Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2009

...tamang trip...

EKSENA: Umaga ng sabado. Isang araw bago mag-undas. Katatapos ko lang makausap ang aking Grasya at tapos na din para sa agahan. Gumising na din si Joy (kapatid ko) para kumain ng biglang nag-brownout. Joy: Badtrip naman oh, kung kelan pa ako kakain tsaka pa nawalan ng kuryente. saglit lang at may sumigaw na kapitbahay. Manang: May ilaw ba kayo dyan!? Manong: Meron kaming ilaw dito kaso walang sindi. hindi ko nakikita ang kanilang usapan pero sigurado ako nakangisi si Manong sa kanyang tugon... Joy: Kuya, paki-sindihan mo nga ang kandila at kakain ako... Ako: Ok cge, san ko sisindihan ang kandila? Joy: Syempre sa mitsa! Ako: ahhh...tapos kakainin mo ito.. Joy: (*naiinis*)...ewan ko sayo... matapos kong sindihan ang kandila...inihain na nya ang ilang piraso ng longganisa at sinangag at nagsimula na syang kumain...at sa kadahilanang wala ngang kuryente naisipan kong pag-tripan ang flashlight...kinuha ko iyon at binuksan sa ulunan ni Joy habang kumakain... Ako: Ano ang kaso mo? Joy: weee...

...Alyssa Bernal (part 2)...

...makaraang ipaskil ko at ibahagi sa inyo ang kahanga-hangang galing at ganda ni Bb. Alyssa Bernal dito, nakakatuwang isipin na nakatawag pansin ito sa kanyang website developer...at hiniling na bigyan ko ito ng kaunting espasyo sa aking munting mundo...at tsaran! nandyan na po sya sa aking sidebar...tunay ngang makatawag pansin talaga ang tinig at ganda ni Bb. Alyssa Bernal ...hindi lang sya isang head turner...neck breaker pa...ahehhehe...hindi ko pa alam kung kailan muli ang regular na balik ko dito...pasilip-silip lang din ako (*biglang shift...ahehehe*)....ngunit magkagayunman...para muli sa inyo...awitin mula kay Bb. Alyssa Bernal (*more than 4million views ang video na ito*)...sana magustuhan ninyo... :)

...tatsulok...

...ito ang unang salita na pumasok sa aking kukote sa pagmulat ng aking mata ngayong araw na ito...tatsulok...sumisimbulo sa pagkakaugnay ng mga kanto...ito rin ang pinakaunang hugis na pinag-aralan bago pa man ang bilog...sa katunayan, nasa mga taong 640-546 BC ng simulan itong pag-aralan ni Thales na kung saan sinimulan nyang sukatin ang taas ng mga pyramid sa pamamagitan ng anino (source: chismis ng teacher namin nung highschool)...sa kabilang banda pinag-aralan din ni Thales ang bilog noong 650 BC na at ipinagpatuloy iyon ng kanyang estudyanteng si Euclid (*favorite mathematician ko*)...sa pag-aaral ni Euclid nabuo ang tinatawag na Book III of Euclid's Elements na kung saan nakapaloob ang mga properties ng bilog at iba pang polygon na kung saan maaaring ipasok sa loob ng bilog o ilagay sa labas nito...sa patuloy na pag-aaral ng tao...nagsimula na silang sukatin ang diameter ng mundo, upang masukat ang diameter ng bilog na mundo, ginamit din nila ang basic properties ng tatsulok...

...alyssa bernal...

alyssa bernal ...kilala nyo ba sya? siguro hindi...pero posible din na oo... ang totoo nyan napadaan lang ako sa kanyang channel sa youtube....at aha! ang galing nya...bukod sa mga pa-cute nya sa kanyang mga vids nakakaaliw din syang pakinggan.....madami talagang mahusay na mangaawit sa youtube ngayon..sina charice pempengco , arnel pineda ng journey at syempre ang favorite ko din na si Kina Grannis ... kung bakit ako naaaliw kay alyssa bernal...narito po ang sample ng kanyang video...sana magustuhan nyo din... :D