Friends with benefits and perks. Katatapos ko lang panoorin ang pelikulang Friends with Benefits (2011) na pinagbidahan nila Justin Timberlake (Dylan) at Mila Kunis (Jamie)... Nakakaliw, nakakatuwa (nakatutuwa??) kung paano nila nabigyan buhay ang karanasan ng mga FUBU. Oo, Tama! Mga FU*k BUddies. Ganun daw kasi ang mababait at tunay na magkaibigan, nagpapahipo. Isa itong pelikulang tama din ang timpla, swak sa panlasa, may kiliti at ligayang panggising sa natutulog mong diwa. Sabihin na natin na nalibang din ako sa panonod ng pelikulang ito, pero ayun nga anticipated ko na naman ang dulo (and they lived happily ever after). Kung sabagay halos lahat naman ng pelikula ay ganyan...and they lived happily ever after. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa happily ever after o ayaw ko nito, ayaw ko lang na makapanood ng mga pelikulang predictable ang takbo ng kwento. Minsan pa nga mas natutuwa ako sa pelikulang hindi ko maintindihan. Yung tipo ng pelikula na mapapasambit ako na "Ah, ganun pla yun!". O kaya naman patay ang lahat ng tauhan sa dulo ng kwento. Morbid.
Sa panonood ko ng pelikulang Friends with Benefits (2011), hindi na ako na culture shock, nanibago o naasiwa sa kwento dahil naranasan ko na ito (patay tayo dyan!...ahahaha!) nabasa ko noon pa man ang obra ni Ginoong Eros Atalia na "Ligo na U, Lapit na Me". Maganda ang pagkakabalanse ni Master Eros Atalia sa kanyang nobela. Para itong roller coaster na magpapanatili sa gising mong diwa upang namnamin ang bawat eksena na iyong kinapapanabikan masundan. Unpredictable. Kailangan mo ng magtanong. Sabi nga nya sa nobelang ito:
Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero ang andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot. Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam ang iyong itatanong? Paano mo sasaguting ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang tanong. (Kunsabagay, sa buhay na ito, madalas, tama ang sagot, mali nga lang ang tanong.)
---Eros Atalia
Nitong nakalipas na buwan, isina-pelikula na din ang nobelang ito sa parehong titulong "Ligo na U, Lapit na Me" bilang opisyal na lahok sa patimpalak ng Cinemalaya. Nakakatuwang isipin na nabigyan buhay na din ang nobelang ito sa pinilakang-tabing bagamat isa itong indie film.
Ang nasabing pelikula ay pinagbidahan nina Edgar Allan Guzman bilang Intoy at Mercedes Cabral bilang Jenny na batay din sa panulat ni Jerry Gracio, produksyon ni Noel Ferrer at direksyon ni Erick C. Salud. Bagamat hindi nagwagi bilang Best Movie ang "Ligo na U, Lapit na Me", nakuha naman ni Edgar Allan Guzman ang karangalan "Best Performance of an Actor". Narito ang kauting patikim mula sa pelikula.
Si Intoy, sa kauna-unahang pagkakataon, parang natuto na yatang magmahal pero hindi tiyak kung minahal ba sya o kinailangan. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang Math problems, tama ang sagot, hindi nga lang maipakita ang solution....
Narito, ang isang nobelang may asim ng romansa, pait ng pagkabigo, tamis ng ligaya, alat ng pamumuna at anghang ng kaastigan. Handa ka na ba?
O talagang handa ka na ba? Handa na din sana si Intoy na talikuran ang kanyang pagiging astig at ipagtapat kay Jenny ang kanyang nararamdaman sa kabila ng kanilang madalasang paglalaro ng apoy at napagkasunduan na hindi dapat mahulog ang loob nila sa isa't isa. Ang masaklap nabuntis si Jen. Ngunit mas masaklap, ang sabi ni Jen hindi daw ito sa kanya.
Maganda rin naman pala ang istorya, hmm makapagdownload nga.
TumugonBurahingusto ko nyan! gusto ko rin magkaroon ng book ni eros! padalahan mo ako pagpunta mo dito please!!!!
