Lumaktaw sa pangunahing content

Dupe: Tara Lakad Tayo

Ito ang pinoy, lakad dito, lakad doon.  Lakad ng lakad kasama ang pinakamamahal nyang tsinelas. Kaya nga,
"Mang Kulas, Pabili ngang tsinelasMang kulas, 
Pudpod na't gasgas,
Baka mapigtas tong luma kong tsinelas
Tong luma kong tsinelas" -Yano

Hirap ka na ba sa kaaayos ng madaling mapigtas na tsinelas? Takot ka na bang madulas dahil sa iyong lumang tsinelas? Sawa ka na ba sa mahal-pero-hindi-katibayan na tsinelas? Pwes, narito na ang tsinelas na papatok sa iyong panlasa...Ang Dupe. Gawang Brazil pero pinoy ang timpla.  Imported pero hindi mahal. Maganda at matibay na swak pa sa iyong porma.

Kailan nga ba tayo unang gumamit ng tsinelas? Ummmh...siguro hindi pa tayo natututong magbilang at magbasa, alam na natin kung paano ang paggamit ng tsinelas.  Sanggol pa lang tayo noon, tsinelas na ang nakamulatan ng bawat isa.  Minsan pa nga hirap na hirap sa pagkabit si nanay sa garter ng iyong tsinelas upang pang-proteksyon sa iyong lalakaran. Palibahasa batang makulit, tanggal pa din. Tsinelas din ang dumisiplina sa kakulitan mo at alam mo na din ang mangyayari kapag sumigaw na ang nanay mo ng "Dapa!". Bukod sa sinturon, ayan malutong na palo ng tsinelas ang siguradong hahalik sa pwet mo (kaya maglagay ng karton lagi!). Sa laro naman noon, tumbang-preso, siguradong bidang-bida ang bago mong tsinelas. Kaya nga lang kapag sa habulan na at ang tsinelas ay napigtas siguradong alambre na ang kasunod nyan. Alam mo ba yun? Kung hindi pa, hayaan mo sa susunod, kapag nagpatayo ako ng paaralan maglalagay ako ng kursong magtuturo kung paano maglagay ng alambre sa napigtas na tsinelas. "Bachelor of Science in Slipper Repair Major in Wiretapping." Ahehehe! 

Ang totoo nyan, mas bisyo ko ang gumamit ng tsinelas kasya ng sapatos. Bakit? Kuportable kasi.  Kahit nga sa basketball noon, tsinelas ang gamit ko kahit pa sabihin na pagkatapos ng laro siguradong may pilay o di kaya naman sugatan ang mala-porselana kong mga paa (maniwala ka na lang!).  Sa opisina, mas swabe pa din ang dating sa akin ng tsinelas kahit na magmukha akong mabobote sa porma ko. "Office boy naka-tsinelas?!", yan ang madalas na sabi ng mga kapatid ko. Ang sabi ko naman, "Hindi nakikita sa porma ang laman ng bulsa!". Oha!

Fan ako ng mga tsinelas, lahat yata nasubukan ko na.  Lahat yata ng klase ng swelas dumaan na sa aking mala-porselanang paa (paulit-ulit, maniwala ka kasi!).  May magaan, may hayop sa bigat, may madaling masira, may tumatagal, minsan pa nga may nabili akong tsinelas na may warranty.  Kapag umangat daw ang swelas ibalik ko lang daw sa kanila.  Pero inperyrnes matibay talaga kahit na medyo may kabigatan. Pinangharabas ko na iyon lahat sa baha, pinam-basketball, pinampasok sa opisina pero sobrang tibay talaga.  Yun nga lang natapunan ng baga ng sigarilyo ng kapitbahay. Ayun nalusaw. Sayang.

Kaya nga tamang-tama itong regalo ng Dupe. Salamat po sa inyo. Salamat sa bonggang bag at t-shirt. At syempre salamat sa swabeng Dupe Slippers. Sa tindig at porma ng bago kong tsinelas, mukhang may aasahan talaga akong tibay. Kung disenyo naman ang pag-uusapan, aba pwede! Pwedeng-pwede. At kapag ito iyong isinuot....aba sobrang kumportable! At hindi lang yun, meron itong Gel XHP na parang airsole na nagpapasarap ng pakiramdam sa iyong paghakbang. (wow! tunog endorser na ako..ahahaha!) Ano? Gusto mo din nito? Aba walang problema syempre ibabahagi ko sa inyo ang biyaya. Basahin pong maiigi ang mechanics sa baba.


For more info visit: http://www.facebook.com/dupePH


Tara lakad tayo!



Mga Komento

  1. Nice! DUPE!

    "hindi nakikita sa porma, ang laman ng bulsa" - Naalala ko yung Kuya ko sa quote na to. Linya rin nya to eh.. Pag pumupunta ng malls or kung saang gala, mas madalas.. naka tsinelas kesa sa sapatos. Mas komportable daw. Sabi nya.. "Eh ano kung naka tsinelas? May laman naman ang wallet ko." Lols.

    TumugonBurahin
  2. @Leah
    ahehehe...tama naman kasi... ahahaha..:D

    tsaka bakit ka pa poporma kung pogi ka naman, itsura pa lang pormang-porma ka na...:)

    tpos dupe pa ang gamit mo, poging-pogi ka na....:)

    pero inpeyrnes ang sarap sa paa nitong upcoming edition ng tsinelas nila ah...Revolution II Estampada... :)

    TumugonBurahin
  3. Wow, nice slippers.. Dupe! hhehehe =)

    TumugonBurahin
  4. nakakuha din me ng dupe slippers. ahihihih. Antibay ng slippers nito.

    TumugonBurahin
  5. ako din nakakuha ng dupe eh. ang saya :D mga dupers na tayo lol

    TumugonBurahin
  6. @iamzennia
    yeah yeah..libre eh...ahehehe..pero maganda tlaga... ;)

    @khantotantra and bino
    wow...ahehehe...ang saya sna lahat ng company ganyan..mya freebies...ahehehe... :D

    TumugonBurahin
  7. model ka ba nyan?! lolz... =) 'la nang makoment.. wehe... ingatz.. Godbless!

    TumugonBurahin
  8. Naks naman. Promoter ka ng Dupe ah. Pero Rambo pa rin ako. :-P

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...