Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2011

surprise...

current local time...6:05PM... bulaga! alam ko gabi na.. pero bakit ganun, nagsisimula pa lng gumising ang mga tao patungo sa kanilang mga trabaho... mukmok muna ako ulet sa kwarto...wala pa ang grasya..hintay pa ng alas-dyes para sa pagdating nya...alas-dyes dyan pa lng kami gagala...kakaiba talaga...hindi ko na din matantsa kung anong oras ang almusal, tanghalian at hapunan...ang sabi lang nya..basta magutom ka, kain lang daw...sa pagligo naman, kung dati rati nagpapa-init ka ng tubig panlaban sa lamig ng panahon...ngayon, maghihitay kang lumamig ang tubig dahil sa labis na init ng paligid...hindi din uso ang puyatan dahil normal lang daw ang gising sa gabi at tulog sa umaga...ang orasan ay ginagamit sa pagtatakda ng iyong pasok sa trabaho hindi para malaman kung umaga na o gabi pa... hindi na din totoo ang kasabihang "the early bird catches the early worms"...kasi nga "the intelligent bird catches the worm at the right time"... sa totoo lang..inaasahan ko na it...

Dupe: Tara Lakad Tayo

Ito ang pinoy, lakad dito, lakad doon.  Lakad ng lakad kasama ang pinakamamahal nyang tsinelas. Kaya nga, "Mang Kulas, Pabili ngang tsinelasMang kulas,  Pudpod na't gasgas, Baka mapigtas tong luma kong tsinelas Tong luma kong tsinelas" -Yano Hirap ka na ba sa kaaayos ng madaling mapigtas na tsinelas? Takot ka na bang madulas dahil sa iyong lumang tsinelas? Sawa ka na ba sa mahal-pero-hindi-katibayan na tsinelas? Pwes, narito na ang tsinelas na papatok sa iyong panlasa...Ang Dupe. Gawang Brazil pero pinoy ang timpla.  Imported pero hindi mahal. Maganda at matibay na swak pa sa iyong porma. Kailan nga ba tayo unang gumamit ng tsinelas? Ummmh...siguro hindi pa tayo natututong magbilang at magbasa, alam na natin kung paano ang paggamit ng tsinelas.  Sanggol pa lang tayo noon, tsinelas na ang nakamulatan ng bawat isa.  Minsan pa nga hirap na hirap sa pagkabit si nanay sa garter ng iyong tsinelas upang pang-proteksyon sa iyong lalakaran. Palibahasa batang makulit, ...

Facebook (Pesbuk)

5:00am...maingay na naman ang alarm clock ko. Kinapa, ang kinaroonan, in-off ang alarm switch, kinuha, tinignan ng matang hirap sa pagdilat. Nakipagtitigan sa orasan. Pupungas-pungas. Tinangkang ibato dahil nagulantang sa kasarapan ng tulog.  Pero wag na lang, mahirap maglinis ng nakakalat na bubog. Kinuha ko ang selpon (cellphone, mobile phone, handphone???), nagsimulang tumipa. Message Sent!  Tumayo na din ako, umunat ng bahagya. Nagdasal ng pasasalamat at nagsimula ng iligpit ang pinaghigaan. Pagkayari ng ilang saglit, hinanap ang saksakan ng battery backup. Pindot dito, pindot doon. On, on, on! Pinagpahinga ko na din ang bentilador na nagpasarap sa aking pagtulog.  Diretso sa kusina. Kumuha ng baso, nilagyan ng isang kutsaritang kape at asukal, at madaming coffeemate. Nagpakulo ng tubig.  Hintay ng ilang saglit. Binuhos ang kumukulong tubig sa baso. Wag kayong maniwala sa kasabihang nawawala ang aroma ng kape kapag binuhusan ito ng kumukulong tubig. Kaya nga kap...

Ligo na U, Lapit na Me

Friends with benefits and perks. Katatapos ko lang panoorin ang pelikulang Friends with Benefits (2011) na pinagbidahan nila Justin Timberlake (Dylan) at Mila Kunis (Jamie) ... Nakakaliw, nakakatuwa (nakatutuwa??) kung paano nila nabigyan buhay ang karanasan ng mga FUBU. Oo, Tama! Mga FU*k BUddies. Ganun daw kasi ang mababait at tunay na magkaibigan, nagpapahipo. Isa itong pelikulang tama din ang timpla, swak sa panlasa, may kiliti at ligayang panggising sa natutulog mong diwa. Sabihin na natin na nalibang din ako sa panonod ng pelikulang ito, pero ayun nga anticipated ko na naman ang dulo (and they lived happily ever after). Kung sabagay halos lahat naman ng pelikula ay ganyan...and they lived happily ever after. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa happily ever after o ayaw ko nito, ayaw ko lang na makapanood ng mga pelikulang predictable ang takbo ng kwento. Minsan pa nga mas natutuwa ako sa pelikulang hindi ko maintindihan. Yung tipo ng pelikula na mapapasambit ako na "...

Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata?

Gaano ka kahusay sumunod sa mga panuto(instructions)?  Base sa mga pag-aaral may kinalaman daw ang tamang pagsunod sa mga panuto sa kalagayan ng ating mata.  Sa aking palagay posible nga, lalo na kung may kalabuan ang ating mata. Hindi na natin magawang makasunod sa tamang panuto. Ang mga simpleng panuto na "bilugan ang sagot" ay posibleng magiging "guhitan ang sagot"...O kaya  naman ang simpleng "walang tawiran" ay maging "tamang tawiran".... Magkagayunman, narito ang simpleng panuto na magdedetalye ng kalagayan ng iyong mata. Great discovery daw ito, kaya subukan mo na. Handa ka na ba? Kung ganun, tara na at isabuhay ang pagsunod sa panutong ito...   1. First close one of your eye . 2. Move your mouse point at the red * below. 3. Right click at the red * . 4. Then click (select all). 5. Then you will see the result . * Pasensya na kung na-uto kita. Ahahaha!  Sa susunod mag-isip munang maigi bago sumunod sa sinasabi ng iba! Tama! walang...

Endorsers???

Negosyong sulit at patok ba ang hanap nyo??? Yung tipong pasok sa panlasa ng publiko? Aba! subukan na ang pagbenta ng siomai na hinahanap-hanap ng dila ng masa. Sa halagang 250,000 pesos maaari ka ng mag-franchise ng masarap at malinamnam na siomai ng Siomai House. Sa murang halagang iyan kasama na ang booth, freezer, steamer, beverage dispenser, advertising signs and signage, dalawang (2) sets ng uniform, free delivery 3x a week, at iba pang mga kailangan para sa negosyo. Kaya anu pa, sulit hindi ba? Tara na! Ahahaha...feeling endorser lang, wish ko lang makita ito ng shomai at padalahan nila akong ng 1 year supply ng siomai at gulaman... ahahaha, biro lang... nasira kasi ang internet connection ko kaya ito tamang trip muna may ma-post lang...hindi naman siguro ako mapapagalitan ni WonderG sa pag-post ko ng picture namin dito... ahahaha... :) [note: sa mga na-engganyo ko kung meron man narito po ang contact details ng Siomai House:  Bernabest Food Products, Inc. 118 D.Arella...