Lumaktaw sa pangunahing content

...ano daw?...


kamusta na mga katoto?...
medyo matagal-tagal na din ang panahon na nakalipas bago ako makapaglagay ng bagong entry...pasensya na kayo, in-enjoy ko lang ang pagiging bakasyunista ko... dahil magpapasko na at ang madalas na tema ay usapang puso kasi "give love on Christmas day" na...yun ang magiging paksa ng ating usapan.... binabalaan ko na ang mga takot at allergic sa pag-ibig na wag ng ituloy ang pagbabasa dahil magsisilbi lang itong silya elekrika ng inyong mga puso...pero kung gusto mo at mapilit ka...sige na nga...

naalala mo pa ba ang una mong crush?
oo tama! si crush...siya yung unang taong nagbibigay inspirasyon sa iyo sa tuwing papasok ka sa eskwela...siya ang

nagpapakilig at nagpapaikot ng iyong pwet sa twing makikita mo siya...siya din ang dahilan kung bakit ka laging ganado tuwing may recitation si ma'am... taas ka nga ng taas ng kamay upang mapansin ka niya...kaso nawalang bigla ang iyong matinding paghanga ng aksidenteng matae siya sa loob ng inyong klase...halos gumuho ang iyong mundo ng sandaling iyon, at tila ba ikaw ang hiyang-hiya dahil sa pagkakataon... pero nasaan na kaya siya ngayon? uuummmm...wala na akong ideya, kasi nga pati pangalan nya nakalimutan ko na...kindegarten pa kaya ako nun...

..nakakatuwang balik-balikan ang mga sandaling iyon...pero anu nga ba ang pangalan nya?...hindi ko na talaga maalala...binalikan ko sa aking kukote ang itsura nya...mmmhhh, hindi naman pla siya ganun ka-cute... pero anu nga ang nagustuhan ko sa kanya? hindi ko na din maalala...


ikaw? anu nga ba ang nagustuhan mo sa crush mo? 'wag mong sabihin sa akin na hindi ka tumitingin sa panlabas na anyo at dahil mas gusto mo ang kanyang malinis kalooban...ayan na naman ang sagot na pang-showbiz...weeee, imbento mo....

...pero ang totoo nyan, aminin man natin o hindi, may partisipasyon pa din ang itsura at pisikal na anyo sa pagpipili ng ating magugustuhan... oooppss... pero hindi lahat, maaari din kasi na nagandahan ka sa kanyang boses kaya nagustuhan mo sya, maaari din kasi na nasarapan ka kanyang luto kaya nagustuhan mo na sya... ang kaso bihira lamang yun...pero hindi ba? mas madaling ma-imagine na kasama mo ang isang taong may magandang mukha sa iyong tabi? ang kayakap ang may magandang katawan?...hindi ko ugali ang manghusga ng kapwa o mandiscriminate dahil lang sa itsura nito..pero ito ang katotohanan na tunay na nakakalungkot... kung sabagay, ito naman ay sa usapang crush lang, wala pa dito ang pag-ibig... kasi doon, regardless ang itsura mo, maganda ka man o pangit...lahat dun ay pantay-pantay...

...naalala ko noong tinanong ako ni Grace, "Yet, ano ang nagustuhan mo sa akin?"... hindi ko na maalala ang sinagot ko sa kanya noon...pero ang alam ko hindi ko sya direktang sinagot... hindi ko sinabi na gusto-gusto ko ang ilong nya... ang ganda ng kanyang mukha na tila ba isang magandang umaga na nagbibigay sigla... hindi ko sinabi ang mga iyon...ngunit ngayon alam ko na kung anu ang sagot sa tanong nya... "lahat kasi ng tungkol sa kanya ay minahal ko na...."

...kung ilong lang ang nagustuhan ko sa kanya, e di maghahanap na lang ako ng ibang mas may magandang ilong, kung mukha lang ang nagustuhan ko sa kanya e di maghahanap na lng ako ng mas may magandang mukha... pero hindi ganun sa pagmamahal..hindi ito tungkol sa bagay na meron at wala sya...tungkol ito sa mga bagay na kaya mong gawin at tanggapin pra sa kanya... hindi tayo nagmamahal dahil sa panlabas na anyo o sa ganda ng kalooban...nagmamahal tayo dahil iyon ang pintig ng puso....nagmamahal tayo hindi sa mga dahilan, nagmamahal tayo kundi sa nararamdaman...

note: ang hirap lagyan ng title ng post na ito, wala akong maisip! may suggestion ka? anu?

