Lumaktaw sa pangunahing content

Reproductive Health Bill (Opinyon Ko)

Matapos matabunan ng ilang pangayayari sa Bayan ni Juan ang kwento tungkol sa RH Bill, muli na naman itong naging isang mainit na usapin. Sa pag-iikot ko sa blogesperyo, pagbabasa ng mga siyap ng mga ibon sa twitter, at pagsigaw ng ilan sa Facebook, kapuna-puna na karamihan sa mga ito ay Pro RH Bill.  Nakakatuwa nga lang dahil ang ating Pangulong Aquino ay hindi din ganap na sumusuporta o tumatanggi sa RH Bill.  Sabi nga nya, "I’m a Catholic, I’m not promoting it. My position is more aptly called responsible parenthood rather than reproductive health."

Eh ano naman ang posisyon ni SuperGulaman?  Mga katropa pasenya na pero hindi ako Pro RH Bill pero hindi din ako Anti RH Bill.  Hindi ko kasing magawang pumanig sa isa dahil katulad nga ng ating Pangulo, Katoliko din ako at may mga paniniwala, pananamplataya, customs, tradisyon, kultura at iba pang batas na hindi ko din pwedeng ipagsawalang bahala. Narito ang ilang mga posibleng tanong ukol dito, at narito din ang aking mga sagot sa usapin:

1. Ano nga ba ang RH bill o ang Reproductive Health Bill? 
Ang sabi, "it is a Philippine bill aiming to guarantee universal access to methods and information on birth control and maternal care."  Ayun naman pala eh, "universal access to methods and information on birth control and maternal care". Tapos ang susunod na tanong nyan ay "pero bakit?".  

2. Bakit nga ba natin kailangan ng RH Bill? 
Isa sa pinakamabigat na layunin ay maibsan ang lumalalang kalagayan ng kahirapan sa bansa dahil daw sa patuloy na paglaki ng populasyon. 

3. Yun naman pala eh, eh bakit ayaw ng simbahan dito? 
Kasi nga labag sa kautusan ng simbahan ang "birth control".  

4. Bakit nakikialam ang simbahan sa gobyerno, di ba hiwalay ang mga institusyong ito?
Oo nga, pero hindi ba ang nasasakupan ng gobyerno o 81% - 85% ng mga tao sa Pilipinas ay Katoliko. At isa pa, marami na din kasing Padre Damaso sa bansa kaya wag ka ng magtaka.

5. Makakatulong ba ang RH Bill sa pagbaba ng populasyon?
Sa aking opinyon, HINDI. Bakit? Hindi lang safe sex o contraceptives ang dahilan ng pag-aanak, madaming factors tulad ng immaturity, lust, lack of information about responsible parenthood, etc. etc. At kung nakapaloob din ang mga yan sa RH Bill, hindi pa din bababa ang populasyon. Bakit? Pinoy kasi tayo, bukod sa maparaan, umaayon din tayo sa isang bagay galing sa ilong. Kunyari aayon sa batas, hindi din naman susunod.  Kung yung simpleng karatula nga na "Bawal Tumawid, May Namatay Na Dito!" ay hindi masunod, yun pa kayang usaping pang-kama na walang karatula?

6. Makakatulong ba ang RH Bill sa pagbaba ng kahirapan sa Pilipinas?
Konti lang, Konting-konti lang! Kung iniisip ng karamihan sa atin na ang dahilang ng kahirapan ay ang lumalaking populasyon, pwes nagkakamali kayo! Ok sabihin natin na isa ang populasyon sa dahilan ng kahirapan, pero hindi ito lang. Nandyan ang issue ang langis, kurapsyon sa gobyerno, gahaman na mga kapitalista, pang-aabuso ng ibang bansa, at madami pa, yung iba tanong mo sa Economics Teacher mo. Dapat talaga ang batas ay Anti Poverty Bill, ayan siguradong mawawala ang kahirapan nyan.  Yung tipong bawal ang mahirap sa Pilipinas, kapag mahirap ka, ipapatapon ka sa ibang bansa para magpayaman, kung ayaw mong ipatapon, ipapakasal ka sa mga pangit na prinsesa o prinsepe, at kung ayaw mo pa din ipa-firing squad ka.

7. Eh ano pala ang silbi ng RH Bill?
Hindi ko alam. Pero madami ang posibleng maging resulta nito.  Una, mababawasan na naman ang budget sa edukasyon dahil pambibili yun nga mga condoms at gagamitin sa pagpapalawig at pagpapatupad ng batas na ito. Pangalawa, posibleng magkaroon ng isa na namang anomalya, katulad ng "fertilizer scam", magkakaroon tayo ng "condom scam".  Pangatlo, madaming pulitiko na yayaman dahil sa pakikisawsaw sa pagpapatupad ng RH Bill. Pang-apat, mababawasan ang miyembro ng simbahang katoliko at lilipat na sa ibang relihiyon at isa sa patok na lilipatan ay ang pagiging Muslim. Panglima, patuloy pa din ang paglaki ng populasyon.  At pang-anim, madami pa din ang mahirap sa Pilipinas.

Gusto mo bang matikman ng malasahan? o wag na lang dahil baka malason?

Suhestiyon ni SuperGulaman:
Sa halip na sayangin ang ating mga oras para sa usaping ito, marapat lamang na mas pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pangangailangan sa edukasyon, lumalang problema sa kawalan ng trabaho, mga pangangailangan medikal, patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at gasolina, kurapsyon, problema sa kalikasan, problema sa polusyon, at paggawa ng batas na TUNAY na kapakipakinabang para sa mamamayan.

