Lumaktaw sa pangunahing content

...tamang trip (ikalawang pasabog!)...

....ngiti, tawa, halakhak...mga ehersisyong tunay na nakapagpapagaan ng pakiramdam sa kabila ng problemang dumadating sa buhay ng bawat isa...noong sinulat ko ang akdang may titulong "tamang trip" na kung saan ay aking inilarawan ang ilang eksena sa bahay, hindi ko pa rin maiwasan ang mapangiti sa tuwing maiisip ko iyon... pero ang totoo nyan hindi lang ako ang bida ng kalokohan sa bahay... narito po ang ilang patunay...

EKSENA 1: Habang ako ay naka-upo sa harapan ng monitor ng computer ko, nag-iipon naman ng tubig ang aking nanay na gagamitin para sa mga damit na lalabhan.

Nanay ko: Bakit naman ganito ang tubig ngayon...may ginagawa na naman siguro ang mga taga-MAYNILAD sa labas... masyadong malabo ang tubig!
Joy: Ma, malabo ba? (inaabot yung salamin ko sa mata)...ito salamin ni Kuya kaso 50-25 lang ang grado, gamitin mo para luminaw..
Nanay ko: (*natawa) ang gulo nyo, manang-mana ka talaga...basta bantayan mo yang tubig ha, titignan ko lang sa labas kung anu na naman ang problema...
Joy: Sige ma, babantayan ko...tatalian ko na din baka tumakas eh...(nakangisi*)
Nanay ko: (*natatawa na naiinis) oo, cge bahala ka!

ahehehe...narito pa ang ilan pang mga eksena...

Noong nakaraang linggo, naisipan ng nanay ko na papinturahan ang loob ng bahay. Dating bughaw (blue) ang kulay n'yon na sa ngayon ay ginawa na namin itong kulay luntian (green)... bakit? ganito kasi yun...

EKSENA 2: Nakaupo sa sofa ang nanay ko habang tinitigan ang bahagi ng pader ng bahay na may mantsa ng natuyong pandikit (rugby) mula sa naalis na poster ni Britney Spears...

Nanay ko: Yet, anu kaya kung papinturahan mo kay Junjun itong bahay, mukha na kasing may tae yung pader dahil sa rubgy na yan...
Nonie: (*bunsong kapatid ko, nakangisi na sumingit sa eksena*) ma, mukha bang tae? e di tabunan na lang natin ng lupa tapos i-dustpan natin...
Nanay ko: (natatawa na naiinis) Dyan ka magaling, manang-mana talaga kayo....

makalipas lang ng ilang saglit, lumabas si Jenny (*kapatid ko din*) mula sa kawarto...

Jenny: Ma, ang sakit ng ulo ko...kumpleto naman ang turnilyo ng utak ko eh...
Nanay ko: Ganun ba? masakit? cge pabunot na din mamaya...(*sabay tawa*)

...minsan may mga pagkakataon na ikaw ang bida...minsan ikaw din ang biktima...pero hindi ka dapat maiinis, dahil darating din ang panahon para makabawi... sa mga eksenang inyong natunghayan, madalas sinasabi ng nanay ko na "manang-mana talaga kayo"... syempre kanino pa ba kami magmamana kundi sa ama ng kalokohan sa bahay...ang tatay ko... noong nabubuhay pa ang tatay ko likas na din sa kanya ang pagbibigay buhay sa mga ilang tagpo...narito po ang ilan sa naalala ko...

EKSENA 3: umuwi na kami sa bahay, galing kami ng tatay ko sa bahay kumpare nya at katatapos lang nilang mag-mahjong....

Nanay ko: Oh, anong nangyari sa sugal nyo? talo na naman? sino nanalo?
Tatay ko: Si Eddie.
Nanay ko: (nagtataka...) sinong Eddie? (*wala kasi silang kilalang eddie*)
Tatay ko: Eh di (*Eddie*) ako. ....(*sabay abot ng suhol*)

EKSENA 4: Minsan umuwi ang tatay ko ng madaling-araw na galing sa pakikipag-inuman...Kinaumagahan, inaaway na ng nanay ko ang tatay ko...