Mga Komento

  1. whew! dinagdagan mo lalo ang aking pagka-inlab ngayong araw na ito. i will crush you kuya boyet!!!!

    TumugonBurahin
  2. taena... ganun?
    lols kahit nung mga panahon namin, uso ang natatae sa klase.. pati pala nung panahon nyo..lols totoo..

    ahhhhh... nax naman..kilig to the bone ah.. talagang inlab na inlab ka nga supergulaman...

    ganda ng linya mo ah..pang-chik boy..
    MINAHAL MO LAHAT SA KANYA.. nice nice

    TumugonBurahin
  3. Ganda title?

    I CRUSH YOU!

    PEro di kita crsuh ha...nuon siguro :))

    kaya nga EX kita eh:))

    TumugonBurahin
  4. haha.. putsat.. kalandian lang pla. kala ko kung anong kinaganda..eh alam ko n nakasulat.nasayang lng oras ko..
    tae.=)) yan ang title dapat..:))=))
    wahaaha

    TumugonBurahin
  5. taena..lols di ko nakita yung video ah... ngayun lang..

    super ganda nman pala ni grasya eh.. sabagay super ka din nman gulaman.. kaya bagay na bagay...
    superGanda
    at
    superGulaman..
    lols

    TumugonBurahin
  6. nyahahaha. talagang nilagyan mo kuya ano? i will crush you once more time. hehe

    TumugonBurahin
  7. @joshmarie
    ahehehe...ok yan..pasko nmn eh...weeepeee...

    @kosa
    aheks...ako chikboy??...weeee...nagsasabi lng ako ng totoo... :)

    @genyze
    ahehehe...ex pla tayo...ahahaha...sinama mo pa ako tuloy sa listahan mo...wenks, ok an title...ahehehe

    @gelene
    ahehehe...basta khit na anu sabihin mo...salamat sa narutomaxx.net weeepeee... ;)

    @kosa ulit
    andugas ah...sya super ganda tpos ako super gulaman lng...aheks... dapat superpogi o supermacho khit bola lang...ahahaha....

    @joshmarie ulit
    ahehehe..inde ka nmn allergic sa pag-ibig eh...ok lng yan...ahehehe... :)

    TumugonBurahin
  8. may mga standards ako noon, itinapon ko na yun ngayon.. naisip ko tatanda akong dalaga pag nagkataon.

    totoong tumitingin din ako sa panlabas na anyo, pero syempre hindi ako (tayo) pwedeng mabuhay lang dun.. hindi tayo mabubuhay ng ganda't gwapo lang.. ;)

    ano daw?

    TumugonBurahin
  9. @dylan
    naks...eheks...pero totoo yun... akin nmn noon simple lng gusto ko...

    ok na sa akin yung mahal ko lng sya khit hindi nya ako gaano mahal...yan lng yun gusto ko noon.. but sobrang saya and thankful nga ako kc si grace...hindi ko lng sya mahal, sobrang mahal nya din ako o mas higit pa ng inde ko alm... proven na yun sa maraming paraan... :)

    TumugonBurahin
  10. Pag-ibig sabi nila'y bulag ang kahambing
    Hindi nakakikilala ng pangit at matsing,
    Kahit pa nga magdildil ng asin
    Duling na sa gutom, maligaya pa rin!

    It's not what you get. It's what you give!

    Mabuhay si Super Gulaman!

    TumugonBurahin
  11. @mike
    uu nga pasko na nga...parang give love on Christmas day lng...aheks...naks ayuz ang stanza...salamat salamat... :)

    TumugonBurahin
  12. ang cute ng aso.
    kiligan moments pala 'to.
    ehehe.more power!

    TumugonBurahin
  13. @kcatwoman
    ahehehe..uu cute un ascho...eheks...nahahahwa lng ako...aheks... :)

    TumugonBurahin
  14. naks! paskong pasko ang post ah! God bless ^______^

    TumugonBurahin
  15. @Bino
    sa iba OA daw...korni...pero ayuz lng nmn pra maramdaman nmn khit onti.... :)....love love love... :)

    TumugonBurahin
  16. Wew!!!!masalimuot ang buhay pag-ibig ko ngayon pero bigla akong naging bata ulit at nasiyahan ako sa post mo na to..hanep!!!.lolz...naalala ko pati crush ko dati...at napatanong rin ako,san na kaya sya ngayon?..haha..taena talaga!!!hahahaha.....hindi nga naman dapat sa dahilan kundi sa nararamdaman.ayos!!

