Lumaktaw sa pangunahing content

..ano sa palagay mo?...

matapos mapanood ang nakakakilig na pelikula nila Maricel Soriano sa T2 (Tenement 2), aking naalala at muling binalikan ang mga kwento ng aking namayapang ama. Oo nga pala, ang pelikulang T2 ay isang love story. Isang pag-iibigan ng engkanto at normal na tao... hanggang ngayon akin pa ding iniisip kung tunay nga bang merong mga ganitong bagay sa mundo... ito ba ay isang haka-haka lamang o katotohanan? parte nga lang ba ito ng malikot na imahinasyon ng tao o tunay talaga itong nagaganap sa sangkatauhan?

ang susunod po na inyong mababasa ay isang kwento hango sa binahagi ng aking namayapang ama... kung katotohanan ba ito o kathang isip lamang kayo na po ang humusga...

sa probinsya ng Romblon sa baryo ng San Agustin, dito pinanganak at nagbinata ang magkakapatid na si Jose, Enrico at Ding...oo nga pala meron ding silang nag-iisang kapatid na babae na si Dinia...sa apat na magkakapatid na ito, si Ding ang bunso...sa kabila ng kanyang pagiging bata at kakulitan, likas sa kanya ang pagiging mahiligin sa pagsubok...masipag din si Ding at lagi syang tumutulong sa kanyang ama kasama pa ang dalawang kapatid na lalaki sa mga gawain sa bukid, pangingisda, pangingilaw, pagkokopra at pagkakaingin...

...isang gabi ng huwebes santo, inutusan sila ng kanilang ama na pumunta sila sa gubat upang kumuha ng mga panggatong na gagamitin para sa paghahanda sa biyernes santo...madilim ang daanan na kanilang tinahak patungo sa pusod ng gubat...bitbit ang sulo, malakas ang loob ng magkakapatid kahit batid nila na mapanganib ang pagtungo sa gubat dahil sa mga engkanto daw na nandoon... patuloy sa paglalakad ang magkakapatid ngunit biglang napansin ni Enrico na parang paulit-ulit lang ang kanilang dinaraan...hindi nagpadala sa takot ang magkakapatid bagkus minarkahan nila ang bawat puno na kanilang madaanan...at makailang lakad pa, tunay ngang sila ay paulit-ulit lamang sa kanilang nilalakaran... at dahil dito, agad nilang binaliktad ang kanilang damit at patuloy na naglakad hanggang makarating sa lugar na matatagpuan ang dekalidad na mga panggatong...

....naghanap si Ding ng pagsasabitan ng sulo at doon din may nakita siyang malaking puno sa madilim na bahaging iyon ng gubat...agad na binunot ang sundang...akma na niyang bibigyan ng isang malakas na sibak ang katawan ng punong iyon ng bigla itong gumalaw...laking gulat ng magkakapatid na isa pala itong binti ng kapre...isa malaking nilalang na may malaking tabakong hinihithit...sa pagkabigla ng mag-kakapatid, agad silang nagpulasan... mabilis ang takbo ng magkakapatid at naiwan ni Ding ang kanyang sundang at sulo...nakarating sila sa ilog na malapit sa paanan ng gubat...at upang bigyan pagkakataon ang pagal na katawan, naglublob sila dito at namahinga ng sandali...maganda ang liwanag ng buwan ng sandaling iyon, tila ba nagbabadya iyon ng paglipana ng mga hindi pangkaraniwang nilalang...makailang sandali pa, may narinig silang kakaibang ingay...

"ik...ik....ik...."