Nanay ko: Ikaw kalbo ka, mag-usap nga tayo ng matino.
Tatay ko: Hindi pa ako matino eh, may hangover pa ako...sige timpla mo ako ng milo (*hindi nagkakape ang tatay ko*)
Nanay ko: ewan ko ba sa'yo... hindi talaga kita makausap ng pormal...
biglang tumayo ang tatay ko, parang galit...kinuha ang kaisa-isa nyang polo...nagbihis...
Tatay ko: ayan naka-pormal na ako...

imbis na magalit pa ang nanay ko, natawa na lang ito...


sapalagay nyo kanino kaya kami nagmana?... ahehehe...no doubt!

Mga Komento

  1. hahaha.. kuyah.. salamat sa tawah... nakakatuwa naman family moh.... lahat eh may pagka-funny.. nakakatuwa.... hmm... for sure mas masaya sa heaven ngaun... kc andon tatay moh... kakatuwa naman... pangarap koh maging asawa eh funny... kung nde man... akoh sana na lang ang maging funny na ganyan... nakakatuwa... salamat salamat sa pagpa-smile... i needed it... nakakatuwa.. ingatz kuyah... teka kaw funny kah ren bah?... parang may pagka-seryoso kah eh... aheheh.. ingatz.. Godbless! -di

    TumugonBurahin
  2. Langya!Di ako makatawa ng malakas dito sa opisina...takip pa ako ng mukha para tumawa kasi baka makita akong kaopisina ko lolzz

    Salamat sa tawa brod, manang-mana talaga kayo! :D

    TumugonBurahin
  3. manang-mana nga...ahahaha.LOL!

    kung si CM takip mukha, ako naman ngingiti-ngiti, (biglang pasok si boss) biglang ipit ng smayl-gusot mukha kunwari namomroblema sa ginagawa...ahahaha

    TumugonBurahin
  4. nakakatuwa namana na ang family nyo kuya..hehehe manang mana nga kayo..i really love the pormal eksena..hehehe

    TumugonBurahin
  5. heheehe...

    ayus ang sense of humor nyo..
    ^_^

    nakakatuwa lalu na yung sa pormal scene..:)

    TumugonBurahin
  6. haha!
    parang bahay lang namin...

    padalaw naman senyo!
    :P

    TumugonBurahin
  7. @Dhianz
    salamat dhi sa pagdaan..walng anuman...aheks..seryoso ako? hindi nmn...mas lamang yung hindi... aheks... :D

    @Lord CM
    ahahaha...uu nga mahirap yan baka isipin nila dati kang takas... ahahaha... ;D

    @DETH
    ahehehe...pampasaya lang sa araw-araw na madugong trabaho... :D

    @♥superjaid♥
    ahehehe...uu nga pero isa lang yan sa mga malulupit na joke...pero minsan kala mo joke pla yun pla seryoso na, minsan seryoso na yun pla joke lng..ahehehe...

    @EǝʞsuǝJ
    ahehehe...syempre dun kami mana eh... ahahaha.. :D

    @gege
    ahahahaha..sige d2 lng nmn sa Pilipinas bahay namin... ;)

    TumugonBurahin
  8. woOoOoh galing namn, naaliw ako sa blog mo..galing mhen! pagpatuloy mo lang dami mong taong napapangiti..

    TumugonBurahin
  9. ayos ang kuwento mong ito..kasama ka nga pala sa pinapasalamatan ko para ngayong taon..

    TumugonBurahin
  10. hehehe! nakakatuwa namn ang pamilya mo mga kenkoy pala kayo! Naaliw ako!

    TumugonBurahin
  11. @chuwie
    uyyy..salamat sa pagbisita... :)

    @Arvin U. de la Peña
    salamat parekoy... ;)

    @Anney
    ahehehe...mana-mana lng daw yun... ;)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k...