Matapos matabunan ng ilang pangayayari sa Bayan ni Juan ang kwento tungkol sa RH Bill, muli na naman itong naging isang mainit na usapin. Sa pag-iikot ko sa blogesperyo, pagbabasa ng mga siyap ng mga ibon sa twitter, at pagsigaw ng ilan sa Facebook, kapuna-puna na karamihan sa mga ito ay Pro RH Bill. Nakakatuwa nga lang dahil ang ating Pangulong Aquino ay hindi din ganap na sumusuporta o tumatanggi sa RH Bill. Sabi nga nya, "I’m a Catholic, I’m not promoting it. My position is more aptly called responsible parenthood rather than reproductive health." Eh ano naman ang posisyon ni SuperGulaman? Mga katropa pasenya na pero hindi ako Pro RH Bill pero hindi din ako Anti RH Bill. Hindi ko kasing magawang pumanig sa isa dahil katulad nga ng ating Pangulo, Katoliko din ako at may mga paniniwala, pananamplataya, customs, tradisyon, kultura at iba pang batas na hindi ko din pwedeng ipagsawalang bahala. Narito ang ilang mga posibleng tanong ukol dito, at narito din ang aki...
~Utak gulaman man kung ituring, Superhero naman ang dating!...Super Gulaman!~