Malaki ang populasyon ng Tsina, ganun din ang Amerika at Russia pero hindi sila kasing hirap ng India.

(*tunog anti RH Bill pero hindi... kasi Pro Life ako)


[Edit] para po sa naghahanap ng buong kopya ng RH Bill ito po: House Bill No. 4244

Mga Komento

  1. hindi ko nga alam sa kanila bakit nila ito pinag aaksayahan ng oras...hehe..matagalan ng mga mga birthcontrol noon hindi pa nagagawa ang bill na yan..so what's the fuzz? hay naku...tama ka doon sila sa mas pakikinabangan ng mga pilipino. Halimbawa, bigyan ng trabaho ang mga walang trabaho na may pamilya, para matigil sila sa k*k*nt*t sa mga misis nila araw-gabi. at kung magkaanak man, may pangtustos naman..hayy naku..

    TumugonBurahin
  2. at sabi ko nga din sa FB, tulad ng mga mayayaman hindi nalang ako magrereact (hindi ako mayaman) pero kung susuriing mabuti, hindi nag aaksaya ng oras ang mga taong may mas prioridad sa buhay.. mas prioridad nila ang palaguin ang kabuhayan para sa totoong magandang bukas ng kani kanilang pamilya..

    ^^

    TumugonBurahin
  3. tanda ko to'ng sagot mo na tutol ka at hindi tutol kasi dun sa komento mo sa post ko regarding dito noong october 2010, un ang paninindigan mo. ang galing! may isang salita ka talaga superg!

    TumugonBurahin
  4. ako pro ako pero may point ang iyong nabanggit sa itaas. Di naman din kasiguraduhan na bababa ang populasyon kung may rh bill na.

    TumugonBurahin
  5. May point. Hehehe... Noted. Respected. Ako, PRO ako.. Sa nasabi nga ni khantotantra2, hindi kasiguraduhan na bababa ang popolasyon.. pero malay mo nga, bababa at somehow, makatulong rin sa pamilyang pilipino at sa bansa mismo. There are always possibilities..

    When the government does nothing, reklamo tayo.. When it offers a solution, reklamo ulet tayo. Ano ba? I'm saying that maybe we should give this a try.

    Opinyon lang. hehe.. :)

    TumugonBurahin
  6. alam mo parehas tayo ng stand dyan. super nag agree ako s lahat ng sinabi mo. Hindi ako pro and hindi din ako anti. Kaya nga siguro wala akong pakialam dyan. kasi feeling ko nasa tao pa din ang desisyon sa huli kung magpaparami or mag kokontrol at tama ka na hindi lang populasyon ang dahilan ng kahirapan. maaring isa ito pero yung mga nabanggit mo lalo na ang kurapsyon yan ang puno't dulo ng lahat.

    thanks pala sa pag bisita mo sa akin. nakakatuwa makakilala ng mga sensible bloggers. i follow na kita bago ko pa makalimutan. :)

    TumugonBurahin
  7. Isa lang naman ang sagot jan, maging responsable ka sa lahat ng bagay. hindi kailangan ng batas o kung ano pa man, dahil sabi mo nga,subok na ang pinoy pagdating sa batas, walang sinusunod :D

    at hihiram ako ng konting idea, baka sakaling mag post ako ng ganito :D

    TumugonBurahin
  8. @Akoni and BON
    oo nga, kasya tumulad tayo sa mga hunyango. Aaktong pro pero mmya anti na pla. Dapat kasi iniisip ntin kung ano tlaga ang makakabuti sa atin, hindi yung susunod lng tayo dahil sa dami ng taga-suporta...

    @Bino
    ay oo nga...sinabi ko na pala yun.. inde ko na din matandaan... october..ang tagal na nga... :)

    @Khantotantra2 and Leah
    oo nga... hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan... kaso paano ako susubok sa mga pagkakataong na wala din mangyayari...

    sabi ko nga, "Gusto mo bang matikman ng malasahan? o wag na lang dahil baka malason?"

    Yup! ganito tayo..reklamador..sala sa init, sala sa lamig...bakit? hindi kasi natin alam kung ano ang tama para sa atin at ano ang tamang gawin... :)

    @mayen and LordCM
    ahehehe...oo nga.. pwede naman kasi tlagang wala ng batas ukol jan...magign responsable lang tayo oks na dapat yun.. pero yun nga..hindi kaya yung nagsulong nyan ay gusto lng inisin ang simbahan?...wala lang..naisip ko lang... :D

    ahehehe..cge lng lord, idea yan eh...para sa lahat... :)

    TumugonBurahin
  9. Nakakainis pag nasa simbahan minsan kasi ang sermon nila ay tungkol sa RH Bill.

    TumugonBurahin
  10. Nag-drop by mula kay LordCM (dahil na special mention ka niya). Ako Anti-RH Bill. Bakit ako kontra? Dahil itinutulak lang yan para kumita nang malaki ang nagnenegosyo ng pills, IUD at condoms eh.

    Imagine, milyones ng gobyerno ipambibili lang ng lobo...este condoms para ano? Pababain ang populasyon? Eh sabi nga na hindi malulunasan ng RH Bill ang "paglobo" ng populasyon eh. Eh bakit pa ipapasa ang bill na ito kung ganun naman pala. Aksaya lang ito ng pera ah.

