...Pilipinas kamusta ka na? ... karamihan sa pilipinong mambabasa ng blog na ito ay nasa dayuhang bansa na bagama't hindi pa rin nakakaligtaang kamustahin ang Pilipinas ay hayaan nyo pa din akong ibahagi sa inyo ang mga ilang pang pangyayari sa Perlas ng Silangan kasabay ng ilang opinyon ni Super Gulaman...
...hindi na rin siguro lingid sa kaalaman ng karamihan ang pagdalaw ng kalamidad sa ating bansa...ang kalamidad na dulot ng mga bagyong Ondoy at Pepeng...at sinundan pang muli ng ilan pang bagyo na sina Quedan, Ramil, Santi at Tino...mga bagyong nagdulot ng matinding hagupit sa buhay ng bawat Pilipino....libong bahay ang nasira, libong Pilipino ang naapektuhan, bilyong piso ng halaga ng ari-arian ang nawasak at daang tao din ang binawian ng buhay...pero magkagayun man, hindi magpapatalo si Juan...muli itong babangon at bubuuin ang mga pira-pirasong pangarap na winasak ng nagdaang kalamidad...
Tanong: Bakit ang dalawang huling bagyo (Santi at Tino) ay halos katugma sa pangalan ng bida sa teleseryeng "May Bukas Pa" ng ABS-CBN na si Santino?
Sagot: Dahil ang PAG-ASA ang nagbibigay ng pangalan sa mga bagyo at si Santino ay mula sa bayan ng Bagong Pag-asa.
...matapos ang hagupit ng nagdaang kalamidad, hindi pa din doon nagtatapos ang kalbaryo ni Juan...kasabay din kasi nito ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin...at bilang tugon (daw) ng gobyerno sa problemang ito, nagbaba ng Ehekutibong Kautusan (Executive Order 839) ang ating Pangulo na nagtatakda ng limitasyon sa presyo ng pangunahing bilihin kabilang ang presyo ng petrolyo...dahil sa pangyayaring ito, napilitan ang mga dambuhalang kumpanya ng langis sa Pilipinas na itigil muna pansamantala ang pagbili ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan...bakit? nalulugi daw kasi sila at ayaw daw nilang magbenta ng petrolyo ng palugi...Shell, Caltex, Petron nalulugi? oh come on!
...kanina, binanggit ng Energy Secretary Angelo Reyes na hanggang labing-tatlong araw (13 days) na lang daw ang itatagal ng suplay ng petrolyo sa bansa hanggang hindi binabawi ang nasabing kauutusan...at posible (daw) na magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng petrolyo...
Tanong: Bakit hindi na lang i-subsidize ng gobyerno ang dagdag na singil na nais ipataw na mga kumpanya ng petrolyo upang sagayon ay mapanatili pa din nito ang mababang halaga ng presyo ng petrolyo sa bansa at matugunan din ang panggigipit ng mga kumpanya ng langis?
Sagot: Malapit na ang eleksyon at kailangan mangalap ng pondo...
...at kasabay nga ng pangangalap ng pondo...nagpakitang gilas muli ang BIR...binalaan ang mga magtatayo ng tiangge sa nalalapit na kapaskuhan...sisingilin daw ito ayon sa itinakda ng batas...napakahusay talaga ng kultura ng pulitika sa Pilipinas...ang sabi nila, maganda ang naging kolekyon ng buwis ngayon taon...magagamit daw yun sa pagsasaayos ng mga nasirang inprastruktura at upang maisakatuparan ang programa ng gobyerno...
Tanong: Totoo bang ginagamit sa pagsasaayos ng mga nasirang inprastruktura at programa ng gobyerno ang nakokolektang buwis?
Sagot: Chismis lang yun. Kung maaayos ang inprastruktura bakit tayo binaha? kung may pera para sa programa ng gobyerno bakit hindi ko maramdaman? Ang alam ko ginagamit yun ng mga pulitiko sa panood ng laban ni Manny Pacquiao sa ibang bansa...sigurado ako malaki na naman ang kikitain ng mga pulitiko sa labanang Pacquiao Vs. Cotto sa linggo.
...titigil na naman ang pag-ikot ng mundo para sa pilipino...lahat tayo aabangan labanang Pacquiao-Cotto...maganda na din yun upang maibsan ang kahirapan na bumabalot sa bayan ni Juan at magkaroon muli ng dahilan upang ipagpatuloy ang laban... laban para sa pagbabago...laban ng iyong boto...anim a buwan na lang eleksyon na, handa ka na ba? ako? hindi ako rehistrado, kung anuman ang dahilan ko, akin na lang po iyon, hinihiling ko po ang malugod ninyong pag-unawa... pero kayo handa na ba kayo? handa na ba kayo sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagboto? ang mga guro na tutulong sa halalan, may sapat na bang kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagboto? ang mga mandaraya sa eleksyon, handa na ba kayong mag-isip ng bagong taktika sa pandaraya?...kung sabagay, paggusto may paraan...