....hinanap ni Jose ang tinig...laking gulat nito ng tumambad sa kanya ang isang manananggal...isang nilalang na lumilipad na humihiwalay ang pang-ibabang bahagi sa pang-itaas na bahagi ng katawan..bagkus na matakot...sinipa ito ni Jose ng buong lakas...sa lakas ng sipang iyon, agad na tumalilis ng paglipad ang nilalang...pinagpatuloy nila Jose ang paglalakad hanggang makarating sa dulo ng ilog...lagpas hatinggabi na ng oras na iyon at kailangan na nilang makabalik...at sa takot sa kanilang ama, namulot na lang sila ng kahoy sa daraanan, wala man ito sa kalidad na hinahanap ng kanilang ama..kahit papano may nadala sila...

...matapos ang kakaibang karanasang iyon, hindi na iyon nila pinag-usapan pa...

...linggo ng pagkabuhay...nagkayayaan ang magkapatid na magpunta sa kabilang baryo upang makipagsayawan...napaka-natural ng ganitong kaugalian sa mga probinsya...sa mga taga-lungsod, disco ang tawag natin dito... (*hindi ko na po babanggiting ang pangalan ng baryo para hindi ito katakutan ng karamihan*)... sa baryong iyon, laking gulat ng magkakapatid na karamihan ng mga babae dito ay may kakaibang ganda...ang kutis nila'y hindi kutis ng mga babae sa probinsya...mapuputi ang kutis ng mga babae doon... sa kabila nyon hindi nagtaka ang magkakapatid dahil dayuhin ang lugar na iyong ng mga turista...nakipagsaya ang magkakapatid... at nakipagkilala sa ilang mga dilag... si Ding bilang isang bunso ay kabado sa ganitong pagkakataon...lumapit kay Ding ang isang babae at inaya syang sumayaw...sumunod naman ito... tinitigan nya ang mukha ng babae...wala itong kanal sa pagitan ng ilong at labi...tinignan nya ang iba pang babae sa paligid...ganun din ang kanyang napansin... tinitigan nya ang kasayaw...ngunit hindi ito direktang makatitig sa kanya...sa puntong iyon, kinabahan na sya...nagdahilan na lamang na nagugutom na sya at kakain lamang saglit...pagdating sa lugar ng kainan, halos itim na pagkain ang nakahain...wala syang tikman sa bawat putaheng iyon bagkus hinanap ang kanyang mga kapatid at inaya agad ito na umalis... ..kinaumagahan, nabalitaan nila na hindi natuloy ang sayawan sa baryong iyon...inusog daw ang sayawan sa unang araw ng Mayo...

~~~***~~~

hanggang sa mga pagkakataong ito...hindi pa din ako ganap na naniniwala sa mga kwentong iyan ng aking amang si Ding...ngunit kung imbento lamang ito ng aking ama...nakakapagtaka lamang dahil noong minsan na magbakasyon ako sa Romblon, (*15 years old pa lang ako nun*) na-ikwento din ito sa akin ni Uncle Jose... .

...sa aking pagtigil sa Romblon ng ilang araw, nakaugalian ko na ang pagtamabay sa may malapit sa paaralan upang manood ng baseball...sosi nga ang laro dito eh, hindi basketball kundi baseball...doon din may nakilala din akong isang magandang batang babae na nagpakilalang anak daw sya ng kapitan ng baranggay...laking gulat ko ng sinabi ng pinsan ko na halos isang taon ng patay ang anak ng kapitan...



Mga Komento

  1. amhaba!! hehehe...

    pero gusto ko tlgang panoorin yang T2. kase mahilig ako manood ng mga katatakutan! hihihihi... hindi ko pa kase siya mahanap sa internet e! ndi rin yan showing dito sa dubai. kaya hanggang internet na lang ako. baka may source ka jan na pde kong makuhanan? lolz

    TumugonBurahin
  2. ayun! natapos ko din!!

