Lumaktaw sa pangunahing content

...wala naman kaming napala...

"kung ano ang puno, yun ang bunga!"

...siguro alam nyo na ang balita? balita hindi tungkol sa bagyo sa Pinas, pasko na eh..wala na sigurong darating pa...balita hindi tungkol kay Manny Pacquiao at Krista Ranillo, malalaki na sila alam naman nila ang kanilang ginagawa...balita hindi lang tungkol kay Efren Peñaflorida, nanalo po sya... atin pong ipagbunyi ang kanyang pagwawagi sa CNN Hero of the Year...salamat pong muli sa mga bumoto at nawa'y tularan sya hindi lang ng bawat Pilipino kundi ng bawat pulitikong nagnanais manungkulan sa bansa... ang tanong, may mga pulitiko ba na nais tularan sya? WALA!

alam kong alam nyo na ang balita sa karumaldumal na pagpaslang sa mga mamahayag, abugado, kaanak ng mga Mangudadatu na hindi baba sa limapu't pitong (57) katao sa Maguindao...anu nga ba ang dahilan? simple lang naman...dahil ito sa hidwaan sa pulitika na humantong sa pagpaslang sa mga inosente... at ang salarin? ang pamilya ng mga Ampatuan sa pamumuno ng kanilang kagalanggalang Mayor Andal "Unsay" Ampatuan Jr. ... ok sige, suspek pa lang daw dahil hindi pa daw ito napapatunayan... anu kayo mga tanga o nagtatanga-tangahan lang?... sino kayang makapangyarihang tao na kayang gamitin ang provincial government's backhoe upang ilibing ng sabay-sabay ang limapu't pitong (57) katao kasama ang kanilang mga sasakyan upang itago ang ebidensya? ...sino kaya ang taong kilalang ganid sa kapangyarihan sa lugar? sino kaya ang may kakayahan na pumaslang limapu't pitong (57) katao ng sabay-sabay? sino ang may koneksyon sa mga Pulis sa bayan? sino? ...ang mga Ampatuan...kung hindi sila sino? isa sa pinakamahirap na lugar ang Maguindanao sa bansa lalo na ang bayan ng mga Ampatuan, pero bakit may mga mansyon doon...patunay lamang ito na hindi lang sila ganid sa kapangyarihan kundi maging sa kayamanan na sana ay para sa mga mamamayan ng kanilang nasasakupan...

ikawalong araw na ngayon buhat ng maganap ang karumaldumal na pagpaslang na ito, ngunit patuloy pa din ang pagbibingihan ng kinauukulan...bakit nga ba? dahil siguro sa malaking utang na loob ng mga tao sa Malacañan sa mga Ampatuan... kung ating babalikan, sa Maguindao nagkaroon ng landslide vote pabor sa pangulo, mantakin mo bang ma-zero ang mga kilalang katunggali, tapos wala daw dayaan na naganap...oh come on!... ang sabi ng tagapagsalita ng Malacañan, "hindi lang sa mga Ampatuan may utang na loob ang pangulo, kundi maging sa mga Mangudadatu"... ok cge, pero indikasyon pa din iyon at parang inamin nyo din na may utang na loob pa din ang Malacañan sa mga Ampatuan... wala din daw sasantuhin ang Malacañan sa mga salarin....ganun naman talaga iyon, bago magkadamay-damay kailangan alisin ang dumi na nakikita ng mata...eleksyon na kaya at bago pa ito makasira sa reputasyon ng administrasyon kailangan ng mga papoging tulad nito... pero hangga't may paraan upang lusutan ito, gagawin iyon ng mga nasa pwesto...kayang-kaya nila iyon...ilang mga eskandalo na ba ang naibato sa administrasyon na hinarap nila? wala hindi ba? hinhayaan lang nila na mag-subside ang issue at ang init ng ulo ng tao tapos deadma...in the end, nasa tabi lang sila at nakangiti sa mga tao at sinasabing "mga tae kayong lahat"...

...hindi na din ako magtataka kung bakit malalakas ang loob ng mga taong ito sa pagpaslang ng mga taong laban sa kanila...wala na din kasing death penalty sa bansa... inalis na iyon for safety measures ng Administrasyon na kung sakaling masangkot sa kurapsyon at mapatunayan na nagkasala, hindi sila mabibitay at syempre may tsansa pa din na makalaya...yung iba nga pwede pang tumakbo sa pulitika habang nakakulong pa...

ang sabi nila, takot daw sa multo si Mayor Andal "Unsay" Ampatuan Jr. ...joke lang yata yun dahil sa totoo lang, mahihiya sa kanya sa Satanas... baka nga ibigay pa sa kanya ang trono nito dahil sa kabuktutan nya... para sa kanya kulang pa siguro ang rehas na bakal ... kulang ang habangbuhay na pagkakabilanggo... kulang pa din kahit ang buhay nya kapalit ng limapu't pitong (57) buhay na winasak nya... I want to see the perpetrators hopeless! I want to see Mayor Andal "Unsay" Ampatuan Jr. hopeless and begging!!!

