Lumaktaw sa pangunahing content

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po...

mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw....

...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay...

sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw....

...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong natural na gawi ng tulad namin at tulad nila... kitang-kita ko kung paanong lurayin ng lobong iyon ang kasama kong bampira... ang mga damit nila'y kumalat na lang sa damuhan...sabik na kinain ng lobong iyon ang mapulang laman... ngunit magkagayun man hindi mo maririnig ang anumang pagmamakaawa... walang paghihirap kang madarama sa kabila ng mga ungol na mula sa kanilang dalawa... ang mga kuko nila'y naglalabasan... tumatalim... pumupunit ng laman... nakakapangilabot ang mga tagpo... ngunit wala... wala akong magagawa... ito ang takbo ng buhay namin... ito na ang nakatakda... tumitindi na ang tibok ng puso ko... ang mga ungol nila'y napapalitan ng papalakas na hiyaw... ang mga katawan nila'y nagsasanib sa kakaibang paggalaw... paitaas... paibaba... patindi ng patindi ang paghiyaw.... lumalakas.... nakakatulig... nakakabingi... "aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh..." tila ba may likidong lumabas mula sa lobo... amoy dugo... sapat iyon para manghina sya... ganun din ang katunggali niyang bampira... pero hindi doon nagtatapos ang tagpo... nagmistula silang mga ahas... naglilingkisan... at ng parehong makaramdam ng pagkapagal.... agad silang bumitaw...

halos tatlumpung minuto lang ang nagdaan... tapos na ang pagtutuos ng mga halimaw.... mabilis na hinanap ang mga saplot sa katawan... tao na silang muli na animo'y walang nangyari....

...oo tama kilala mo kami... kami na iyong kinukutya.... pero masisi mo ba kami kung bakit kami ganito? bakit hindi mo sisihin ang gobyerno? bakit hindi mo sisihin ang sa amin ay nang-aabuso?... bakit hindi nyo sisihin ang inyong mga sarili kung bakit kami nandito? kapag kumalam na ang sikmura mo at ng mga mahal mo, kahit sarili mong laman ay ipagkakanulo sa mga lobo...

...kung gusto mo kaming tulungan... halika... sumama ka sa pagpapaligaya ng mga bampira sa halagang isanglibo piso lamang...

[EDIT: base sa mga komento... hindi ko po namalayan na naging parang twilight pala ito.,.. inyo pong ipagpaumanhin kung bakit naging ganito ang aking pagkakadetalye ng eksena, sinikap ko lang pong hindi makagbigay ng bulgar na sa salita bilang proteksyon sa mga menor na edad na mambabasa...ang sulatin pong ito ay base sa pananaw ng isang prosti (bampira)...]




Mga Komento

  1. aba aba.. parang edward at jacob lang ah.. hehe.

    nice post super g!

    TumugonBurahin
  2. astig nga to! hahaha.. tama si chikz parang edward at jacob. lols =)) di ko ipagkakanuno ang kapwa ko halimaw, sa halagang 1000. taasan pa ng presyo baka pwede na. hahaha.. nice.

    TumugonBurahin
  3. wooowh!kakaiba ata to kuya, pero ang ganda ng pagkakagawa, cooL..Ü

    TumugonBurahin
  4. hehe para ngang twilight,laman sa laman, gusto ko yun,lols

    TumugonBurahin
  5. @chikletz
    aheks...ganun pla yun..inde ko inakala...ang kwentong ito ay kwento ng isang prostitute...

    @kox
    ahehehe...uu no? naging twilight ng hindi ko namalayan...

    @♥superjaid♥
    aheks..salamat..:)

    @Hari ng sablay
    ahehehe...twilight talaga...inde ko namalayan..story ito ng isang prosti...mejo bago ang ang description pero yun pla yung naging epek... ahehehe...

    @EǝʞsuǝJ
    wooot..salamat... ;)

    TumugonBurahin
  6. ang ganda kuya ng pagkakalarawan.. super.. bravo... di ko naman naisip na twilight pero ganda ng pagkakabuo ng bawat linya... alam ko na prosttitusion ang tinutukoy.. pero maganda talaga...

    hehehe.. ulit ulit naman sinasabi ko.. basta super ganda.. yey!!!! :D

    TumugonBurahin
  7. akala ko yung scene sa ermita ay wala na pala sila dun sa mga mall at sa baywalk na ata sila naninila ngayon hehehe....pero nice ang galing ng pagkagawa simpleng bentahan lang ba hehehe...

    TumugonBurahin
  8. @patola
    ayun...ahehehe...salamat po...aheks...wooot...salamat po.... aheks...paulit-ulit din... :)

    @SEAQUEST
    ahehehe..inde ko alam...baka pagsinabi ko na alam..mabugbog ako ng grasya...wag naman.... :D

    TumugonBurahin
  9. Iba naiisip ko, yun mga virus infected sa I AM LEGEND. Parang ganun.

