Lumaktaw sa pangunahing content

...tamang trip...

EKSENA: Umaga ng sabado. Isang araw bago mag-undas. Katatapos ko lang makausap ang aking Grasya at tapos na din para sa agahan. Gumising na din si Joy (kapatid ko) para kumain ng biglang nag-brownout.

Joy: Badtrip naman oh, kung kelan pa ako kakain tsaka pa nawalan ng kuryente.

saglit lang at may sumigaw na kapitbahay.

Manang: May ilaw ba kayo dyan!?
Manong: Meron kaming ilaw dito kaso walang sindi.

hindi ko nakikita ang kanilang usapan pero sigurado ako nakangisi si Manong sa kanyang tugon...

Joy: Kuya, paki-sindihan mo nga ang kandila at kakain ako...
Ako: Ok cge, san ko sisindihan ang kandila?
Joy: Syempre sa mitsa!
Ako: ahhh...tapos kakainin mo ito..
Joy: (*naiinis*)...ewan ko sayo...

matapos kong sindihan ang kandila...inihain na nya ang ilang piraso ng longganisa at sinangag at nagsimula na syang kumain...at sa kadahilanang wala ngang kuryente naisipan kong pag-tripan ang flashlight...kinuha ko iyon at binuksan sa ulunan ni Joy habang kumakain...

Ako: Ano ang kaso mo?
Joy: weeee...kuya wala kang magawa, umalis ka nga dito sa harapan ko, hindi ako makakain ng maayos..
Ako: Ok...(*pero tumabi ako sa kanya*)
Ako: anu ba ang lasa ng "maayos"... hindi pa ako nakakain nun...puro kanin lang at longganisa ang kinain ko kanina...(*ngumingisi*)
Joy: imbento mo..humanap ka ng kausap mo...
Ako: ikaw nga yung nahanap kong kausap...wala kasi sa tindahan, mahal ang benta nila eh...
Joy: ewan ko sa'yo...kausapin mo sarili mo...
Ako: magkagalit kami ngayon eh...(*ngumingisi ulit*)
Joy: haay, ewan...nawawalan na ako ng gana kumain (*pero paubos na ang kinakain nya*)

..tumunog bigla ang cellphone na nasa tabi ng plato ni Joy....

Joy: shaks...lobat na ako..
Ako: owwsss...ako hindi pa...pero yung battery ng cellphone ko malolobat na...
Joy: ...weeee...ang gulo mo talaga, hanapin mo si Mayor kausapin mo...
Ako: busy si Mayor...kamamatay lang ni Malena eh... (*ngiting adik*)
Joy: ewan ko sayo...patayin mo na lang kuya ang kandila...
Ako: Sige basta ikaw magpapalibing ha?
Joy: waaaaaaa...ang gulo mo.... tabachoy!

*ang inyong nabasa ay ilan lamang sa mga eksena dito sa bahay...mga tamang adik lang...oooppsss...Happy Halloween! kung sabagay parang laging Halloween dito sa aking blog noon pa man... ;) *

[EDIT]
at dahil Halloween ngayon, siguradong hindi ka busy, ibinabalik kong muli ang tradisyunal na larong ito...bawal ang pasmado sa game ito at subukang tapusin hanggang level 4...makakatulong ang sounds...gudluck!...



Mga Komento

  1. Hehehe :D ang kukulet ng tao sa inyo kahit sa kapitbahay, may bakante pa bang kwrato jan na pwede upahan? lolzz

    TumugonBurahin
  2. hahaha.. kung ako kay joy tatawa n lng ako ng tatawa! hahah =))

    TumugonBurahin
  3. Parang happy nga ang Halloween kahit na brown out at parating si Santi. o",)

    TumugonBurahin
  4. ahahahaha, ang kulet ng lahi mo SuperG! kamusta yung kandali napalibing ba ni joy?

    TumugonBurahin
  5. @Lord CM
    ahehehe...sinabi mo pa...mas malala pa nga yat sila sa akin...aheks...

    @kox
    inde yata sya matawa eh...nababaliw na sya....ahahaha...

    @RJ
    yeah..mejo ok nmn ngayon khit may bagyo...paalis na si Santi dok.. :D

    @DETH
    aheks...inde ko nga alam eh baka maghanap pa yun ng sepulturero.. ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  6. saya naman! treasure these kinds of moments bud, kakamiss yan kapg ngsolo solo flight na,hehehehe!btw, happy halloween! hopped here!

    TumugonBurahin
  7. kalurki ang usapan nyo... pwede ka bang hiramin superG? mag-usap kayo ni julyanah (eldest ko) parehas kayo ng saltik eh.. mukhang magkakasundo kayo..
    pang-asar naman ang maze na yan hmp...
    happy halloween!
    bye!
    hahaha
    aymisdispeyds!
    hehehe

    TumugonBurahin
  8. badtrip talaga pag habang kumakain o kaya ay kakain na ay magbrown out..

    TumugonBurahin
  9. @sunny
    yeah so true...ahehehe...parang pinapaalis mo na ako sa bahay namin ha?...ahahaha..juks... pero tama ka parekoy...;)

    @YanaH
    ahehehe...minsan lng yan este madalas pala...ahehehe...kaya nga pati mga classmate ni joy aliw na aliw din na kausap ako...cge pag-inde na busy ang malupit kong mundo.. ;)

    @Arvin U. de la Peña
    uu tama...pero hindi yun ang dahilan pra mainis o maasar...mas maraming bagay sa buhay na ikatutuwa mo kaysa ikaiinis mo... :)

    TumugonBurahin
  10. may hinahanap ako di ko makita...hahaha..asan na ang chatbox dito????...


    napadaan lang pareng SG...kitakits...

    TumugonBurahin
  11. @Pajay
    aheks...nasa gilid lng parekoy--->>>

    uu nga pla kung internet explorer ang gamit mo..cguro nasa baba lang yun... :)

    TumugonBurahin
  12. Uy, nag-aaUpdate na siya ng blog niya. Dapat ko na rin yata dalasan ang pag-update... ikaw pa naman model ko. Hahaha! *joke*

    Ok yung trip mo ng sis mo ha. Namiss ko tuloy mga utol kong kolokoy. Tindi rin mga asaran namin ng mga yun eh. Mas madalas ko nga lang silang maasar. Wehehehe!

    Belated Happy Halloween!

    TumugonBurahin
  13. @Enjoy
    ahehehe...uu nga...pero may mas malalala pa jan...minsan ako din ang biktima... ahehehe...

    cge mag-update lng pag-inde busy... ahehehe....model pla ako...aheks... :D

    TumugonBurahin
  14. Di na ko pwedeng ma-trick ng maze mo... Naalala ko last year naloko mo na ko nito! Hahaha,kala mo ha! lolz

    Yan ba ang trip mo pag halloween? Haha! Adik!

    TumugonBurahin
  15. @dylan
    ahehehe...sana makadali pa din...ahehehe.. .:D

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...