    TumugonBurahin
  11. @IAMJOROSS
    wag kang maiinis kasi kahit papano..may koneksyon sa paniniwalanag katoliko... mainis ka na lng kung si justin bieber ang kasama sa sermon...ahahaha... :D

    @♫ Ƹ̵̡Óœ̵̨̄Æ· ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Óœ̵̨̄Æ· ♫
    hindi talaga...ang dami pa kasing pasakalye ng batas na yan...bakit hindi n lng gawin 1 child policy o kaya ng anti poverty law...ayun mga direktang batas yun para sa pagbaba ng populasyon at kahirapan sa bansa..

    @Ishmael Fischer Ahab
    ahehehe..tama yan..kung yung budget nga na ilalaan para jan dapat ilagay na lang sa mas kailangan ng bayan...kung anu ano yun? aba'y sobrang dami kulang space dito... ahahaha.. :D

    TumugonBurahin
  12. magtrabaho sila kung ano-anong pinaguusapan nila walang kawenta-kwenta!

    TumugonBurahin
  13. tulad ng sinabi ni ayu ako din ay pro rh bill........sakaling magtagumpay sa kongreso ang usapin sa rh bill ay baka nga pagtagal ay magkaroon ng tinatawag na condom scam......ang pera na pambili sana sa mga condom ay gamitin sa iba.....parang nakakadiring pakinggan kung sakali mang magkaroon ng condom scam.....

    TumugonBurahin
  14. RH BILL kayo dyan.. e all have different view about this issue. It sucks when church interupting, and making hilarious steps that would made them look stiff and demonic. Where is the representation of GOD?

    Hahai, issues that will never die! Media is making lots of bucks from this.

    TumugonBurahin
  15. @iya_khin
    ahehehe..may poot ah... ahahaha... pero yun nga tignan na lng natin kung anong mangyayari jan... :D

    @Arvin U. de la Peña
    ahahaha... pero hindi malayong mangyari yun... :D

    @tim
    yup oo nga...sana sa pag-post kong ito..yumaman din ako katulad ng mga taga-media... :D

    TumugonBurahin
  16. Hi Boss.

    Ako ho ay Pro-RH Bill, gaya ng paninindigan mo eh, itutuloy na natin ang paninindigang ito, dahil PRO-Life ka, ganun na din 'yon.

    Marami ang magaganda mong puntos at opinyon.

    Ang napansin ko sa ating mga Pilipino, takot tayo sa pagbabago. Pagbabago ng pananaw, ng paniniwala pero lahat tayo nag-iingay, pero mainam na rin kesa sa walang pakialam. :)

    Siguro sa maraming konsiderasyon ay napigilan ang paghahain ng batas na ito dahil diumano ay labingdalawang taon na itong nakasalang. Ilang presidente na ang dumaan.

    Usaping moral ang isa sa pinaka-sensesyonal na bahagi ng batas na ito.

    Moral na iba't iba ang paniniwala ng iba na kung pagtutuanan ng pansin, dapat kung mataas ang moral, nandiyan ang Respeto sa bawat paniniwala at karapatan ng iba.

    Sariling opinyon ko lamang, hindi ako mag-aanak ng hindi ako sigurado kung mapapalaki ko ng maayos at mabibigyan ko ng magandang bukas ang aking anak, kasama na ang panunuri niya sa kaniyang moral, konsensiya at hakbang bilang tao.

    Sa dami na ng Pilipino, tama ka nandiyan na ang mga kurakot, pagtaas ng produkto at bilihin, pero walang silbi ang awa at konsensiya ko sa mga batang naglipana sa lipunan.

    Buhay nga pero buhay na kaiga-igaya ba ito sa ating paningin.

    Salamat may natutunan ako sayo. :) Magandang araw.

    TumugonBurahin
  17. Ang RH Bill ay hindi usapang simbahan. Ito ay usapang BUWIS KO NA GAGAMITIN NYO SA PAMBILI NG KONDOM AT CONTRASEPTIBO DAHIL WALA KAYONG KONTROL SA SARILI NYO!

    Kapag ipinasa ang RH Bill, sasagutin ng pamahalaan ang pagtataguyod at pamamahagi ng condoms at contraceptives ng mfga taong walang control sa pagbembang sa isa't isa. Kaya't ganun na lamang ang pag-lolobby (behind the scenes) ng mga pharma companies tungkol dito sa kongreso at senado.

    Ang problema kase ng mga pharma companies aymay 90% ng mga kababaihan na dapat gumagamit ng contraceptives ay nabibilang sa mababang kita o low income na hindi kayang gumnastos ng may 1000 piso kada buwan para lamang sa contraceptive. Kaya naman para mapataas ang bilang ng mga nabibiling contraceptive ay mahigit ang kanilang pagtutulak na maipasa ang RH BIll upang nang sa ganun ay ang gobyerno ay siyang magbayad ng gastusing contraseptibo. Kapag ipinasa ang RH, nasa batas na ang Goyerno ang sasagot nito. Tuwang tuwa ang mga kompanyang parmasyutiko sa isang industriya na may P132 billion per year na kita. KIta na magmumula sa buwis na ibinabayad ko sa gobyerno!!! Buwis natin na dapat sana ay ginagamit sa paggawa ng tulay, pagtatayo ng bagong ospital, pagpapailaw sa liblib na lugar, pagsawata sa krimen atbp... Wag nyo naman ibili ng contraseptives nila ang buwis na dapat sana'y para sa amin at hind sa kanilang pagpapasarap!!!!