    TumugonBurahin
  10. @ACRYLIQUE
    ayun...ahehehe... yan ang gusto ko sa mga reader...madaming interpretation... ahehehe...katulad ng sinabi ko noon... "ang halaga ng mga kwento ko, ay wala sa kwento, nasa paraang kung paano ito intindihin ng mambabasa..."

    galing ng perception mo parekoy... ;)

    TumugonBurahin
  11. astig!.. napaka-artistic at makapukaw damdamin..

    TumugonBurahin
  12. SA UNANG BAHAGI PALANG, NASABI KO NA NA PWEDE ITONG I-RELATE SA KALAGAYAN NATIN AT SA GOBYERNO... AT PRESTO!!! NASA HULIHAN NGA..

    PERO MINSAN, IMBES NA MAGSISIHA, BAKIT DI NALANG KAYA NATIN GAWIN ANG MUNTING BAGAY NA KAYA NATING GAWIN UPANG ANG HINDI MAIBIBIGAY NG GOBYERNO SA ATIN EH---TAYO NA MISMO ANG UMABOT AT KUMUHAN..

    HALIMAW NG MAKABAGONG PANAHON, GANITO NA BA TALAGA SILA?LOLZ

    TumugonBurahin
  13. whew!! kahit na sabihin mo na malapit sa twilight.. mas nakakakilabot pa rin ang detalye ng kwento mo... i just wonder whats your motivation for doing this... ;)

    TumugonBurahin
  14. usapang gobyerno bah toh kuyah... na tumutukoy sa mga mahihirap... nde man gusto eh nagagawa nang mga taong gumawa nang mangangahas na bagay... naks mangangahas eh noh.. ano bah ibig sabihin non? lolz.. so 'unz.. para lang ma-.. anong bang term 'un.. ahh.. matustusan ang mga pangagailangan nilah... ewan koh... 'ung interpretasyon koh...

    eniweiz kuyah sori dinelete koh po post koh. kinopy and paste koh though 'ung komentz moh sa komentz section sa last post koh... yoko na umemo. dehinz bagay.. thanks for sharin' dat line from one piece.. i appreciate it.. okz nah akoh...

    teka since nabangit nilah ang twilight... ayos lang si edward koh ang kumagat saken.. har har... kaso can't be found pah si edward.. tsk!.. lolz..

    ingatz kuyah.. Godbless! -di

    TumugonBurahin
  15. hjey kuya. padaan lang. miss yah

    TumugonBurahin
  16. naaliw ako dito. iba yung sumasagi sa isip ko. di ko naisip na may pagkakahawig ito sa twilight dahil abala ako sa pag-internalize. akala ko talaga adventure-thriller ito until i read the last part of the story at dun ako nagka-idea kung ano ang tinutukoy mo.

    good job superG! :)

    TumugonBurahin
  17. @Niqabi
    aheks..salamat po... ;)

    @Kosa
    sapalagay ko parang ganyan nga...lalo pa siguro ang mga nasa pwesto..hindi man sila ganyan o bka mas masahol pa...

    @gesmunds
    motivation?... ummmm... parte yan ng bahagi na nasa utak ko...siguro... pero wag matakot..harmless naman ako... ahehehe (*tawang demonyo*)...joke lng.. :)

    @Dhianz
    ahehehe..ayuz.. mapangahas??...mga gawaing hindi pinag-isipan ang kahihinatnan...aheks...

    salamat dhi sa pagdaan... ;)

    @JoShMaRie
    hi josh..salamat sa pagdaan... ;)

    @Zha
    ahehehe...yeah si ryuk yan... :)

    @enjoy
    ahehehe...basta yun na yun... ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  18. ang sarap siguro ng pakiramdam kapag may mga kasamang bampira..pero dapat magaganda..

    TumugonBurahin
  19. pwede! talagang kewl na kewl and lobo't bampira e.haha kala ko eto yung true blood..hehehe

    TumugonBurahin
  20. kala ko tagalog ng twilight.
    peace. :P

    maihahalintulad mo talaga ang mga nakikita mo ngayon sa lipunan sa post na ito.

    kanyaknyang paraan lang yan para makasurvive sa buhay.

    galing!

    :P

    sa uulitin na pagbisita!

    :P

    TumugonBurahin
  21. akala ko nung una nagbabasa ako ng komiks. ( hindi nga ba? Galing mo namang writer. kahit saan nalalagay mo ang iyong imahinasyon..

    TumugonBurahin
  22. @Arvin U. de la Peña
    kailangan talaga maganda....aheks...sa cubao ata marami nyan... :D

    @PinkNote
    ahehehe...nagkataon ang sa description..aheks.. .;)

    @gege
    tama... aheks...salamat sa pagdalaw.. ;)

    @chiel
    inde naman po...lumalaki na ulo ko oh... aheks...salamat po sa pagdaan.. ;)

    TumugonBurahin
  23. halimaw sa halimaw, kuko sa kuko, laman sa laman, tokwa sa tokwa, ay wala pa lang tokwa. LOLz! Nagutom ako dun ah.. Hindi ko na mapigilan... Nyarrgh! Kakainin ko kayong lahat! hahaha!

    P.S.
    Mahusay! Haylabit!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...