Lumaktaw sa pangunahing content

Ulam at Kanin

Ulam. Kung Pilipino ka, alam mo na siguro kung ano ang ulam. Oo, tama ka! Isa sa tatak Pinoy ang pagkain ng ulam kaya nga hanggang sa ngayon hindi ko pa din alam ang katugmang salitang Ingles nito. Viand? Main Course? Main Dish? Hindi ko talaga alam. Naalala ko tuloy yung sinabi ng uhugin kong kalaro noon tungkol sa Ingles ng ulam. Ang sabi nya "RAIM" daw ang Ingles nun. Oo nga naman, kung ang Ingles ng ulan ay rain dapat lang daw na ang Ingles ng ulam ay raim. Ayus di ba? Pero kung ating mapupuna, wala daw talagang salitang Ingles ang ulam. Hindi ko nga lang sigurado kung may naimbento ng salitang Ingles para dito.

Sa aking palagay, ang ulam ay para sa atin-atin lang. Para sa ating mga Pinoy, bilang kapareha ng ating walang kamatayan at espesyal na kanin. Walang katumbas na Ingles ang ulam sa parehong paraan na walang katumbas na tagalog ang  Hamburger, Spaghetti, Pizza at iba pa ayon na din sa likas na paraan ng pagkain at kultura ng mga dayuhan.

Ang pagkain ng ulam at kanin ay isang tatak Pilipino.  Hindi tayo kumakain ng ulam lang at walang kanin, o di kaya kanin lang at walang ulam.  Ganyan ang Pinoy, kahit na alam natin ang sarap ng Hamburger, Spaghetti, Pizza at ng kung ano-ano pa, bilang isang Pilipino hindi mo pa rin maiiwasan ang sarap ng pagkain ng kanin at ulam.  

(Sa telepono...)
WonderG: Yet, kumain ka na ba?
SuperG: Katatapos lang din, flakes at tuna lang kinain ko, walang luto sa karinderya, Holy Week kasi.
WonderG: Ah! Kala ko diet ka, sasaktan na kita eh. Ako kahit nandito ako, hindi pwede sa akin na hindi ako kumain ng kanin.

Ang sabi nga ni Mikey Bustos (*search mo sya sa youtube, Filipino Dining Tutorial ata yun*), ang mga Pilipino ay Rice-ivores. Hindi tayo kakain ng main dish ng walang rice.Kanin sa umaga, tanghalian at sa hapunan. Kanin since birth.

Sabi nga niya,“I eat everything with rice. A Filipino household without a rice cooker is like Bruno without Mars! It’s just the way we are.”

Tama hindi ba? Kung hindi ka pa nakatikim ng kanin, aba Pilipino ka nga ba?  Sabihin na natin na hindi nga sukatan ng pagiging Pilipino ang pagkain ng kanin, pero sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakakilala ng Pilipinong hindi pa nakakatikim ng kanin. 

Ano nga ba ang lasa ng kanin? Depende siguro kung saan galing at paraan ng pagkakaluto.  Pihikan ako pag dating sa kanin. Una sa lahat ayaw ko ng kanin mula sa NFA (kung bakit, akin na lamang yun), ayaw ko din ng kanin na sunog, at kanin na basa (sana lugaw na lang binigay mo) at higit sa lahat ayaw ko ng kaning hilaw, hindi ako manok para kumain ng bigas. Kaya noong nasa bahay pa ako kasama ang nanay at mga kapatid ko (*mag-isa na kasi ako ngayon dito sa bahay namin ni WonderG), hinding-hindi talaga ako hinahainan ng nanay ko ng kanin na mula sa NFA kahit mamulubi pa kami at sinisigurado nya na maganda ang pagkakaluto nito. Sakto para sa mala-sawa kong bituka.  Ngayon mag-isa ako dito, swabe din akong magsaing, kahit nakapikit alam ko ang tantsa ng tubig at lakas ng apoy para hindi mahilaw ang pagkaluto. Hindi ako gumagamit ng electric rice cooker dahil sa napakarami kong dahilan.