[note: ang inyo pong nabasa ay base po sa kuro-kuro ng may akda...anumang nilalaman nito na taliwas sa inyong paniniwala ay hinihiling ang inyong pag-unawa...ang sulating ito ay isa lamang pong malayang pagpapahayag ng opinyon ukol sa isyu ng bayan... huwag nyo po akong ipadukot... kantahan na lang po muna tayo....:) ]






WALA- by Kamikazee

Napanood sa telebisyon
Inuuto ang neysion
Na-meet daw ekspekteysyon
Sa kanyang imagineysyon

Wala nangyari, wala namang nagbago
Parehong kwento, sino ba ang niloloko mo

CHORUS:
Wala namang kaming napala
Wala, wala, wala, wala
Meron pa bang naniniwala
Wala, wala, wala, wala
Wala ka namang kasing nagawa
Wala, wala, wala, wala
Wala na sayong naniniwala

sabi mo merong solusyon
paberti at mas starbeysion
Nabawasan daw konsomisyon
Dis kol por a selebrasyon

Pero walang nangyari, walang nagbago
Parehong kwento, sino ba ang niloloko mo

Wala namang kaming napala
Wala, wala, wala, wala
Meron pa bang naniniwala
Wala, wala, wala, wala
Wala ka namang kasing nagawa
Wala, wala, wala, wala
Wala na sayong naniniwala

Speech:
Mga mahal kong kababayan
sa panahon ng aking panunungkulan
katakutakot na kurakot ang inyong maaasahan
paliliguan ko kayo ng sandamakmak na kasinungalingan
at sa lahat ng sa akin ay bumoto
ano kayo, hilo? ako muna bago kayo
at sa kabila ng lahat
may makikitang ngiti sa ating mukha
na parang walang naganap
at sa akin ang huling halakhak!

pu***g ina nio hahaha

Wala namang kaming napala
Wala, wala, wala, wala
Lalo lang lumalala

Wala ka namang kasing nagawa
Wala, wala, wala, wala
Wala na sayong naniniwala
Wala, wala, wala, wala
Wala, wala, wala, wala

Bakit di ka pa mawala (repeat)

Mga Komento

  1. dapat ibalik ang death penalty at ang Ampatuan na yan ang unag bitayin. beyond words ang kasamaan ng taong yan.....

    TumugonBurahin
  2. sana lang kung hindi man mabitay ang mga may kasalanan... pagdusahan nila sa loob ng bilangguan ang ginawa nila... ang kaso... siguradong may special treatment pa rin sa mga yan pagdating sa "loob". (sus! only in the philippines!)

    BUHAY ANG INUTANG...
    BUHAY ANG IBAYAD!!!

    TumugonBurahin
  3. I love it... Hehe :) I love Kamikazee!


    Alam mo ba ang latest? Tatakbo si Gloria sa Kongreso... HAha! Wala lang... Enough na kay Gloria...

    Dun naman sa Maguindanao MAssacre.... Parang natatagalan ako sa proseso... Sana may espesyal na batas para sa DEATH PENALTY sa mga salarin.

    TumugonBurahin
  4. @PUSANG-kalye
    so true...pro-life akong tao pero kung ganyan ang siste mukhang ibang usapan na yan...

    @A-Z-E-L
    uu nga...panu mo nga nmn ikukulong ang iyon kampon...khit sabihin natin na nasa kulangan na yan...buhay hari pa din...hays....

    @Mangyan Adventurer
    ahehehe...ako din...peborit ko din yan...kaso bawal patugtugin sa ofiz, magugulo mundo nila...ahahaha...

    gloria for congress?? hahaha...strategy ulit so kung sakaling magka-chacha or con-ass...pwedeng-pwede syang maging Prime Minister...sabi nga nila, madali lang nmn daw ang publicity kayang takpan yan ng pera...kung boto naman, kayang-kaya yan nilang DAYAIN... haaaysss...knowing them...

    TumugonBurahin
  5. dapat talaga na siya ay makulong..ang ginawa niya ay parang isang tigre na mabangis talaga..di kaya siya adik..

    two of 5..kumusta na..i'm missin someone right now..she is very especial to me..i need her to comeback to me..