    kinilabutan ako ha!!!! as in na-imagine ko ang mga nangyari sa wento mo!!

    TumugonBurahin
  3. ayoko talaga sa mga horror stories. yang kwento mo kinilabutan ako ng husto. pero superb!

    TumugonBurahin
  4. ay naku, hindi pa nakaovercome sa t2...

    marami ganyan sa probinsiya..sadyang nakakapanindig balahibo..

    pssssttt...

    onting daldal lang muna ako dito...pinapayaman ko pa pet ko sa pet society eh..napag-iwanan na..

    aheks..

    TumugonBurahin
  5. waaahhh.. katakot ung t2! totoo daw ung mga ganyang kwento.. sa davao din eh, madami..

    TumugonBurahin
  6. Waaahhhh!!!Gabi pa naman at mag isa sa room ko, takot ako :(

    TumugonBurahin
  7. mismo lord ako din..amf tlga..haha ewan ko bka na-engkanto din ako ni superG..di ko mapigiling di basahin eh..haha

    TumugonBurahin
  8. i love horror film. pero ayaw ko ng tagalog. lalo na't tinapat naman sa mahal na araw yung opening ng T2. anyways, i read your story. i'm scared indeed!

    TumugonBurahin
  9. naniniwala ako sa mga kwentong ganito parekoy...

    akalain mong natapos ko ang kwento mo kahit nangangatog na ko sa takot..lols

    TumugonBurahin
  10. ntakot naman ako a wento mo....

    matatakutin kasi ako eh!

    TumugonBurahin
  11. matatakutin rin akooooooooo..i hate watching horror movies...

    ayan tuloy natakot na ako sa kwento mo....

    TumugonBurahin
  12. @Amorgatory
    aheks...ayuz lng parekoy..balik-balik lang...

    @JEE
    ei sa http://www.pinoychannel.tv/ lang ako tumatambay..kaso inde ko alam kung meorn na nyan dun...ahehehe...

    ...kung natakot ka..pano pa kaya ako.. awwwoooo...hahhaaha..

    @Bino
    uu nga...ako man ay matatakutin..bagamat hindi lubusang naniniwala..takot pa din ako...

    @vanvan
    hala bakit ka nag-facebook...addicting yan... ahehehe...

    @kox
    siguro nga...pero ayaw ko lang din maniwala dahil ayaw ko din matakot ng husto...

    @Lord CM
    hala..pasensya na parekoy...hindi ata abot dyan sa palau ang mga engkanto...mahal pamasahe...ahehehe

    @The Tough Cookie
    hala...gusto ko lng ibahagi yung mga naalala kong nakaktakot... pero siguro mas matatakot ka kung ikwekwento ko ang nangyari sa amin ni Grasya noong magparamdam ang tatay ko...

    @rdaconcepts
    the best ang tagalog horror...yun yata ang likas sa Pinoy na hindi magagaya ng ibang lugar...onli in the philippines...

    @Kosa
    basta ako ayaw kong maniwala...lalo lang akong matatakot....awoooo...

    @poging (ilo)CANO
    ako din...takot ako...pero base ito sa kwento sa akin at sa naranasan ko din...minsan kwento ko din ang pagpaparamdam ng tatay ko... :)

    @Jez
    ayos lang yan...basta pray ka na lng bago matulog..ayt... :)

    TumugonBurahin
  13. sus! nakakakilabot naman yung bandang huli na nakilala mo anak nung kapitan! nyay!! Duwag ako sa mga ganyan. hehhehe!

    TumugonBurahin
  14. di pa ako tapos....babalik....hehehehehe

    TumugonBurahin
  15. naalala ko tuloy mga kwentong ganito ng erpats ko....interesting kung pakikinggan pero hirap paniwalaan....ganunpaman.kailngan sakyan para naman may maikwento sa inuman...heheheheheh..

    ng apala...laking siquijor ang tatay ko....lolz....

    galing ng pagkakwento parekoy!...

    tagay!...

    TumugonBurahin
  16. @Anney