    At hindi lamang yan, ituturo sa mga batang 10 -15 gulang ang paggamit ng kontraseptibo sa iskwelahan. At sila ay bibigyan ng kapangyarihang bumili ng kontraseptibo nang KAHIT WALANG CONSENT NG MAGULANG. May 4 na milyong kataong dagdag pa yan sa bibili ng kontraseptibo. Happy na naman silang mga suppliers ng condoms at contraceptives!!!

    Inuulit ko, hindi ito usaping ispitwal. Usapin ito kung sino ang kikita ng malaki sa nasabing batas!!!! Usapin ito na malaking parte ay ang paggmit ng buwis na ibinabayad ko sa goyerno!!!!

    TumugonBurahin
  18. @J. Kulisap
    aheks...para maliwanag magka-iba po ang PRO Life sa PRO RH at Anti RH...Kapag sinabing pro-life against po tayo sa walang katuturang pagpaslang sa mga sanggol o fetuses. Ibig pong sabihin, hindi po tungkol ang pro-life sa contraceptives, hindi din ito tungkol sa buhay ng mga batang nasa kalye o mga batang iniwan ng magulang ng dahil sa kahirapan etc. Tungkol ang pro-life sa pagpapatuloy ng buhay ng mga bata sa sinapupunan. Sa madaling salita, pro-life is against abortion na sya ding tinututulan pareho ng simbahan at ng gobyerno...

    Tungkol naman sa aspeto ang pagbabago... hindi lang basta takot..kundi nadala na din siguro at kawalan ng tiwala sa mga namumuno at mga namumulitikang nagpapataba lamang ng bulsa...

    Salamat sa pagbisita.. ^_^

    @magtiblogz
    at may naramdaman ko ang hinanakit mo sa walang pakundangang paggasta ng pamahalaan sa mga buwis na inilalaan para sa mga hindi kapakipakinabang na programa... totoo pera ng masang Pilipino ang gagamitin para dito at sa pagpapatupad ng batas na ito, tiyak na din ang pagyaman ng mga manufacturers at distributors ng contraceptives...ang masaklap dun damay dun ang buwis na ibinabayad mo... hay buhay nga naman sa Pinas... :)

    TumugonBurahin
  19. Natuwa ako sa number 5. Pinoy kasi tayo. Gusto ko rin sana mag-copy and paste ng comment dito kaso, masyado akong naaliw sa post mo (nakakatuwa lang yung comment sa itaas ^)
    Natawa naman ako sa number 9, patok na lilipatan ay muslim.
    marami akong natutunan sa'yo (pati na rin sa copy-paste commenter sa taas, peace hehe)

    TumugonBurahin
  20. kung maipasa ang rh bill baka hindi pa mangyari ang condom scam kasi ang lahat baka sa matuwid na daan ang tahakin kasi iyon ang nais ng pangulo.....lagot sila kay leila de lima kung magkakaganun...

    TumugonBurahin
  21. Siguro kahit hindi ko sabihing Pro RH ako eh mararamdaman mo na rin sa sagot ko ang stand ko.. (pasensya na at humaba ang comment ko)

    Natutuwa naman ako dahil hindi katulad ng karamihan hindi ka na kailangang ikadena para sumunod sa batas. Isa kang masunuring mamamayan. Pero paano naman ang karamihan sa atin na kailangang kuryentehen para lang tumawid sa tamang tawiran? Sadya talagang ganito tayong mga Pinoy, sadista. Hindi susunod hanggat hindi nasasaktan…

    Ano nga ba ang stand ng mga Pro-life na kaiba sa mga Anti RH? Ang buhay ba ay natatapos lamang kapag nailuwal ng ina ang sanggol? Hanggang dyan lang ba ang buhay para sa mga Pro-life? Ang maipanganak ang bata at unit-unting patayin dahil sa kahirapan ng buhay, dahil iresponsable ang mga magulang, dahil walang pinag-aralan ang mga magulang, dahil corrupt ang gobyerno?

    Ang RH Bill ay ginawa hindi lang para sayo o para kay Jkulisap, ginawa to para sa buong Pilipinas. Hindi kasi lahat ng tao sa Pilipinas ay katulad ng ideolohiyang meron ka.

    Sabi dun sa link mo HB No. 44 (RH Bill) shall be known as the “Responsible Parenthood, Reproductive Health, Population and Dev’t Act of 2011”. Siguro para sayo hindi na ito mahalaga pero para sa mga taong naghihikahos na may labing 13 anak na mas pipiliing ibili ng gatas ang 100 piso kesa bumili ng condom importante ito. Nagagalit ang iba dahil pakiramdam nila sa tax nila kukunin ang pambili ng condom. Well tama naman sila dun, sa tax nga natin. Pero wa din nating kalimutan na kahit ang mga mahihirap na nakatira sa gilid ng tren eh nagbabayad din ng tax “indirect” nga lang. Sa tuwing bibili sila ng mentos o kaya ng maxx honey-mansi sa tindahan, nagbabayad din sila ng buwis sa gobyerno dahil ang mga yun ay may buwis din. Kaya hindi lang sa tax mo kukunin ang pambili ng condom kundi sa tax ng buong bayan. Hindi lang ito basta bibigyan ka ng condom at pills, kundi pagtuturo kung kailan at paano gagamitin ang mga ito.

    Nu’ng grade 3 ako kasama sa likas yaman ng bansa ang yamang tao, kaya lang umabot na sa sukdulan ang yamang tao ng Pilipinas. Katulad ng gripo na banayad na umaagos, kapag nasira ba ang gripo at lumakas ang tulo dadagdagan mo pa ng tubig para tumigil?

