Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2009

...wala naman kaming napala...

"kung ano ang puno, yun ang bunga!" ...siguro alam nyo na ang balita? balita hindi tungkol sa bagyo sa Pinas, pasko na eh..wala na sigurong darating pa...balita hindi tungkol kay Manny Pacquiao at Krista Ranillo, malalaki na sila alam naman nila ang kanilang ginagawa...balita hindi lang tungkol kay Efren Peñaflorida, nanalo po sya... atin pong ipagbunyi ang kanyang pagwawagi sa CNN Hero of the Year...salamat pong muli sa mga bumoto at nawa'y tularan sya hindi lang ng bawat Pilipino kundi ng bawat pulitikong nagnanais manungkulan sa bansa... ang tanong, may mga pulitiko ba na nais tularan sya? WALA! alam kong alam nyo na ang balita sa karumaldumal na pagpaslang sa mga mamahayag, abugado, kaanak ng mga Mangudadatu na hindi baba sa limapu't pitong (57) katao sa Maguindao...anu nga ba ang dahilan? simple lang naman...dahil ito sa hidwaan sa pulitika na humantong sa pagpaslang sa mga inosente... at ang salarin? ang pamilya ng mga Ampatuan sa pamumuno ng kanilang kagalangga...

...tamang trip (ikalawang pasabog!)...

....ngiti, tawa, halakhak...mga ehersisyong tunay na nakapagpapagaan ng pakiramdam sa kabila ng problemang dumadating sa buhay ng bawat isa...noong sinulat ko ang akdang may titulong " tamang trip " na kung saan ay aking inilarawan ang ilang eksena sa bahay, hindi ko pa rin maiwasan ang mapangiti sa tuwing maiisip ko iyon... pero ang totoo nyan hindi lang ako ang bida ng kalokohan sa bahay... narito po ang ilang patunay... EKSENA 1: Habang ako ay naka-upo sa harapan ng monitor ng computer ko, nag-iipon naman ng tubig ang aking nanay na gagamitin para sa mga damit na lalabhan. Nanay ko: Bakit naman ganito ang tubig ngayon...may ginagawa na naman siguro ang mga taga-MAYNILAD sa labas... masyadong malabo ang tubig! Joy: Ma, malabo ba? (inaabot yung salamin ko sa mata)...ito salamin ni Kuya kaso 50-25 lang ang grado, gamitin mo para luminaw.. Nanay ko: (*natawa) ang gulo nyo, manang-mana ka talaga...basta bantayan mo yang tubig ha, titignan ko lang sa labas kung anu na naman ...

...imahinasyon....

...binalak ko talaga na maglagay ng entrada ngayon araw...ngunit kahit na anung piga ko sa aking kukote wala na itong malibas...kung kaya nagpasya na lamang akong muling balikan at basahin ang ilang mga sulatin dito sa aking supergulaman.com ...sa aking pagbabalik tanaw sa ilang mga akda...napadpad ako sa aking akdang may titulong " ...kisame... " na kung saan ay inilalarawan nito kung paanong paglaruan ng aking imahinasyon ang mga hugis sa kisame...kasabay ng pagbuo ng akdang iyon..nakakatuwang isipin na nakabuo kami ng maiksing tula buhat sa mga komento ni Mike Avenue (*saan ka na kaya parekoy?)...ito po iyon: IMAHINASYON Mike Avenue said... Ang sarap mabuhay sa imahinasyon, Magagawa rin ang paglilimayon, At sa pagbabalik sa realisasyon, Malalaman mo na, totoong nilalayon! =supergulaman= said... masarap maglakbay sa mundo ng imahinasyon, ngunit huwag magpapakulong sa huwad na pagkakataon, dahil kung magkagayon at hindi ka matunton, tuturukan ka ng pangpakalma sa se...

...kuro-kuro sa bayan ni juan..

...Pilipinas kamusta ka na? ... karamihan sa pilipinong mambabasa ng blog na ito ay nasa dayuhang bansa na bagama't hindi pa rin nakakaligtaang kamustahin ang Pilipinas ay hayaan nyo pa din akong ibahagi sa inyo ang mga ilang pang pangyayari sa Perlas ng Silangan kasabay ng ilang opinyon ni Super Gulaman... ...hindi na rin siguro lingid sa kaalaman ng karamihan ang pagdalaw ng kalamidad sa ating bansa...ang kalamidad na dulot ng mga bagyong Ondoy at Pepeng...at sinundan pang muli ng ilan pang bagyo na sina Quedan, Ramil, Santi at Tino...mga bagyong nagdulot ng matinding hagupit sa buhay ng bawat Pilipino....libong bahay ang nasira, libong Pilipino ang naapektuhan, bilyong piso ng halaga ng ari-arian ang nawasak at daang tao din ang binawian ng buhay...pero magkagayun man, hindi magpapatalo si Juan...muli itong babangon at bubuuin ang mga pira-pirasong pangarap na winasak ng nagdaang kalamidad... Tanong: Bakit ang dalawang huling bagyo (Santi at Tino) ay halos katugma sa pangalan n...