    uu nga eh...kaya 12 na akong hindi nakakabakasyon dun...actually hindi lang yun ang naranasan ko dun..kaya nga inde na ako babalik dun....

    @PAJAY
    yun nga eh...parang kwentong barbero lang kasi eh...pero nagtataka lang din kasi ako at nakwento dun yun ng tiyuhin ko...awoooo....ahahahaha!

    TumugonBurahin
  17. takutan pala ha? hehe dami talagang ganyan sa probinsiya, ang mga engkanto ang mga itinuturing na taga pangalaga nang kalikasan, subalit katulad din nang tao may mga mabubuti at masasama.

    Yan dati ang mga kwento nang mga matatanda sa nayon, subalit nakakalungkot na nakikita nalang natin sila sa mga sinehan.

    hmmmmm... ano kaya at may magpakita sa yo nO?

    hahaha...

    TumugonBurahin
  18. gusto kong panoorin kaya lang... baka bangungutin ako. haha. di ko keri ang mga horror movies!

    TumugonBurahin
  19. ah love story pala ang T2.. para tuloy bigla ako na curious..

    ung kasama ko sa bahay, may mga ganyang kwento din.. nakakatakot hehe

    Mommy Blog

    TumugonBurahin
  20. BULAGA! pssssttt.... lolz


    parekoy, maganda ba ang t2?

    TumugonBurahin
  21. @Rhodey
    parekoy..wag naman...hindi ako ganap na naniniwala...pero wag naman magpapakita ulit...yun nanyari noon...marami pang nangyari na nakakatakot..wag naman...^_^

    @joshmarie
    promis maganda yun..inde ka babangungutin...aheks..maiin-love ka kay carmen soo at john lloyd... ahehehe... :)

    @pehpot
    yup love story sya...ahehehe...pagmamahal sa anak...sa mag-asawa...sa kaibigan...ahehehe....panoorin mo...maganda yun....

    @MarcoPaolo
    yup yup...maganda sobra...mejo bitin...pero ayuz na ang effects nila...^_^

    TumugonBurahin
  22. eeehh,kinilabutan naman ako. laking probinsya din ako at marami na rin akong kakilala na naexperience nila yung pabalik-balik sila sa iisang lugar na kelangan nila baligtarin ang damit nila.
    nakakatakot naman wento mo SuperG...

    TumugonBurahin
  23. hmf..nakakatakot naman yung ganun...

    grabe..mabuti na lang umaga dito ngayon..hehehe

    TumugonBurahin
  24. pre may movie review rin ako sa T2 maganda naman sya di ba..yap siguro nga hangang ngayon kathang isip pa rin ng mga pilipino kung totoo talagang may engkanto..

    TumugonBurahin
  25. sows! aga namang katatakutan yan super g. layo pa naman undas ah. hehehe.

    may ganiyan ding kwento lola ko noon. hindi rin ako madalas maniwala kasi nga to see is to believe.

    pero may mga bagay talaga na mahirap ipaliwanag ng siyensya at lohika.

    TumugonBurahin
  26. uuhhmm.. fiction??? =))

    ay mali ata comment qu..lol=) kala ko fact or fiction ehh..

    uhhmm..aqu naniniwala ako na.. hnde maiisip ng tao ang anuman..kung hnde ito nangyari..perhaps.-)

    mahirap mag invent ng story..@ hirap nmn mgkuento ng ganun mkapanakot lng d ba.?

    aheh..=) ayUn.. wag ka sanang dalawin ni tatay.. hala ka..:P

    TumugonBurahin
  27. psssssst
    pssssssssst
    psssssssst
    psssssst

    -baygon

    hahahahah hnd T2 *corny ko lols.pero nung una ko nbsa yan sa phne ko natawa aq xp

    nyways ayoko ng mga horror movies ehhhhhh hehhe di na kc ko nakakatulog ng nka-patay ung ilaw ngaun...mdyo di pa q nkakarecover kay emily rose hehe pinanuod kc nmin ulit un last last wk
    whaaaaaaaaa ^_^ heheh

    TumugonBurahin
  28. @DETH
    ayuz lng yan....awooo.... aheks...

    @Amorgatory
