Lumaktaw sa pangunahing content

...kasinungalingang mapanlinlang...


...nagsimulang gumala na naman ang mga halimaw sa lansangan... mga halimaw na anyong tao... mga halimaw na animo'y mga tupa sa ipinapakitang kabaitan... kumakaway sa mga maralita sa kalunsuran at iba't ibang bayan... sinasabing, "kaisa mo ako sa kahirapan"... nangangakong "tatapusin ang kahirapan"... ipinagwawagwagang "hindi ako magnanakaw"... simusigaw na "I am righteous!"... lahat sila ay mga tinagurian alagad ng sining ng panlilinlang--ang mga pulitiko.

... ang bawat isa ay may iba't ibang istilo ng panlilinlang...

...merong nagkukunwaring tapat at walang kabuktutan... ngunit simisigaw ang kanyang pangalan ng "Manisevilandliar!" ... mga kasinungalingang hindi na daw sya mangungurakot dahil mayaman na sya... at kung pera lang daw ang habol nya, babalik na lang daw sila sa pagiging negosyante... tae! san ka nakakita ng negosyanteng nagpapalugi?... at dahil daw gusto daw nyang tapusin ang kahirapan, lumapit sya mga TV networks ang ipinaglandakan sa sambayanan na sya din ay naging mahirap..."rugs to riches" nga ang drama... nagbayad ng malaki para sa investment kampanya daw... at dahil sa laki ng perang ginamit para sa panlilinlang sapat na nga yata iyon upang bayaran ang utang ng Pilipinas... o di kaya'y tulungan ang mga magsasaka na matugunan ang lumalang problema sa kanilang sakahan na dulot ng El Niño... kung ganito ang sistema nya ng paggasta, paano na kaya kung pera ng bayan ang hawak nya? ... sa laki ng mga perang inaksaya nakakatakot na bawiin ito sa kaban ng bayan...

...nakakatuwang isipin na ang mga pinoy ay "family oriented"...kahit saan magtungo o kahit saan dako ng daigdig man mapadpad, ang kapamilya ang syang laging kapuso...pinatunayan ito mga nasa malacañang...ganito ang drama...

[Setting] Nag-uusap ang pangulo at ang kanyang anak sa telepono...
kriiingg...

Nanay: hello anak...
Anak: yes, nay?
Nanay: dahil ako ang pangulo, ikaw anak ay magiging congressman...
Anak: opo nay! salamat po...

makalipas ang termino ng pangulo...Nag-uusap muli ang pangulo at ang kanyang anak sa telepono...ukol sa mga bagay-bagay sa pulitika

kriiingg...

Nanay: hello anak...
Anak: yes, nay?
Nanay: anak matatapos na ang angking termino, maaari bang ako muna ang sa pwesto mo para sa mga nalalapit kong sandali bilang Prime Minister... Alam kong mahal mo ako anak, kaya kung maaari maki-party ka na lng muna sa mga "party list"... ganyang din ang gagawin ng tyahin mo..makikipagsosyal muna sya sa mahihirap... makukunwari muna syang tindera ng balot at fishball... upang mairepresenta nya kunyari ang mga ito sa kongreso...
Anak: opo inay, ako na pong bahala... Si Itay po pla nay, binigyan ko na ng pan-shopping sa Hong Kong...at pagkatapos daw po nun, makikipag-Golf daw sya sa mga kaibigan nyang Chinese sa ZTE...
Nanay: Ok, walang problema anak... kakausapin ko lang muna si Garci kung pano naman matutulungan ang ka-tsokaron natin na taga-Mindanao... kawawa naman si Andal, nilalamok na ata sa selda
Anak: Sige po nay, alam kong magiging busy ka eh dahil sa dami ng media na nasagasaan ni Andal... Nay, kakausapin ko din muna ang ating secret candidate na si Manisevilandliar na madadagdagan pa ang pondo nya dahil sa laki ng makukuha nating kickback sa bigas na inangkat natin sa Vietnam...
Nanay: Ok anak... wag lang kayong magpapahalata masyado ha? sabihin mong ako ang bahala sa kanya kapag Prime Minister na ako...
Anak: Ok nay, Congratulations in advance.
Nanay: Salamat anak! buwahahahaa! (*tumatawa habang ang isang kamay ay nasa telepono at ang isa naman ay ginagamit panghimas ng buntot*)

...ganito daw sa pulitika ang pamilya o ang pamilya sa pulitika... lahat daw ay sama-sama...sabi nga, "the family that do bad things together, stays together..... in jail!" ... pero seryoso, ganito daw talaga sa pulitika, kapag ang magulang mo ay isang pulitiko, sigurado lalakad ka din sa daang kanilang tinatahak...

...sa katunayan ito din ang naging dahilan ng isang mamulitika na mula sa angkan ng dating senador at pangulo...gamit ang dila at kasikatan ng kanyang kapatid sa telebisyon, nagmukha na syang maka-masa... gamit ang pangalan ng mga magulang tumutulay na sya sa tukso ng kasinungalingan...sana lang ay hindi magpalinlang sa paligid ng mga gahaman sa kapangyarihan...

iba-iba ang kulay ng pulitika...kahel, dilaw, luntian, bughaw at isama pa ang lahat ng kulay ng bahaghari
iba-iba ang sasakyan ng pulitika... jeep, padjak, kariton, trak, eroplano at isama pa natin si optimus prime
iba't ibang kasinungalingan... handa ka na bang magpalinlang?

---Ka Roger---
SuperGulaman

[P.S. Sa mga nabanggit ko, magtatago po muna ulit ako, baka ipadukot nila ako...hahaha! lols! ...ngunit hanggang sa mga sumandaling ito, hiatus pa din po ang inyong lingkod...ngunit ako'y muling magbabalik... malapit na!]



Mga Komento

  1. tama naman po lahat ng sinabi niyo. ANg ganda ng pagkakasabi EUPHEMISTIC haha :D saka nagustuhan ko yung conversation ng magina, iba ka. Magtago ka na lang baka nga ipadukot ka :D pis po

    TumugonBurahin
  2. Kamusta? Bumibisita lang pagkatapos ng mahabang panahon.

    TumugonBurahin
  3. kakaibang atake.
    medyo mahina pero sapul na sapul.

    napapanahon.

    isang mahalagang post na magbibigay ng masmataas na pamantayan para sa pagpili ng karapatdapat na iboto sa darating na eleksyon:D

    TumugonBurahin
  4. Ayos to. Vote wisely. Vote for me. Haha.

    Ibat ibang kulay talaga meron ang pulitika. Ibat ibang raket. Pati sa ads ng YM nakikita ko si Villar. XD

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...