Lumaktaw sa pangunahing content

...Alyssa Bernal (part 2)...

...makaraang ipaskil ko at ibahagi sa inyo ang kahanga-hangang galing at ganda ni Bb. Alyssa Bernal dito, nakakatuwang isipin na nakatawag pansin ito sa kanyang website developer...at hiniling na bigyan ko ito ng kaunting espasyo sa aking munting mundo...at tsaran! nandyan na po sya sa aking sidebar...tunay ngang makatawag pansin talaga ang tinig at ganda ni Bb. Alyssa Bernal...hindi lang sya isang head turner...neck breaker pa...ahehhehe...hindi ko pa alam kung kailan muli ang regular na balik ko dito...pasilip-silip lang din ako (*biglang shift...ahehehe*)....ngunit magkagayunman...para muli sa inyo...awitin mula kay Bb. Alyssa Bernal (*more than 4million views ang video na ito*)...sana magustuhan ninyo... :)

Mga Komento

  1. I hate I Kissed A Girl as a song, but to be honest, Alyssa Bernal is very talented.

    TumugonBurahin
  2. ahhhh
    magaling sya!
    kelan kaya sya madidiscover?
    hmmmm..

    pangalawa na to parekoy..hehehe
    anu bang meron kay ALyssa at may patalastas sya dito?
    hehehe

    joke

    TumugonBurahin
  3. ganda nya!!!
    kamukha nya si babaeng bida sa highschool musical...

    kainggit boses!!!

    :P

    TumugonBurahin
  4. nakita ko rin sha sa youtube 2 yrs ago.. kung pilipino lng sha cguro nabalita na sha dito sa pilipinas, kso hispanic sha.. magkakaalbum na rin sha sa wakas. ung producer ni jason mraz yung producer nya.. malayo na narating nya. galennggg :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...