    TumugonBurahin
  6. hmmm. parag nawala ka saglit ah? hehe

    uhmm para sa akin iba naman. ipagpalagay nga natin na may kasalanan nga ang nasabing akusado. ok na yung habang buhay na pagkabilanggo para maiwasan lang ang muli niyang na masama. Para sa akin kasi only God lang ang pwede magbigay ng parusa. Magtiwal lang tayo sa itaas. May parusa din nakalatag dun sa mga yun

    TumugonBurahin
  7. sad... nde fair ang hustiya sa Pinas... but God knows everythin'... juz let Him be d' judge... those innocent people right now are in d' better place than those who were left behind and tortured those people... i dunno... how will they pay for what they did... but i'm juz gonna pray 'bout it... and also prayers for victims family...but marami sa sinabi moh ang may point... sad a lot of them nagtatanga-tangahan kahit ang ebidensya eh nasa harap na lang niah... i guess 'cause maybe some of them are scare they might be killed too or somethin'.. i really dunno and i don't have answer for it... opinyon koh ren lang.... ingatz kuyah... Godbless! -di

    TumugonBurahin
  8. Hindi ko na pinanood yung video ng Kamikazee pero nabasa ko naman yung entry mo mula dulo hanggang dulo.

    Interesting lang para sa 'kin na napapansin lang ang Mindanao 'pag may mga ganitong nangayari. Nakakalungkot na ang Mindanao ay nagkaroon na ng imahe ng violence and barbarism when in fact, hindi ito totoo. I've lived in Mindanao for 16 years at mas takot pa 'kong lumabas pag gabi dito sa Manila kesa sa 'min.

    I guess mahirap ng baguhin ang imahe ng Mindanao. Pwede pa naman pero matagal na proseso.

    Anyway, on to the Ampatuan case, sadyang napaka-inhumane nga nung nangyari. Tao talaga, 'pag na-overcome ng lust for power nagiging parang demonyo. Lord of the Rings comes to mind.

    Naisip ko lang, bakit itong insidente ang nakakuha-pansin sa mga tao? I am sure na may mga kasing-brutal (at marahil mas brutal) pa na mga pangyayari na itinatago lamang mula sa mata ng mga mamamayan. Ilan pa kayang gaya ng Ampatuan case ang nangyari na sa ibang parte ng Pilipinas na wala pang justice? Nakakatakot isipin. Minsan maiisip mo na lang, nakakatakot nga palang manirahan dito sa Pilipinas.

    TumugonBurahin
  9. @Arvin U. de la Peña
    well, sa totoo lang kulang pa ang bilangguan para sa kanya (kanila)... hayysss...

    @kikilabotz
    ahehehe, inde nmn ako nawala parekoy...busy busy lng...ahehehe...

    parekoy...ok yung point mo...kung sa bagay parang cycle yun...it's just like fueling the cycle of hate... hatred only brings hatred..

    @Dhianz
    yeah...gusto ko yung point nyo ni kikilabotz... pero minsan napapaisip din ako... paano kung tayo mismo ang nasa kalagayan ng mga pamilya ng naging biktima?... mahirap hindi ba? meron tlaga dapat magsakripisyo while yung iba nman ay napapakasasa sa ligaya... sa puntong yun hindi ko rin alam ang gagawin ko...

    salamat dhi sa pagdaan... :)

    @geek
    actually, bata pa ako kawawa na sa tenga ko ang sitwasyon ng Mindanao keso may gera dun, may abu sayaf, may MILF, etc etc...agree ako parekoy dun sa punto mo na minsan mas nakakatakot pang lumabas sa Manila kaysa sa lugar sa Mindanao...

    pero bakit ganun na lng ang perception ng tao Mindanao? hindi ko din alam pero sa hula ko.. siguro para sa mga taong namumulitika, pera ang ibig sabihin ng gera... kung hindi matatapos ang gera, tuloy pa din ang pera ng mga namumulitika hindi lng ng mga Pulitiko sa Mindanao baka nga din sa Malacañang...kung tutuusin mas malaki pa ang inilalaang pondo sa gera kaysa sa edukasyon...

    sa palagay ko lng din, ang gera sa mindanao ay hindi na tungkol sa relihiyon, madali na kasing pag-usapan yun kung yun eh, pero bkit hindi nahihinto?

    kasi siguro dahil sa pera, kapangyarihan at bulok na pamumulitika... ang aking ebidensya, ang kaso ng mga Ampatuan... :)

    TumugonBurahin
  10. Ang mare-reply ko lang ay: TOTOO ang mga sinabi mo.

    TumugonBurahin
  11. Di ako madalas makapanood ng balita dito.. Nakikibalita lang ako sa internet.. Pero sa buong history ng mundo ito ang matinding pagpaslang sa mga media men.. Grabe.

    Ang tindi talaga ng eleksyon sa atin. Sana hindi na maulit to. And hopefully maparusahan ang may sala. Kawawa mga kamag anak ng biktima, kailangan nila ng hustisya..

    Beyond description and massacre na yan..

    Isa sa mga ganitong balita kung bakit iniiwasan kong laging nanunnuod ng balita sa atin.. Sumasakit ulo ko pero kailangang malaman.

    Let's just hope for the best in our country, di pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Magbabago ang sistema pagdating ng panahon at sana ngayon na yun.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k...