Lumaktaw sa pangunahing content

...tatsulok...

...ito ang unang salita na pumasok sa aking kukote sa pagmulat ng aking mata ngayong araw na ito...tatsulok...sumisimbulo sa pagkakaugnay ng mga kanto...ito rin ang pinakaunang hugis na pinag-aralan bago pa man ang bilog...sa katunayan, nasa mga taong 640-546 BC ng simulan itong pag-aralan ni Thales na kung saan sinimulan nyang sukatin ang taas ng mga pyramid sa pamamagitan ng anino (source: chismis ng teacher namin nung highschool)...sa kabilang banda pinag-aralan din ni Thales ang bilog noong 650 BC na at ipinagpatuloy iyon ng kanyang estudyanteng si Euclid (*favorite mathematician ko*)...sa pag-aaral ni Euclid nabuo ang tinatawag na Book III of Euclid's Elements na kung saan nakapaloob ang mga properties ng bilog at iba pang polygon na kung saan maaaring ipasok sa loob ng bilog o ilagay sa labas nito...sa patuloy na pag-aaral ng tao...nagsimula na silang sukatin ang diameter ng mundo, upang masukat ang diameter ng bilog na mundo, ginamit din nila ang basic properties ng tatsulok...kung ating babalikan ang ating pag-aaral noong nasa highschool pa tayo, madalas tayong nakakakita ng bilog na may tatsulok sa loob...ito ay sa kadahilang ang bilog ay maaaring masukat at mailarawan sa pamamagitan ng tatsulok....

...masyadong makapangyarihan at mahiwaga ang tatsulok...bakit? ito din kasi ang simubulo ng mga posisyon sa gobyerno na kung saan ang pinakatuktok na bahagi nito ay ang mga makapangyarihang angkan (sabi nga ni bamboo: habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, hindi matatapos itong gulo...)...ito din ang naging basehan sa pagbuo ng tinatawag na Hong Kong Triad....ang tatsulok din ang naging batayan ng pagkakalikha ng unang sibilisasyon...ang bayan ng Ehipto... ang mga mahahalagang pag-aaral ay base din sa tatsulok katulad ng "Pascal's Triangle"....ang mahiwagang "Bermuda Triangle" ay base din sa kontexto ng tatsulok...sa inyong palagay anu nga ba ang meron sa bandila ng Israel? dalawang tatsulok na magkasalungat na tinatawag ding "Star of David" na siya ring sumisimbulo sa Judaismo...ang Star of David na mula sa tatsulok ay sumisimbulo sa number 7, ang anim na kanyang kanto at gitna ay ang pitong anghel na sinasabi ayon sa kanilang paniwawala (Source: Judaism)...

...para sa atin maraming kahulugan ang tatsulok...ngunit para sa akin ito ang simubulo ng pagkakaugnay ng bawat isa...pagkakaugnay na kung saan pantay tayong mag-kakauri na nakikibagi sa bawat pagkakataon at sa anumang panahon...

[note: kung hinahanap mo ang aking chatbox, hindi po sya nawawala...nagtatago lang... :D]



Mga Komento

  1. naalala ko tuloy ung prof ko sa filio1 dte.. pinarinig nya smen yung kanta ni bamboo na tatsulok. tpos binigyan kme ng quiz tungkol dun. hahaha.. pareho kau ng sinabe tungkol sa tatsulok. pero mejo lang. hehehe

    TumugonBurahin
  2. Tatsulok... ganda nung medalyon ha.. Medalyon ba yun?

    San pwede umorder nyan? =)

    TumugonBurahin
  3. triangle? hahahaha putsa parang math lang ah... tama ka sa mga sinasabi mo at nakiki sang ayon ako.....

    akala ko nawala chat box mo... yung akin tinago ko kasi may nag mumura sa akin... putek hindi daw lalaki ako at wala daw akong gf.... paking syet siya...

    galit na ako

    inhale ....inhale... inhale


    dati pa lang laging may nag dududa sa kasarian ko at if may jowa ako.... hahahahaha

    pang asar yun parekoy di ba?

    wala lang share lang... naiinis na ako eh...

    TumugonBurahin
  4. At kapag sa pag-ibig o pagmamahalan ay magkakaroon ng tatsulok (Love Triangle), malaking problema ito!

    Nice article, Yet! (,"o

    TumugonBurahin
  5. @RJ

    uo nga sang ayaon ako kay parekoy RJ... love triangle is a big no no.... hahahaha

    parang ganito lang yan

    "Mahal kita, mahala mo ako pero mahal mo din siya"

    TumugonBurahin
  6. @kox
    ahehehe...iba-iba tayo ng opinyon bout sa tatsulok...wenks.. ;D

    @Goryo
    aheks..inde ata yan medalyon, mukhang butones lng... ahehehe...

    @saul krisna
    ahehehe...ganun ba parekoy...pero minsan ayuz lng din na pag-isipan ka ng ganun, lalo na kung babae yun...advantage kaya yun..syempre akala nila harmless ka lang... ahehehe...

    @Dok RJ
    uu nga dok...isa pa yang mahiwagang tatsulok na yan...mapanganib yan.. :D

    TumugonBurahin
  7. gusto ko ang pagkakasulat mo ng tatsulok..sana bisitahin mo rin ang nakapost sa blog ni maria cristina falls na about tatsulok..makita po ang blog ni maria cristina falls na may mga napublish din sa diaryo na mga sinulat niya sa blog ko sa ibaba ng feed the fish.. o kaya ito search mo na lang

    www.mariacristinafalls.blogspot.com

    TumugonBurahin
  8. anung harmless? sino? ako? di ah.... kumakahol ako at nangangagat... joke.... peste lalaki ako.... if babae man yun... naku gudlak na lang sa kanya if kaya niya akong sabayan sa anu.... hahahaha

    TumugonBurahin
  9. triangle is a stable shape, sabi ng high school teacher ko ng physics. ihagis mo man yan, tatsulok pa rin ang hugis pagbagsak..ewan ko kung bakit niya sinabi yon..wala akong isip noon..kahit ngayon..haha

    TumugonBurahin
  10. muli nais kong mabasa mo sana ang nakapost sa blog ng nakatext ko noon pang 2005 na may mga napublish rin sa diaryo na siyang naging inspirasyon ko mag blog ang nakapost niya sa blog niya sa unahan na TATSULOK din..ang blog niya ay makita rin sa blog ko sa ibaba ng feed the fish.. o di kaya ay search mo na lang

    www.mariacristinafalls.blogspot.com

    umaasa ako na basahin mo rin iyon..kung puwede lang...

    kapag tatsulok ang pamagat ay maganda talaga ang pagkakagawa ng sinulat..ayos ang sinulat mong ito..

    tatsulok dahil iyan ang hugis ng madalas kong paputukin kapag bagong taon na o di kaya bago pa mag bagong taon..o di kaya kapag pasko..hehe..

    TumugonBurahin
  11. unang kong na encounter ang teoryang iyan sa mga ED...im sure alam mo yung mga ed hehehe

    pero di ako umabot sa CS

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...