magsaya ngunit tila ba nalulungkot ka...nalulungkot ngunit ikaw ay masaya... lumilipas ang oras...lumilipas ang panahon..hindi ko mawari, bkit ganoon?...inakala na ang buhay ay langit...ngunit langit ito ng kahapon...mabuhay habang panahon, at maibahagi ang biyaya sa bawat pagkakataon...katinuan na dapat ay para sa sankatauhan, naiwaglit sa kadiliman...kadiliman na puno ng saya at ganda...liwanag na puno ng pighati at pag-iisa...mahirap mag-isa, masarap ang may kasama...kasama ang pag-iisa, m...

...ano daw?...

kamusta na mga katoto?... medyo matagal- tagal na din ang panahon na nakalipas bago ako makapaglagay ng bagong entry...pasens ya na kayo, in-enjoy ko lang ang pagiging bakasyunista ko... dahil magpapasko na at ang madalas na tema ay usapang pu so kasi "give love on Christmas day" na...yun ang magiging paksa ng ating usapan.... binabalaan ko na ang mga takot at allergic sa pag-ibig na wag ng ituloy ang pagbabasa dahil magsisilbi lang itong silya elekrika ng inyong mga puso...pero kung gusto mo at mapilit ka...sige na nga... naalala mo pa ba ang una mong crush? oo tama! si crush...siya yung unang taong nagbibigay inspirasyon sa iyo sa tuwing papasok ka sa eskwela...siya ang nagpapakilig at nagpapaikot ng iyong pwet sa twing makikita mo siya...siya din ang dahilan kung bakit ka laging ganado tuwing may recitation si ma'am... taas ka nga ng taas ng kamay upang mapansin ka niya...kaso nawalang bigla ang iyong matinding paghanga ng aksidenteng matae siya sa loob ng inyong klas...