Pero katulad ng ulam, ano nga ba ang Ingles ng kanin? Rice? Eh, ingles yun ng bigas. Cooked rice? Eh, paano yung fried rice, hilaw ba yun? Wag kang magtaka, Pinoy kasi.

Totoo, ang kanin at ulam ay tunay na tatak Pilipino. Na sa kabila ng mga impluwensya ng iba't ibang dayuhan, ito ang kulturang hindi nila kayang baguhin sa atin.  Hindi kayang nakawin pero pwede din nilang gayahin.  

Masarap kumain.

Anong ulam mo? Tara kain na tayo. Kamayan.




Mga Komento

  1. tama. hindi ka Noypi kung hindi ka mahilig kumain ng kanin at ulam =) dinner time..

    TumugonBurahin
  2. ["A Filipino household without a rice cooker is like Bruno without Mars! It\xe2\x80\x99s just the way we are.\xe2\x80\x9d totoo nga to hehehe. bagamat hindi ako marunong magsaing gamit ang rice cooker. malakas ako'ng kumain ng kanin. 3 rice sa isang harapan pero di na ko kumakain ng kanin sa hapunan. hehehehe. kultura na ng mga Pinoy ang kanin at ulam sa parehong paraan na bread naman sa mga kano. hehehehe. Ulam ko ngayon? Monggo at galunggong. kain tayo! "]

    TumugonBurahin
  3. tomo. pinoy ka pag kanin at ulam ang kinakain mo sa almusal, tanghalian, hapunan, merienda at midnight snack. ahahaha

    TumugonBurahin
  4. mas masarap ngang kumain nang nagkakamay. mas madali maghimay at hindi ka napipigilan ng table manners mula sa dayuhang bansa. tara superg, budol fight!

    - kulafu ng kabulastugan

    TumugonBurahin
  5. ang sarap ng pagkain.. ulam namin ngyn? hmmmmm.. prito..

    TumugonBurahin
  6. nagutom tuloy ako! lolzz mas masarap kumain kapag maraming kanin, yan ang pinoy! :D

    TumugonBurahin
  7. Ganyan talaga taoyo mga Noypi... kahit alam natin na halimbawa, Spaghetti ay carbo ay pilit parin tayo sa pakikipares nito ng rice...haha.. rice-tarian haha

    TumugonBurahin
  8. rica talaga ng the best kasi kinamulatan na natin yan..hehehe

    ano ulam mo ngayung gabi?

    TumugonBurahin
  9. @Bino
    naks no rice sa hapunan...ayuz yan...effective din yan pampapayat samahan mo ng exercise sa umaga... :)

    @khantotantra
    ahahaha..at may midnight snack pa tlaga... ako inde na makakain ng ganun...mga 8 or 7 tulog na kasi ako... ahahaha...:D

    @kulafu
    ayuz budol-budol gang ang dating... ahahaha..cge tara..itadakimasu! ^_^

    @mommy-razz
    ahehehe...prito? pritong manok, baboy, isda? o pritong kapitbahay... ahahaha... ayuz yan..pinakamadali..pinakamabilis na ulam.. :)

    @LordCM
    yup...wala nmn lasa..pero mabenta... :D

    @IAMJOROSS
    rice at spag?...hindi ko pa na-try yun ah... ahahaha..pancitbihon at rice yun pa lang ang na try ko...mmmmhhh..ayuz sa trip ah... :)

    @~ JaY RuLEZ ~
    kapag gabi..pangat na yung ulam ko... pangatlong init... ahahaha... mag-isa lang kasi ako dito...masisira ang fud kapag nagluto ako ng madami... :)

    TumugonBurahin
  10. totoo yan... parang ang hirap kapag walang ulam o kanin na magkapareha. parang di bale na lang wag kumain pag ganun.

    naalala ko sabi ni nanay. di talaga mananalo ang mga Mexican kay Pacquiao. pagkain pa lang daw mas matatag na ang katawan ni Manny. eh di ba pinapakain pa ni Mommy Dionisia ng ulam na may toyo. hehehe

    mabuhay!

    TumugonBurahin
  11. hi, ganda ng post na ito.

    btw, ms. freelancer here, your new follower. =)

    http://jesusandmsfreelancer.blogspot.com

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...