    Palagay ko hindi usapin kung 101% ba ng Pilipino ay Katoliko o anumang relihiyon, dahil katulad ng simbahan, may pananagutan at tungkulin din ang gobyerno sa mamamayan. Ang tanong ano nga ba talaga ang tungkulin ng simbahan sa ating mga Pilipino? Bakit nga ba tila gigil na gigil ang mga Obispo sa RH Bill, hindi ba sila nababahala sa dumaraming fetuses na iniiwan sa mga simbahan? Maliwanag naman siguro sa RH Bill na ang “abortion” ay illegal at dapat managot sa batas ang lalabag dito. Hindi rin ako naniniwala na abortion ang RH Bill, sabi nga “prevention is better than cure”.

    Hindi na kita masisisi kung wala ka nang tiwala sa gobyerno, maski naman ako nagngingitngit na dahil sa mga katiwalian. Pero paano na nga ba susulong ang bansa kung habangbuhay tayong mabubuhay sa nakaraan? Naniniwala din ako na hindi lang RH Bill ang solusyon sa problema ng bansa, pero isa ito sa mga paraan bukod sa pagkakaisa para sa iisang layunin, ang makitang maunlad ang bansa. Katulad lang din ng ibang batas, kailangan ng kooperasyon ng mamamayan.

    RH Bill = freedom of choice + responsible parenthood (opinion ko lang)

    TumugonBurahin
  22. @ runmdrun
    Salamat din sa pagpasyal… pero tama nga may punto talaga si magtiblogz…:)

    @Arvin U. de la Peña
    Ikaw na din ang may sabi na “baka”. Kaya hindi malayo di ba? Tignan natin yang matuwid na daan na yan, sana nga lang hindi bahain ang daan.:)

    TumugonBurahin
  23. @ bebejho!
    Una sa lahat nais kitang pasalamatan sa pagbibigay oras at pansin sa talakayan sa pahinang ito. Nagagalak akong iyong ibinahagi ang opinyon ukol dito. Maraming salamat sa matalinong pagpapahayag. Isa po itong obra.

    Natutuwa naman ako dahil hindi katulad ng karamihan hindi ka na kailangang ikadena para sumunod sa batas. Isa kang masunuring mamamayan. Pero paano naman ang karamihan sa atin na kailangang kuryentehen para lang tumawid sa tamang tawiran? Sadya talagang ganito tayong mga Pinoy, sadista. Hindi susunod hanggat hindi nasasaktan…

    ***Ganyan ang Pinoy hindi ba, may katigasan talaga ang ulo. Kaya nga paano magiging epektibo ang RH Bill kung malabo itong sundin ng mamamayan? Kung titignan naman sa parusa/penalties na nakasaad sa RH Bill kung hindi ako nagkakamali Sec. 29 ng bill yun, isa hanggang 6 na buwan lang ang kulong o multa na 10,000 to 50,000 pesos na masyado ding magaan sa kadahilanang ang prone sa paglabag ay employers, healthcare practitioner at government officials na magpapatupad nito (see section 28, prohibited acts). Pero kung sa mga simpleng tao na lalabag tamang tama lang ito. Halimbawa, yung isang government official, hindi sya nagbigay ng serbisyo medical na nakaayon sa batas, but instead binenta nya ang mga contraceptives o pinagkakitaan nya ito, ibig sabihin ang multa nya lang is 50,000 maximum kapalit nung milyun-milyun kita mula sa nakulimbat nya? Well, iba din ang usapan dun sa criminal at civil liability nun pero magaan pa din.

    TumugonBurahin
  24. Ano nga ba ang stand ng mga Pro-life na kaiba sa mga Anti RH? Ang buhay ba ay natatapos lamang kapag nailuwal ng ina ang sanggol? Hanggang dyan lang ba ang buhay para sa mga Pro-life? Ang maipanganak ang bata at unit-unting patayin dahil sa kahirapan ng buhay, dahil iresponsable ang mga magulang, dahil walang pinag-aralan ang mga magulang, dahil corrupt ang gobyerno?

    Sabi dun sa link mo HB No. 44 (RH Bill) shall be known as the “Responsible Parenthood, Reproductive Health, Population and Dev’t Act of 2011”. Siguro para sayo hindi na ito mahalaga pero para sa mga taong naghihikahos na may labing 13 anak na mas pipiliing ibili ng gatas ang 100 piso kesa bumili ng condom importante ito. Nagagalit ang iba dahil pakiramdam nila sa tax nila kukunin ang pambili ng condom. Well tama naman sila dun, sa tax nga natin. Pero wa din nating kalimutan na kahit ang mga mahihirap na nakatira sa gilid ng tren eh nagbabayad din ng tax “indirect” nga lang. Sa tuwing bibili sila ng mentos o kaya ng maxx honey-mansi sa tindahan, nagbabayad din sila ng buwis sa gobyerno dahil ang mga yun ay may buwis din. Kaya hindi lang sa tax mo kukunin ang pambili ng condom kundi sa tax ng buong bayan. Hindi lang ito basta bibigyan ka ng condom at pills, kundi pagtuturo kung kailan at paano gagamitin ang mga ito.