    wala akong hika parekoy..ikaw ba meron... ahehehehe... ;)

    @EǝʞsuǝJ
    kala ko may arabianang naligaw...ahehehe...jenskee pla ito...ahehehe...kain mo lng wla na yan takot na yan...

    @crisiboy
    sige tignan ko... :)

    @Lio Loco
    ahehehe...uu nga...awoooo...

    @hOniE-GeLenE
    ok..sabi mo eh...

    @sHeL *tRojan,ih8him_16,tUbig
    maganda yan emily rose film na yan...ahehehe...exorcism...

    TumugonBurahin
  29. hindi ako matatakutin pero magugulatin ako... ahehehe! dito sa flat namin sa SG laging may nagpaparamdam pag may bagong dating na bisita o basta bagong salta. naalala ko, 2 wks pa lang ako dito ng managinip ako ng sobrang nakakatakot na halos bangungutin na ako. same din yung na-experience nung bisita ng housemate ko 2wks after siya dumating. and just the other night yung wife naman ng housemate ko ang may nakitang white lady na papalapit sa kanya. andito siya for a visit. yung mga multo dito sa min nakakatuwa. kasi multiracial. hihihi! :P

    TumugonBurahin
  30. @enjoy
    ahehehe...ayuz pla multo dyan sa singapore eh... ahehehe....

    magugulatin ka?nasobrahan ka lng siguro sa kape...ahehehe... :)

    TumugonBurahin
  31. ganda ng storya.. at ang alm q.. totoo ang mga gnyn... :D

    TumugonBurahin
  32. nyays...nkakakilabot naman yun...
    takot pa namn ako sa multo..

    TumugonBurahin
  33. wah!! creepy! is it for real?? kung oo, grabe, kakatakot naman yan. first hand experience with engkantos, pero siguro nga its real.. madami din kasing kwentong ganyan sa hometown nina mama.. haiz..

    TumugonBurahin
  34. huli man daw at magaling.. natatakot pa rin!!!

    sana hindi totoo... pero personally.. di pa ako nakaexperience ng ganyan... gusto ko nga minsan.. hehehehe!

    TumugonBurahin
  35. Manakot ba? 12mn pa nman dito sa Saudi. Hmmm...

    Me ganyang kwento rin ang tatay ko. D ko alam kung tinatakot lang nya kami para huwag kaming lumabas ng bahay pag gabi...

    Panonoorin ko this Friday ang T2.

    TumugonBurahin
  36. @Kichiieee
    aheks....sa palagay ko? di ako maplagay... ahehehe...

    @HARI NG SABLAY
    wenks...ahahaha.. ako takot din...pero meron tlaga...yung engkanto lang ang inde ko sure...awwoooo... :)

    @jhosel
    maybe...aheks...jan sa inyo wala b?...awooo...^_^

    @A-Z-E-L
    oki...ahahaha...mmay pag-uwi mo...merong..... psssssst!.... ahahaha...

    @isladenebz
    ahehehe...maganda yun film....pero love story tlaga...aheks...

    TumugonBurahin
  37. Wahahaha sa panahon ngayong parang ang hirap maniwala sa mga ganito pero marami din akong narinig na kwento kahit dito talaga ako sa Maynila. Somehow, naniniwala ako sa mga super natural beings. parang super G. lols!

    TumugonBurahin
  38. nasobrahan sa kape?

    baka nga... kape-pendot. aheks! nu ba yun?!? sowee... nyahaha! :D

    TumugonBurahin
  39. para sa akin di ako naniniwala sa mga katatakutan.. kasi pag kakaalala ko mga espannyol ang nag turo sa ating ng mga aswang tiyanak at iba pa kasi gus2 nila tayo pag laruan nun at hagang ngayon naging kultura na natin ang mga bagay na ito na minsan humahadlang sa ating mga normal na gawin sabuhay

    TumugonBurahin
  40. nag enjoy ako kakabasa dito sa blog mo...will visit you more often...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k...