Tanong: Nasa pulitika ba ng tunay na paglilingkod sa bansa?
Sagot: Wala yata, hindi ko kasi iyon makita. Nasa puso ito ng taong nais magkawanggawa. Si Efren Peñaflorida kilala nyo sya? isa sya sa mga tumutulong sa mga kabataang Caviteño na mabigyan na edukasyon sa pamamagitan ng kanyang munting kariton...simple hindi ba? pero malayo ito kumpara sa mga pulitikong namimigay ng pekeng limang daang piso tuwing halalan... halika, sama kayo iboto natin si Efren Peñaflorida bilang Hero of the Year ng CNN (click here to vote Efren)
[note: ang ilan po sa bahagi ng sulating ito ay ayon lamang po sa opinyon ng may-akda, si Super Gulaman...anuman bahagi na taliwas sa paniniwala ng iba ay bahagi lamang po ng malayang pagpapahayag...salamat!]
naks, hanep sa post ah...komentaristang komentarista ka...well sang ayon ako at kaisa mo ako sa laban (katarungan para kay ka EFREN, from sister stella L movie...hehehe)
TumugonBurahinkung may iboboto ako, si EFren ang iboboto ko... para sa CNN hero, kaya guyz letz vote in for EFREN
Magaling at mahusay ang iyong analysis at kuru-kuro sa kasalukuyang kalagayan ng bayan nina Maria at Juan!
TumugonBurahinKaya pala Santi at Tino! Uhmn... Napangiti ako sa impormasyong ito, Supergulaman.
Salamat sa paga-update SuperG.
TumugonBurahinMinsan iniisip ko bakit kelangang hingan ng buwis ang maliliit na negosyo ng mga kababayan natin na magtatayo ng tiangge? Seasonal ang negosyong ito, hindi rin malaki ang kita dito kumpara sa naglalakihang negosyo sa Ortigas at Makati! bakit pati silang maliliit ay patuloy ng ginigipit?
Ayaw naman kaseng aminin ng gobyerno, na sangkaterbang corrupt ang mga tao sa BIR (hindi ko nilalahat).
minsan naisip ko pano kung Batas na kagaya ng sa Gitnang Silangan ang umiiral sa Pilipinas? mayroon pa kayang mananamantala kung pugot ulo (kamay) ang katapat?
Umaaasa pa rin ako na mababago ang lahat... sa tulong ni Bro!
@SCOFIELD JR.
TumugonBurahinaha! stella l..aheheeh...salamat parekoy sa pagdaan...kung si Efren na lng kaya ang presidente?...:D
@RJ
yan ang katotohanan sa bansa n hindi tlaga maiiwasan...haaysss buhay nga nmn...
@AZEL
ayun natumbok nya...ahehehe....pinilit ko nga na hindi banggitin o isipin ng babasa nito na maraming corrupt sa pulitika o sabihin ntin sa gobyerno mismo...pero wala talaga...halata na masyado eh...
Pinag-uusapan namin ng friend ko ang. Actually, wala namang problema para sa 'min ang pagtaas ng langis. Natural yun. Well kasi it's a very limited commodity.
TumugonBurahinSa question naman ng gas subsidy, medyo problematic din yun, in my opinion. Well kasi alam naman natin na talagang may kukurakutin na pera ang mga walang hiyang politicians na yan! Konti na lang ang natitira for social services at iba pang pangangailangan ng bansa. If you add the gas subsidy, mababawasan pa yung budget sa mga 'yon. They might give us a higher tax with the reason na para makapag-subsidize ng gas.
Other things, you're also giving the rich people that own most of the cars in Metro Manila (and believe me, andaming kotse sa Manila. We calculated it in my math class, and there are more than 100,000 running every day), a lesser price for gas. Which means they could afford to get more gas, and thus decreasing the supply of a very limited commodity.
Sabi nga ng friend ko, it's high time that we look for alternatives na cheaper and more environment-friendly. Sa opinion ko naman, I'd rather push for increase in wages rather than gas subsidy para naman hindi masyadong dehado ang most of the population dahil sa pagtaas ng gas.
As for the election, I'm hoping to vote for the least evil.
bilib ako sa tanong at sagot mo..mahilig ka rin pala manood ng may bukas pa..ako din nanood ng may bukas pa..parang gusto ko na ngang tumaya ng jueting..
