Lumaktaw sa pangunahing content

...mensahe...

hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama ngayon...tila ba isa itong katotohanang imahinasyon.... katotohanang kahit kelan hindi magiging totoo at imahinasyong tunay na nasa iyo...gusto ko sanang ibahagi ito sa inyo..ngunit hindi sapat ang mga letra ng tipadang ito upang mabatid ang mga konsepto na nasa utak ko...

nakatitig sa kawalan...hinahanap ang dahilan...ang dahilan ay wala sa kawalan ngunit ito ay nasa pagtitig sa kawalan...sa kawalan ay walang pag-iisa, kasama mo sya tuwina...ginusto mo ang magsaya ngunit tila ba nalulungkot ka...nalulungkot ngunit ikaw ay masaya...

lumilipas ang oras...lumilipas ang panahon..hindi ko mawari, bkit ganoon?...inakala na ang buhay ay langit...ngunit langit ito ng kahapon...mabuhay habang panahon, at maibahagi ang biyaya sa bawat pagkakataon...katinuan na dapat ay para sa sankatauhan, naiwaglit sa kadiliman...kadiliman na puno ng saya at ganda...liwanag na puno ng pighati at pag-iisa...mahirap mag-isa, masarap ang may kasama...kasama ang pag-iisa, mahirap...masarap...

tama na! kailangan ko na ng herenggilya upang ako ay kumalma!

P.S.: ang inyong natunghayan ay isang napakawalang kwentang entry...hindi ko alam kung may magtatangkang alamin ang mensahe nito...pero sana wag na...gusto ko lang mag-post ng entry na walang sense...:P

Mga Komento

  1. diko aalamin ang mensahe.

    minsan kasimay mga bagay na sa pinaghalo halong salita lang nailalabas.di na mahalaga minsanminsan kung malaman...ang mahalaga,nailabas mo!

    nice one bro!

    TumugonBurahin
  2. walang kwenta ba ang tawag mo dito?..

    taena..di ko ma absorb ng husto..ang lalim....utak ko ata walang kwenta hindi ang post mo....lolz...

    kahit halos malunod ako sa lalim pre sulit ang pagbabasa...ayos!!...

    TumugonBurahin
  3. ang mga pabiro at sinasabing walang kwenta, yung ang totoo at syang tunay na nasa puso..

    kung nag-iisa ka man ngayun(hulako...), sana andyan si grasya mo na pakalmahin at samahan ka.. sana andyan syang damayan ka.. sana andyan syang yakapin ka...

    i weeweechu a merry kissmas pareko..

    kung nagbibiro ka nman talaga.. nabibiro lang din ako...ayus ayus at isang nakatayung hinlalaki at para sayo..

    TumugonBurahin
  4. @abe
    uu nga, pero kulang pa din tlaga ang words, dapat may facial expression pa...kaso inde pd...ahahaha...

    @Kristina, Kris, Tina, Tinay, Nang2
    aheks...meron pla... :)

    @minnie
    ako din nalito jan...nosebleed din ako....ahahaha...

    @Pajay
    nyaks, inde utak mo ang walang kwenta..magkakaiba lng tlaga tayo ng pagkakaintindi sa ilang mga bagay..lalo na sa pag-intindi sa sarili...sabi nga ni bob ong, "tanging utak ng tao lamang sa buong universe ang nagpupumilit intindihin ang kanilang sarili"...pero ang totoo nyan naiintidihan talaga ng tao ang sarili nya, pero hindi iyon maintindihan ng iba...:)

    @asok
    tama wala nga si grasya naun..ahehehe...yan siguro ang epekto...feeling malungkot pero hindi, feeling masaya pero hindi...kung baga parang adik lang...ahahaha...

    TumugonBurahin
  5. woootooooooooot!!!

    walang sense daw oh... ang lalim nga eh!!!! di ko mahukay..

    yeh it's true na lumilipas ang oras ang panahon, ang tao din.. lahat naman ng bagay sa mundo lumilipas.. mga bagay lang na hindi nawawala.. tulad ng pag-ibig mo kay grace..wuuuuy!!!!!

    hehe.. nice one here.and really does make sense.

    cheers!

    TumugonBurahin
  6. @SUPERGULAMAN
    talaga lang ha, thank you..oo nakakaaliw eh.. para nga kong batang nanonood ng cartoons na pang 2 year old..nyaha!
    isa pa nakakabata mga ganito..

    bata pa naman ako, esta tayo pala.. kung 40 years old na tayo, di na siguro appropriate toh,lolz

    salamat sa macromedia flash player. at kay supergulaman, binuhay nya ang bata sa loob ko..
    wag lang magbatang isip, amf.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...