Lumaktaw sa pangunahing content

...simbulo...

bilang panimula..hayaan ninyo muna na batiin ko kayo ng... Maligayang Pasko! at bilang paghahanda sa kapaskuhang ito at epekto na din siguro ng aking medyo mahaba-habang bakasyon...pinagtripan ko ang mga kakulitan ng mga bata dito sa amin... pinilit kong pinaniniwala sila na hindi matutuloy ang Pasko...dahil may ubo't sipon si Santa Claus...nilamig kasi sya sa north pole... ooooppsss...oo nga pala kilala mo ba si Santa Claus? 99.9% na sure ako na kilala mo nga siya...ei si John the Baptist kilala mo? siguro medyo medyo lang ang sagot mo ano?...sino ang mas kilala mo si Santa Claus o si John the Baptist? Naniniwala ka ba na totoo si Santa Claus? Kung kilala mo si John the Baptist, naniniwala ka ba na totoo siya?

noong bata pa ako, nagsasabit tlaga ako ng pulang medyas sa may Christmas tree, bintana o kaya'y sa may pintuan namin tuwing araw ng pasko, naniniwala na lalagyan iyon ng mga kendi at laruan ni Santa Claus..pero nawala ang paniniwalang iyon ng mahuli ko ang salarin, ang tatay ko...huli ka!...ang totoo nyan halos 90% ng mga batang pilipino na may edad 6 pababa ay naniniwala kay Santa Claus...anak ng tokwa nasama pa ako doon dati...

pero sino nga ba si Santa Claus? anu nga ba siya...babae o lalaki? kung lalaki bakit santa?..yan ang mga kabalbalang tanong ko noon..obyus naman na lalaki si Santa, may balbas kaya sya...malaki lng yung tiyan pero hindi yun buntis...kinain nya yung mga batang hindi naniniwala sa pasko..awoooooo....ahehehe...isa yan sa mga script ko sa panloloko sa mga bata dito sa amin...

ok seryoso na tayo..si Santa Claus daw ay kilala din bilang si St. Nicolas...so kung sya si St. Nicolas...ibig sabihin hindi sya taga-north pole...taga-Turkey sya...ang sabi sa chismis si St. Nicolas daw masyadong maawain sa mahihirap lalo na sa mga bata..sa katunayan bumili sya tatlong batang babae noon...sabihin na nating nagbigay ng kapalit na pera sa mga magulang ng tatlong babae upang hindi ito masadlak sa prostitusyon...di ba ang bait nga nya... ganyan lang talaga ang totoong Santa Claus sa paniniwala ng isang Katoliko noon...pero ayun na nga ang daming mga nabago at iyon ay dahil sa impluwensya ng iba't ibang relihiyon at sektor... ang isa sa pinakamalaking nakaimpluwensya ay ang America...dahil sa Americanization, halos sa buong dako ng mundo ay naniwala na si Santa ay may malaking tyan, may balabas, kulay pula ang costume, nakatira sa north pole at simbulo ng Coca-Cola...kaya mga tsong wag kayong magtaka kung bakit walang altar si Santa Claus sa simbahan nyo khit ngayon ay pasko...Sabi nga ni Father last week, "hindi simbulo ng Pasko si Santa Claus"... para sa akin tama siya doon... pero para maliwanag, wala akong galit kay Santa Claus, sa Coca-Cola o sa America... ngunit gusto ko lng ipakita sa mga batang ito at sa buong madla na dapat mas kilala natin ang tunay na may selebrasyon sa araw na iyon...Christmas is not only about gift giving, it is about the birth of Jesus Christ...it is about the love of God....kung si Santa Claus ang naging instrumento na pasko bakit hindi na lang si John the Baptist ang pinasikat...siya naman talaga ang unang nagpayag ng pagdating ni Jesus sa mundo...alam natin na mapagbigay si Santa Claus, pero bakit hindi na lng ang "tatlong haring mago" ang pumalit sa kanya...

ang bawat bagay na ating makikita sa araw ng Pasko ay may kalakip na kahulugan... ngunit inalis na natin ang mahahalagang simbulo ng yumakap na tayo sa kultura ng Amerika...ang pagpapayag ng pagdating ni Jesus ay kinuha na ni Santa Claus na dapat sana ay kay John the Baptist...ang pagbibigayan na dapat ay sinisimbulo ng tatlong haring mago ay kinuha na din ni Santa...ang aking punto, mag-isip ng mabuti bago sundan ang nakararami...madalas mahilig tayong sumunod sa uso..nawawala na ang mga bagay na totoo...lagi na lang tayong tumitingin sa mga alternatibo..hindi natin namamalayan na iyon ay bahagi ng isang negosyo....

Kunsabagay ang Pasko ay hindi tungkol sa mga simbulo.... nasa pag-alaala ito sa pagdating ni Kristo at mabuting puso na ibinabahagi sa kapwa tao...Maligayang Pasko!

note: ito ay opinyon ko lamang...kung gusto mong kumontra... sige lang... :)

Mga Komento

  1. Maligayang Pasko din syo brother! Tama ka ang pasko ay pag-alaala sa pagdating ni Kristo! Pero masaya din makatanggap ng regalo, kahit ano pa man ito! Hehehe!