TumugonBurahin@geek
TumugonBurahinkung sabagay karamihan nga nmn ng mag sasakyan sa pinas ay mayayaman, magandang punto yun...
high wages? gusto kitang samahan dyan, syempre naman pabor ako jan...sa tinggin ko din masyado na yata kasi din lumalaki ang agwat ng mahihirap at mayayaman sa bansa...
pero sa tingin ko lng din yung mga MNCs na nasa bansa baka biglang magsilayasan considering na nandito sila sa pinas para sa super cheap labor ng mga pinoy plus mo pa jan ang global financial crisis...baka lalong mag-cause yun ng kawalan ng trabaho sa maliliit na empleyado...
naiisip ko nga mukhang maganda yun suggestion ni AZEL, putulin ang dapat putulin sa mga magnanakaw ng pera ng bayan....kaso ang mga walanghiya pati husgado kaya nilang imainobra...haayysss...
@Arvin U. de la Peña
ahehehe...basta pagnanalo ka enge balato... :D
napapanahon parekoy!
TumugonBurahinparang kape, 3 in 1!
sabagay, ang pinoy, maabilidad at kayang labanan ang lahat ng hamon sa mundo. kung may mga pangit man na naidulot ang mga kalamidad eh mayroon din namang mga positibong resulta. tulad nalang ng pagtutulungan at pagkakaisa pagkatapos ng sakuna.
ilang buwan nalang pwede na nating mabago ang takbo ng politika sa bansa! kaya dapat piliin na ang karapat dapat at may kakayahan na maging mabuting pangulo sa ating bansa.
*************
aabangan ko ang laban ni Pacman..lolz at ganun din ang career ni Aling dionisia. hakhakhak.
*************
mabuhay si Efren.
binoboto ko sya everynow and then!
itaas ang bandila ng Pinoy sa buong mundo!
hahaha.. natawa naman ako dun sa bagyo. hahaha. nice kuya! :]
TumugonBurahinbumoto muna akoh sa kanyah bago koh pa malimutanz... kahanga hanga nga syah si efren.. nabasa koh na 'bout him sa isang blogger's page den... so yeah i already voted for him before and i voted for him again... sana manalo syah... i'll try to vote as much as i can basta maalala koh....
TumugonBurahinhmmm... sad nga minsan ang nangyayari sa pinas noh... mga ginagawa nang mga nakaupo sa bansa... usually kc pangungurakot lang inaatupag kaya nde naasikaso ang basic needs nagn bansa... sigh.... well... wala akong ganong mahiritz pagdating sa ganyan eh... so yeah.... sana lang yung ang next president nagn pinas eh will definitely make a difference...
ingatz lagi kuya bhoyet...Godbless! -di
@kosa
TumugonBurahinahehehe...3 in 1..masarap yun... ;)
sana ayuz nmn ang bansa sa mga susunod pang taon... ;)
@kox
ahehehe..nakakatuwang isipin dit ba.. ;)
@Dhianz
ingats din lgi dhi... ;) hopefully gaganda din ang ekonomiya ng bansa.. ;D
mamats s pag share mo ng iyong buhay through koment
TumugonBurahinahahhaa
sna ng enjoy ka
nakaboto narin ako pre
TumugonBurahindapat suportahan ng gobyerno
ang ginagawa ni efren
saludo ako sa kanya.
mahusay ka rin na komentarista kapatid, dapat siguro nasa radyo ka para tirahin ang mga hinyupak na mga pulitiko ng bansa.
TumugonBurahinTama lahat ang nakasaan sa post mo, saludo ako sa bawat salita na iyong binalangkas.
IIsa lang ang tanging dahilan kung bakit nasadlak ang Inang bayan dulot ng nagdaang trahedya.. ANG KORUPSIYON.
ang mga pondo na dapat ay para sa mga proyekto para sa kapakanan ng sambayanan ay kinurakot ng mga hinayupak na mga kupal na naluklok sa gobyerno... hindi ko na kailangan pang sabihin lahat dahil hindi na lingid sa kaalaman ng lahat.
siguro nga tama ang sabi ng santo papa noon, na patuloy na magdudusa ang bansa hanngat hindi nakakahanap ng ibang pinuno na matino.
tsk! tsk!
@bangz
TumugonBurahinahehehe...enjoi nmn lgi.. ;D
@JETTRO
aheheeh...mas ok pang iboto si efren kaysa sa mga tatakbo sa pulitika... :D
@Alkapon
yun nga lang...pag sa radyo ako...malamang baka damputin na lng ako dun...i love my precious life... ahahaha..salamat sa pag daan parekoy... :)
Naka post din sa side bar ko si "Efren Penaflorida".
TumugonBurahinHumanga ako sa kanyang Advocacy. i think siya lang yata nakagawa nito.. only in the Philippines.
ayus ah...kelan ka pa naging kolumnista SG?..hahaha..bagay sayo dre bat di mo karirin yan..promising eh...tagay!!!
TumugonBurahin