    ***Magkaiba ang Pro-Life sa Anti-RH. Isa sa pagkakaiba ay ang tahasang pagsuporta ng pro-life against abortion. Pangalawa ay naniniwala kami sa kahalagahan ng buhay. Pangatlo, hindi issue political ang priordad ng prolife kundi moralidad. Pang-apat, hindi katulad ng Anti-RH na tinutulan ang RH Bill sa kadahilanang gastos lamang ito, ang Pro-life ay against sa contraception. Bakit? Alam natin na ang buhay natin ay nagmumula sa conception. Pero ang Diyos na naghahari sa tao ay hindi nagmula sa conception. It begins in eternity. Sabi nga sa Eph.1:4 "God chose us in Him before the world began". Kilala na nya tayo bago pa man tayo mabuo sa sinapupunan. Nandito tayong lahat dahil tayo ang kanyang pinili. Ang desisyon ng tao na nagpipigil sa conception ay paglabag sa kagustuhan ng Diyos para sa atin. Sabi nga, contraception distorts the meaning of human sexuality. Tama ka na ang buhay ay hindi lamang natatapos sa pagluwal ng ina sa sanggol pero sa kahit na anong dahil dapat pa din itong iluwal at hindi pigilan. Hindi kasalanan ng mga batang ito na maipanganak kahit pa sabihin na naghihirap na ang buong Pilipinas o kahit na walang pinag-aralan ang mga magulang, o kahit na corrupt ang gobyerno.

    ***Sa kabilang banda, mahalaga pa din sa akin ang usaping ito. Nagdaan din ako sa hirap (*kahit ngayon mahirap pa din ako kahit mag-isa ako*), 6 kaming magkakapatid, naranasan kong magutom katulad ng mga mahihirap na nakatira sa gilid ng tren na sinasabi mo, pero kahit kailan hindi ko sinisi ang mga magulang ko sa pagkakaroon ng 6 na anak. Totoo, hindi lang ito basta bibigyan ka ng condom at pills, kundi pagtuturo kung kailan at paano gagamitin ang mga ito. Pero kung susuriin tayo pa din ang magdesisyon, paano nga kung tinuruan mo ako kung kailan at paano gagamitin ang mga ito pero hindi ko naman gagamitin.

    TumugonBurahin
  25. Nu’ng grade 3 ako kasama sa likas yaman ng bansa ang yamang tao, kaya lang umabot na sa sukdulan ang yamang tao ng Pilipinas. Katulad ng gripo na banayad na umaagos, kapag nasira ba ang gripo at lumakas ang tulo dadagdagan mo pa ng tubig para tumigil?

    ***Wala pa sa sukdulan ang yamang tao ng Pilipinas, kung nasa sukdulan tayo hindi tayo magkukulang ng guro, duktor at bukod pa dun ang mga walang trabaho. Hindi sobra ang yamang tao ng Pilipinas kundi kulang sa pagkakataong maging “yamang tao” ng bansa. Hindi kaya ang batas para sa trabaho ang dapat pagtuunan ng pansin hindi ang RH?

    Palagay ko hindi usapin kung 101% ba ng Pilipino ay Katoliko o anumang relihiyon, dahil katulad ng simbahan, may pananagutan at tungkulin din ang gobyerno sa mamamayan. Ang tanong ano nga ba talaga ang tungkulin ng simbahan sa ating mga Pilipino? Bakit nga ba tila gigil na gigil ang mga Obispo sa RH Bill, hindi ba sila nababahala sa dumaraming fetuses na iniiwan sa mga simbahan? Maliwanag naman siguro sa RH Bill na ang “abortion” ay illegal at dapat managot sa batas ang lalabag dito. Hindi rin ako naniniwala na abortion ang RH Bill, sabi nga “prevention is better than cure”.

    ***yup, tama parehong against abortion ang lahat, pero katulad ng lagi kong sinasabi “may mga paniniwala, pananamplataya, customs, tradisyon, kultura at iba pang batas na hindi ko din pwedeng ipagsawalang bahala.” At ganun din ang paniniwala ng simbahan, sacred ang reproduction kaya tinutuligsa nito ang contraception at kung katoliko ka, alam mo din yan. Alam din kasi ng simbahan na hindi safe sex o contraceptives ang solusyon sa abortion. Alam mo kung ano? “Takot sa Diyos”.

    Hindi na kita masisisi kung wala ka nang tiwala sa gobyerno, maski naman ako nagngingitngit na dahil sa mga katiwalian. Pero paano na nga ba susulong ang bansa kung habangbuhay tayong mabubuhay sa nakaraan? Naniniwala din ako na hindi lang RH Bill ang solusyon sa problema ng bansa, pero isa ito sa mga paraan bukod sa pagkakaisa para sa iisang layunin, ang makitang maunlad ang bansa. Katulad lang din ng ibang batas, kailangan ng kooperasyon ng mamamayan.

    RH Bill = freedom of choice + responsible parenthood (opinion ko lang)


    ***Gusto-gusto ko itong sinabi mo. Nadala na din kasi ako, tayo sa paniniwala sa mga pulitiko. Pero magkagayunman, nakahanda naman akong makinig sa panig ng bawat isa at maniwala na may kahihinatnan din ang lahat.

    Salamat muli. :)

    TumugonBurahin
  26. ako ulit.. last na 'to :)

    una, gusto ko munang buuin ung talatang ibinigay mo sa itaas.. Ephesians 1:4 "For He chose us in Him before the creation of the world to be holy and blameless in His sight." Ito ay "encouraging letter" ni Paul para sa mananampalataya na taga Efeso na ang konteksto ay upang hikayatin sila na magpatuloy sa kanilang pananampalataya, maging banal at kapuri-puri sa harap ng Diyos dahil tayo ay Kanyang pinili upang maglingkod at magbigay papuri sa Kanya at nde sa konsepto ng "conception". Pwede mo ring basahin ang 1 Cor 7:2-5. Sinabi ng Bibliya na "be fruitful and multiply... fill the earth and subdue it." Kaakibat ng pagpaparami ay ang responsibilidad na pangalagaan at kontrolin ang mga ito. (maaari nating pag usapan ang Bibliya sa ibang pagkakataon..)