TumugonBurahin@@makatangkiko
TumugonBurahinmaganda po yan...makulit lng din, pero wag daw gagayahin... :))
@iya_khin
aheks, cge pagnanjan na ako balitaan kita...try mo din yung unang book nya..."Yung Peksman, Mamatay ka man nagsisinungaling Ako"...maganda din yan...ang tagal ko na nga din naghahanap nun pinaka-uang book nya na "Taguanpung".. kaso wala nmn akong makita...san ka yun nagtago...nagtago tlaga..anak ng teteng... ahahaha... :D
nakanood na ako nang frenz with benefits at okay naman..may lesson din sa bandang huli!
TumugonBurahinGusto ko din ng Friends with benefits pero di pa sya showing napanood nyo na? Gusto ko din Ligo na U kaya lang tapos na yung Cinemalaya! :(
TumugonBurahin@hana banana
TumugonBurahinyup..lahat ng movie may lesson daw..kaso yun nga depende n sa atin kung panu ntin yun interpret..khit horror or murder stories may mga lesson din yun..para sa akin cguro depende n lng siguro sa movie yun kung paano nila uutuin... :)
@marxtermind
yup napanood ko na sya...courtesy of piratebay.org ... ahehehe..downloaded lng po yun...namirata eh... ahahaha....yung Ligo n U na movie...oo nga tapos na daw, pero sabi may mga late screening sa UP...hindi ko lang din alam kung meron pa ngayon... pero kung wala ang suggestion ko bili ka na lng ng book ni Master Eros Atalia..mura lng yun wala kang pagsisihan... :)
hindi ko pa napapanood iyan..pero seksi si mercedez cabral..hehe..ayos ang unang picture..
TumugonBurahini wonder kung showing pa sa theatre yang friends w/ benefits... mapanood nga... hmmm... puro kalibugan ang post moh lately kuya ah... nyahahhahaha... lolz.. biro lang... sige kuyah.. laterz.. Godbless!
TumugonBurahin@Arvin U. de la Peña
TumugonBurahinyung movie na friends w/ benefits yun yung napanood ko pero yung, movie na ligo n u, lapit n me, hindi pa..pero nabasa ko n yung novel..yung sa unang picture hindi sya si mercedez, parang si vanna garcia nga eh hindi ko din sure...pero mga chicks di ba... :D
@Dhianz
sa pinas hindi pa nga yata yan showing...pero jan sa inyo baka siguro... ;)... ahehehe..nagkataon lang na nagkasunod sunod n puro kahalayan ang theme..pero hindi nmn halata... ahahaha... pero pagganyan ang topic ang daming viewers, ewan ko ba bakit... ahahaha...kaya ayun may mga endorser na ng mga sex gadget ang lumalapit na sa akin...endorse ko daw sila... ahahaha... ayan oh nasa gilid! ahahaha!
nyahahahahha... kaya nga kung pansin moh eh napapadalas akoh ditoh eh... nyahahha... lolz peace! =)
TumugonBurahin@Dhianz
TumugonBurahinuu nga pansin ko...ahahaha...hinay hinay lang din dapat ako...baka i-ban ako ng blogger...explicit contents..lol! ^_^
sige hanap ako ng ebook..wala naman kasi mabibilhan dito eh!
TumugonBurahin@iya_khin
TumugonBurahine-book..meron din cguro..ang daming mga pirata eh... ahehehe...:D
Nung pinanood namin to nung cinemalaya mejo na-turn off kami ng mga friends ko.. kasi, mejo predictable nanaman yun banat, ung cinematography niya, pang star cinema, hindi pang-indie (which is yun yung cool factor para sakin, kasi RAW yung dating) Siguro karamihan ng nanuod dahil..grabe ang advertisement ng film na toh, si Kris Aquino ba naman ang mag-endorse.
TumugonBurahinAyos 'tong movie na 'to. Paglabas mo sa moviehouse, mapapa-Tang Ina ka! Hehe.
TumugonBurahinNo, seriously, this is a great adaptation. And Edgar and Mercedes are perfect for the role. Sure, they may not fit-in sa cookie-cut celebs na bida sa mga "mainstream" movies. And that differs indie films from them. It's raw. Realistic and very much relating. :D
one word to describe... awesome!
TumugonBurahin