Lumaktaw sa pangunahing content

...ang pagbabalik...

mula sa kawalan muling nagbalik ang Superhero na sa inyong lahat ay nanabik... matagal na din ang panahon mula ng ako'y nagpasyang iwan pansamantala ang mundong ito... siguro, halos isang taon na din ang nakakalipas ng itago sa baul ang kapa ni Super Gulaman, ipahiram ang maskara sa mga payaso, at isabit ang sinturon sa likod ng pinto na kahit aso ay ikakahiyang isuot ito... 

hindi ko na nga din alam kung naaalala nyo pa din ako... pero magkagayunman, narito na akong muli...mangungulit...mangugulo...sabayan nyo akong muli sa aking pagkikipagsapalaran sa mundo at ang topak ng imahinasyon ko...

tara! kwento ako, kwento ka... kwentuhan tayo!

Mga Komento

  1. wow!at nagbabalik nga!
    parang last week alng nung tinanong kita kung bakit hindi ka na nagbblog hehehe
    ikaw ang pangatlong blogero na nagbalik mula sa matagal na pananahimik in just two days..

    sana sa mga susunod na araw eh mataranta ko sa paghabol sa mga updates nyo.

    welcome back SuperG!

    TumugonBurahin
  2. @yanah
    woahh...ang bilis ah...ahehehe..uu nga... hayaan nyo at regular blogger na ako ulit...woot...mejo bumabalik ang writing prowess... ahahaha...palusot lang nalibang ako sa pagiging tamad... :D

    TumugonBurahin
  3. thanks thanks... bukas na ako magblog hop... kapagod mag-edit ng codes...templates..ekek.. ^_^

    TumugonBurahin
  4. Panalo!!! Sa wakas nagbabalik ka na! Welcome back Supergulaman mula sa damuhan :)

    TumugonBurahin
  5. @bino

    woot salamat parekoy... mejo sisipagin na ako promis...ahahaha...pansamantala matutulog muna ako saglit...lahat kayong nasa blog roll ko...papasyalan ko na...at yung mga natututulog pa..gigisingin ko na din..ahehehe... :)

    TumugonBurahin
  6. @Traveliztera
    wooot... salamat... hayaan mo at papasyalan ko din ang iyong blog... :D

    TumugonBurahin
  7. sino ka? ano pangalan mo? lolzz, newbie ka pre? hehehe, welcome back parekoy :)

    TumugonBurahin
  8. wooow :) nakita rin kita este un blog mo pala nabura kasi un blogroll ko uupdate ko na lang :) welcome back :)

    TumugonBurahin
  9. Wow.. welcome back po.. after a year of rest, eto na naman si Super Gulaman. Nakita ko sa post ni Yannah.. It's the first time I've read about you. Wel.. I'm a newbie here.. I'll be doing some back reading. Welcome back!!!!! =)

    TumugonBurahin
  10. @ Lord CM
    ahehehe...opo newbie lang po ako...noobs pa po ako...aheks... ahehehe... salamat parekoy...woohooo... :)

    @pirate keko
    aheks...nakita ko na...salamat keko...^_^

    TumugonBurahin
  11. @Leah
    anung po?...bata pa po ako...ahahaha..jokes... pero pero..salamat po...hayaan mo at regular na din ang paggawa ng entries at ang pagpasyal ko sa mga blogs...pero teka, newbie ka? nasa blogroll na ba kita? pero kung wala...i-add na lang din kita..tnx tnx... ^_^

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...