    TumugonBurahin
  2. hello sayo... MERRY XMAS AND HAPPY NEW YEAR!!! mwah! salamat sa pagiging bahagi ng blog ko! magpapahinga muna ako.

    -joshy

    TumugonBurahin
  3. ahaha,, maligayang pasko..ahaha.. a ng pasko pra sken ay simbolo ng 13th month pay..lol..=))

    TumugonBurahin
  4. wow talaga PUP ka rin???

    anong course mo? saka batch?

    i graduated last 2006. Ü
    bachelor in banking and finance!

    TumugonBurahin
  5. @em
    ahehehe...merry Christmas... kamusta n lgnsa lamig ng Baguio... :)


    @joshmarie
    ahek...enjoi po sa bakasyon... :)

    @gelene
    eheks...uu nmn...sa akin ang pasko ay narutomaxx.net....salamat..salamat... :)

    @lhands
    yup from PUP kmi...sama mo na c gelene..clasm8 ko yan...2003 kmi graduate..BSMath... :)

    TumugonBurahin
  6. 6 pababa lang ba?.......sampung Taon ksi ako naloko ng tatay ko sa santa santa na yan...hahahaha..tanga e...lolz..

    Felices Pascua y Prospero anyo Nuevo GULAMAN...

    TumugonBurahin
  7. Meri Krismas Gulaman!
    Alalahanin natin ang mga bagay na tinanggap nating biyaya sa nakaraaang buong taon!

    TumugonBurahin
  8. luv wat u said.. christmas is not about gift but about remembering d' birth of Jesus Christ... celebration of God's love for us... 'un... yeah... luv it... and so true... pero syempre naging ritual na ang exchange gift... like sa haus... every year tlgah yan... kahit simple lang... pero ang pinaka-best na gift eh LOVE... like sabi nga nang song devah "give love on christmas day"... pero ba't christmas day lang magbibigay nang love... actually everyday we can celebrate christmas... we should always remember Him every single day of our life and lagi tayong magmahalan...masayah ang pasko... "best time of d' year..." pero 'un nga... 'ung iba nagiging iba ang meaning nang christmas... such as christmas lang silah nakakaalala kay God at nagsisimba... or kaya naman dahil gift-giving nga eh sobrang nabrobroke tryin' to please everyone para maregaluhan lang... i think itz not about d' cost of d' gift naman eh... 'ung maalala moh lang silah... kahit simpleng murang regalo or maalala moh lang silah... ayonz... sendali... mura bah sabi koh?... yan nga gawin koh since nde pa akoh nakakapag-shopping... hehehe... pansin moh mahaba post koh... pero enjoy moh lang last hirit koh na yan for now... oh yeah... santa claus...i used to believe in dat too... nagsusulatan pa kme kamo.... tsk!..hehe... sabi nyah pa dadaanan daw nya akoh sa araw nang pasko at ipapasyal nya akoh at sasakay akoh sa reindeers nyah... haha... naniwala akoh... nag write back tlgah akoh... nde koh alam kung nakuha koh 'ung mga wish lists koh don... at of course.. nde akoh ginising at dinaanan ni santa claus..haha... pero i think mga ate koh ata nag-trip nung sulat na 'un... tsk!...tinatanong koh silah pero nde naman na nilah maalala... akoh naman sayang dehinz koh nakeep 'ung exchange letters namen... wehe... so 'un... i guess 'un lang hiritz koh...wehe.. napadaan lang bago tuluyang maglaho.. para bumati na ren sau.... Have a Merry Christmas and a Blessed New Year... GODBLESS! -di p.s. kung may mga typo erros man sensya nah... pakiintindi na lang... wehe... ingatz... hanggang sa muling pagkikita... =)

    TumugonBurahin
  9. Merry christmas! We really celebrate Christmas to remember God gives us his beloved son.

    TumugonBurahin
  10. @pajay
    ahehehe...uu nga..pero ok lng, inde nmn tayo napasama...:D..Meri Chrisrmas... :)

    @Mike
    uu nga...at higit sa lahat dapat ay matuto tayong magpasalamat...Merry Christmas din... :)

    @Dhianz
    wowowow..haba haba..ahehehe...salamat salamat...oks lng typo error...oks lng nmn un ang mahalaga nandun ang idea... :)..Merry Christmas.. :)

    @Rey
    yup yup...Merry Christmas... :)

    TumugonBurahin
  11. kewl..
    pati mga bata pinagtripan!
    haha.

    'api new yr!
    ingat sa paputok tsong! :]

    TumugonBurahin
  12. kuya happy new year! mwah!

    TumugonBurahin
  13. maligayang pasko at manigong bagong taon parekoy!

    lols.. kitakits pa rin!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...