Lumaktaw sa pangunahing content

aswan (bilang isa)

Matapos ang libong araw ng paghihintay, muli... nakapiling na kita. Maramdamang muli ang sarap at gaan ng buhay sa iyong piling.  Sabihin nating hindi naging madali ang paghihintay ng halos pitong taon. Na sa kabila ng matyaga at sakripisyong ibinahagi nakuha pa kitang labis na saktan. Saktan sa paraang kahit ang sarili ko'y hindi makapaniwala at hindi maintindihan. Mahal kita pero anong ginawa ko? Dahil ba yun sa labis na pananabik sa iyo? Na sa paglipas ng pitong taon ay lagi kong hinahanap ang presensya mo? Na lahat ng masasayang sandali sa piling mo ang syang hanap ng puso ko? Na dahil sa pangungulila ay hindi ko namalayang sinaktan na pala kita...sobra sobra.  Hindi ko alam kung paano ko pagbabayaran ang mga kasalanang nagawa at kahit alam kong pinatawad mo na ako...alam kong hindi iyon madaling malimutan. Gusto kong sisihin ang sarili ko at wala ng iba. Ang gusto ko lamang ay mahalin ka at tanging ikaw lamang...habangbuhay.

Ilang araw mula ng ikaw ay nagbalik, hindi naging madali sa atin ang pagharap sa katotohanan, pero pinatunayan ng iyong wagas na pag-ibig na kaya natin itong lampasan at ilan pang pagsubok na ating pagdadaanan. Pagsubok na ating susuungin at ligayang ating pagsasaluhan ngayong tayo'y iisa na. 

Ang sarap ng umaga. Na sa twing imumulat ko ang ang mata, ikaw ang aking nakikita.  Isang masarap na halik at magandang umagang pagbati na higit pa sa katumbas ng pinakamasarap na kape sa umaga. Totoo hindi ko magawang tumbasan ang pagmamahal mo, pero hayaan mo akong mahalin ka sa paraang alam ko at kaya ko.  Hayaan mong patunayan ko na karapat-dapat ako sa pag-ibig mo.  Hindi ako nangangako sa kadahilang ayaw ko ng sumira ng pangako. Gagawin ko ito hindi lang dahil para sa pangako..kundi dahil sa tunay na pintig ng puso...kundi dahil sa pagmamahal ko sa iyo.

At ngayon ngang ikaw ay pagbabalik hindi ko na hahayaan pang lumayo ulit sa iyong piling ng libong araw.  Hindi ko na hahayaan masaktan muli. Mananatili na ako sa tabi mo kahit saan mang dako ng mundo.  Mananatili akong stalker iyong buhay tulad ng ating unang pagtatagpo.

I love u so much Mrs. Mary Grace A. Madali

Ok. Game na!

[P.S. Kasalukuyang nakabakasyon pa din kami dito sa Bohol.  Panadaliaan tumigil sa Nueva Ecija, Umikot ng bahagya sa Cebu at uuwi din sa Rizal. Nakakapagod na paggala pero walang katulad na kasiyahan..hindi maipagpapalit at mabibili..peksman!]




Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...