    Ano ba ang depinisyon mo ng moralidad? Medyo nalito kasi ako. Moral ang nanay na nagluwal ng sanggol at basta iwan ito sa kalye at imoral ang nanay na gumagamit ng pills para hindi muna masundan ang 8-buwang anak para higit na matugunan ang pangangailangan nya? Moral ang nanay na nagluwal ng sanggol at hayaang maging adik ang anak dahil sa kakulangan sa tamang kaalaman tungkol sa pagpapamilya, at imoral ang mga magulang na gumagamit ng contraceptives dahil nagkasundo silang mag-asawa na 2 lang ang anak? Moral si Gloria dahil hindi sya gumagamit ng pills pero sandamakmak ang kinorap nya at imoral si Pnoy dahil suportado nya ang RH Bill? Paano na ang mga Muslim? Imoral silang lahat?

    Ang RH Bill ay hindi lang naman tungkol sa condoms at pills, nagbibigay din ito ng assistance para sa mga mag-asawa at mag-aasawa para mas maunawaan ang responsableng pananagutan sa pamilya at magiging anak. Hindi rin sya basta pipigilan mag-anak kundi tuturuan ang bawat mag-asawa ng tamang spacing ng pag-aanak para mas mabigyan ng mas komportableng buhay ang bawat anak.

    Congrats sa mga magulang mo na napalaki kayo ng maayos kahit medyo malaki ang pamilya nyo, pero paano yung mga magulang na hindi kasing responsable ng magulang mo? Sila ang higit na nangangailangan ng batas na ito, dahil sila ang kulang sa edukasyon at kaalaman. Maging mangmang man sila sa theoretical knowledge na ino-offer ng formal school, maabot man lang sila ng gobyerno sa tama at responsableng pagpapamilya. Kailangan ng batas para maobliga ang mga local na pamahalaan na magkaron ng malasakit sa mga mahihirap na lalong naghihirap dahil sa dami ng anak.

    TumugonBurahin
  27. @bebejho
    Oks lang kahit hindi pa last..natutuwa din naman ako. salamat.

    una, gusto ko munang buuin ung talatang ibinigay mo sa itaas.. Ephesians 1:4 "For He chose us in Him before the creation of the world to be holy and blameless in His sight." Ito ay "encouraging letter" ni Paul para sa mananampalataya na taga Efeso na ang konteksto ay upang hikayatin sila na magpatuloy sa kanilang pananampalataya, maging banal at kapuri-puri sa harap ng Diyos dahil tayo ay Kanyang pinili upang maglingkod at magbigay papuri sa Kanya at nde sa konsepto ng "conception". Pwede mo ring basahin ang 1 Cor 7:2-5. Sinabi ng Bibliya na "be fruitful and multiply... fill the earth and subdue it." Kaakibat ng pagpaparami ay ang responsibilidad na pangalagaan at kontrolin ang mga ito. (maaari nating pag usapan ang Bibliya sa ibang pagkakataon..)


    ***Yup. Tama nabasa ko din yan. May mga prebiliheyong binigay sa atin ngunit may kaakibat din itong responsibilidad. Sa katunayan, naniniwala din ako na ang konseptong “be fruitful and multiply” ay hindi isang utos. Para sa akin, isa itong “blessing” na parang nagpaalam tayo sa ating mga magulang na “Inay, aalis na ako.” Tapos ang sabi ng ating nanay ay “Sige, mag-iingat kayo” . Para din sa akin ang bibliya at ang nilalaman nito ay hindi dapat pinagtatalunan ngunit maaari naman din itong pag-usapan. Bible is sacred. Para sa akin, ang bible ay hindi tungkol sa batas ng simbahan o ng kung anu man, hindi din ito tungkol sa nakaraan o history. Ang bible para sa akin ay “gift” . Isang biyaya mula sa langit na nagsisilbing gabay sa atin. Isang gabay na nakedepende sa atin ang interpretasyon. Kaya diba marami na din relihiyon o mga sekta na ginagamit ang kani-kanilang interpretasyon sa mga sinasabi ng bibliya at wala pa din dyan ang Koran ng Muslim, Pasugo ng Iglesia, etc etc. Katulad ng sinabi ko, naniniwala din ako na sacred dapat ang “conception” kung kaya ang paggamit ng contraceptives violates the sacredness of conception. Kaya nga “contra”-ception kasi against conception. Pero kung hindi natin alam ang kahalagahan at sacredness ng conception madali na para sa atin i-consider ang paggamit ng contraceptives na parang pumasok tayo sa sagradong tabernakulo at nagtinda ng daing at tuyo. Kung baga parang binastos natin ang sagradong bagay para sa simbahan kaya hindi na din nakakapagtaka kung bakit gigil na gigil ang simbahan sa pagkontra sa RH Bill.