    TumugonBurahin
  17. awww.. talagang inlove na inlove ka noh..

    cguro kung makikita ko mukha mo, yung ngiti mo abot tenga.. panu pa kung nsa tabi mo na sya? haha.. masaya ako para sayo..

    pero sa ngayon, nalaglag na naman ang puso ko...

    ... sa post ni RONturon.. hayz. may sakit na ata ako sa puso. di nga ako makapg comment at baka pagbalik ko sa site nya eh..ayun. argh!

    ahaha! cheers tayo para kay supergulaman at supergrace! ;)

    P.S.
    gawa ba sa macromedia flash yung drawing na may hinahagupit na halimaw noon sa upper left ng blog mo? tuwang tuwa ako dun eh.. haha.. nung inaadd mo na ko sa links mo nawala na.. natalo ba sya sa laban nya??? lolz

    di na ko maubusan, sensya na, ang haba na!

    TumugonBurahin
  18. @Pajay
    ahehehe..mga 90% na siguradong nag-asawa na yun...aheks... :)

    @dylan
    eheks..uu nga inalis ko na yun macroflash na yun...mejo bumbagal kc yung load nitong blog...aheks...

    TumugonBurahin
  19. wow!... feeling koh fan den akoh nang page moh... kc so far nakakakoment akoh sa mga post moh... eniweiz... natuwa naman akoh sa post moh.... sweet naman nang pag-ibig moh ngaun... yeah luv nga naman... totoo 'un... at first kc attracted kah muna sa physical appearance nilah.... then u get to know d' person well... then marerealize moh mahal moh sya nde dahil maganda syah cuz dahil sa kanyang taglay na pambihira... devah song 'un?...hehe... basta ganonz... pero posible ren naman devah na mapamahal kah sa taong nde moh nakikita?... kaso... problema pag nagkita biglang mawawala ang pagmamahal na 'un.... pero pagmamahal nga bah 'un?...haha.... 'la lang... hehe..yeah nawala na akoh sa pinagsasabi koh..hehe... naaliw akoh don sa first crush kamo... gusto moh kwentuhan kitah... haha... ba't koh bah naging crush 'ung mokong na 'un?... kc first he's cute...second he's smart.... attracted akoh tlgah sa matatalino kahit di kaguwapuhan... plus pah kung may sense of humor... eniweiz... feeling koh ren crush den akoh nya non... haha.. feeling lang... wehe... kaso sa sobrang tuksuhan nahiya na sya saken... nde na akoh kinausap...haha.. topakz pinagkalat koh eh...hehe.. pero matindi 'ung pagka-crush koh sa kanyah... kc umabot nang maraming taon... nung mga panahong 'un... sabi kc nilah may mga crushes silah...so panahon pa yan na bata pa akoh... hehe.. so akoh naghanap nang mabibiktima... so 'un... akoh palah nabiktima...haha... pagkalipas nang maraming taon... nakitah koh uletz sya sa friendster lang naman... he's way cuter that d' last time i saw him...natuwa akoh...nagkaroon nang slight crush kc ang cute nya kayah... pero hanggang don lang... pero now... 'la nah.... don't really care syempre kc panahon pa ni limahong 'un...haha... nd ganonz atah siguro pag na-inluv ka na sa ibah... haha... hanggang don lang muna... hehe... 'un lang muna parekoy... nalalabuan na akoh sa mga pinagsasabi koh... nd kc essay na to..haha... hanggang sa muli... GODBLESS! -di

    TumugonBurahin
  20. @dhianz
    ahehehe...kakatuwa comment mu...tnx tnx... aheks...salamat at na-aapreciate mo sya...depende din kc sa mood ko yung naisusulat ko d2...sa tatsa ko yun iba feeling nila sobra OA or corni itong post na ito...but well ito yung mood ko eh at nakakatuwa balikan yung mga nakalipas na panaohn...salamat nakiisa ka...gudluck kay crush mu...aheks... :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...