    TumugonBurahin
  28. @bebejho
    Ano ba ang depinisyon mo ng moralidad? Medyo nalito kasi ako. Moral ang nanay na nagluwal ng sanggol at basta iwan ito sa kalye at imoral ang nanay na gumagamit ng pills para hindi muna masundan ang 8-buwang anak para higit na matugunan ang pangangailangan nya? Moral ang nanay na nagluwal ng sanggol at hayaang maging adik ang anak dahil sa kakulangan sa tamang kaalaman tungkol sa pagpapamilya, at imoral ang mga magulang na gumagamit ng contraceptives dahil nagkasundo silang mag-asawa na 2 lang ang anak? Moral si Gloria dahil hindi sya gumagamit ng pills pero sandamakmak ang kinorap nya at imoral si Pnoy dahil suportado nya ang RH Bill? Paano na ang mga Muslim? Imoral silang lahat?

    ***Alam kong alam mo din ang depenisyon nyan. Naisulat mo nga eh, alisin lang natin ang conjunctions. Moral ang nanay na nagluwal ng sanggol (moral ito!) at basta iwan ito sa kalye (immoral) at imoral ang nanay na gumagamit ng pills para hindi muna masundan ang 8-buwang anak (immoral at least para sa opinion ko) para higit na matugunan ang pangangailangan nya (moral). Ayun may distinction na. Magaganda yang mga sample na yan pero ang totoo nyan ang mga samples na yan ay hindi patungkol sa moral at immoral, it is more on what is right and not right. Hindi porke’t tama ang isang bagay moral na iyon. Para sa iyo, maaaring tama, ang nanay na gumagamit ng pills para hindi muna masundan ang 8-buwang anak , pero hindi yun nangangahulugan na moral ito. Ang sabi ko, “what is right and not right” at hindi ko sinabing “what is right and wrong” . Hindi porket not right ay wrong o kung hindi tama ay mali na agad. Kasi posibleng yung hindi tama ay baka maging medyo tama, muntikang maging tama, o kaya naman magiging tama. Walang duality premise sa totoong buhay marami kasi tayong options.

    TumugonBurahin
  29. @bebejho
    Ang RH Bill ay hindi lang naman tungkol sa condoms at pills, nagbibigay din ito ng assistance para sa mga mag-asawa at mag-aasawa para mas maunawaan ang responsableng pananagutan sa pamilya at magiging anak. Hindi rin sya basta pipigilan mag-anak kundi tuturuan ang bawat mag-asawa ng tamang spacing ng pag-aanak para mas mabigyan ng mas komportableng buhay ang bawat anak.

    ***tama din na sabihin na ang RH Bill ay hindi lang naman tungkol sa condoms at pills, nagbibigay din ito ng assistance para sa mga mag-asawa at mag-aasawa para mas maunawaan ang responsableng pananagutan sa pamilya at magiging anak. pero kung ating susuriin, nasa “bill of rights” na natin ang nakapaloob sa RH maliban sa usaping contraceptives. Responsible parenting? Nakasaad na yun sa ating educational system policies.. ang kulang lang siguro ay pangil sa pagtuturo ng tamang pagpapamilya, so anong solusyon ang nakikita ko? Dagdag na education budget at maayos na educational system. Naniniwala nga din ako na mas solusyon pa ang pagbibigay ng trabaho sa mga tao upang bumaba ang populasyon. Bakit? Kung may trabaho ang isang tao ilang oras ba sya sa trabaho? 6-8hrs di ba? Pag-uwi nyan, mag-hahanap ba yan ng sex? (depende) pero kadalasan magpapahinga na lng yan di ba. Ibig sabihin less risk yun sa pregnancy.

    ***Para sa akin ang win-win solution, ayusin ang gobyerno ang usapin sa kawalan ng trabaho ng pinoy, pagtibayin ang educational system, yung iba nasabi ko na pla sa blog entry kong ito…aheks…:D

    Salamat po sa napakagandang talakayan…:)

    TumugonBurahin
  30. hehe.. sa ngayon isa lang ang malinaw, nde ka pro-life anti RH ka.. :)

    nice to be here.. ciao!

    TumugonBurahin
  31. @bebejho
    pro-life ako... pero pwede mo ding sabihin na anti-RH... or pwede ding sabihin Pro RH or pwede din sabihin na NOT anti RH o kaya din naman NOT Pro RH. ^_^

    salamat sa pagpunta dito..kilala ka pla ng kapatid ko... :D

    TumugonBurahin
  32. ay nagbasa.
    naaliw.

    at masnaaliw sa napakahabang mga komento.

    TumugonBurahin
  33. @Kosa
    ahehehe..oo nga nakakaaliw ang mga komento, lalo na ang kay bebejho..bongga... :D

    TumugonBurahin
  34. Karapat-dapat kang i-clap clap. *palakpak* Ang galing ng opinyon niyo kuya. Nagustuhan ko. Mas lalo pa akong naliwanagan sa usaping RH Bill. Thank you talaga.

    PS: Nakatulong ka po sa report ko. TY :))

    TumugonBurahin
  35. @rina1323
    salamat din sa iyong pagpasyal sa simpleng blog kong ito...nawa'y marami pa kogn kabataan matulungan...salamat... :)

    TumugonBurahin
  36. .. nice.. BRABO... TAMANG-TAMA.. YAN ANG OPINYON NA HINAHANAP KO.. ..may malawak na isipan.. Thanks for sharing your Knowledge...

    TumugonBurahin
  37. ... ako anti ako.. ang dami ng problema ng bansa tapos un ang uunahin nila..

    TumugonBurahin
  38. I was not happy until i met Dr.Agbazara through these details +2348104102662 OR agbazara@gmail.com because my husband has left me and never had the intention of coming back home. But just within 48 hours that i contacted Dr. Agbazara my marriage changed to the positive side, At first my husband came back home and since then my marriage has been more peaceful and romantic than ever before

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...