Lumaktaw sa pangunahing content

Facebook (Pesbuk)

5:00am...maingay na naman ang alarm clock ko. Kinapa, ang kinaroonan, in-off ang alarm switch, kinuha, tinignan ng matang hirap sa pagdilat. Nakipagtitigan sa orasan. Pupungas-pungas. Tinangkang ibato dahil nagulantang sa kasarapan ng tulog.  Pero wag na lang, mahirap maglinis ng nakakalat na bubog. Kinuha ko ang selpon (cellphone, mobile phone, handphone???), nagsimulang tumipa. Message Sent! 

Tumayo na din ako, umunat ng bahagya. Nagdasal ng pasasalamat at nagsimula ng iligpit ang pinaghigaan. Pagkayari ng ilang saglit, hinanap ang saksakan ng battery backup. Pindot dito, pindot doon. On, on, on! Pinagpahinga ko na din ang bentilador na nagpasarap sa aking pagtulog.  Diretso sa kusina. Kumuha ng baso, nilagyan ng isang kutsaritang kape at asukal, at madaming coffeemate. Nagpakulo ng tubig.  Hintay ng ilang saglit. Binuhos ang kumukulong tubig sa baso. Wag kayong maniwala sa kasabihang nawawala ang aroma ng kape kapag binuhusan ito ng kumukulong tubig. Kaya nga kape dapat mainit.  Matagal akong magkape kaya dapat tumagal din ang init nito.  Oops, o ito may cinnamon pa.  Hindi yan yung commercial na "Gawin mong timpla nya". Talagang may cinnamon powder ako. Ganyan kaming mga peti-burgis, may kaunting kayabangan minsan sinungaling din katulad nating lahat na may facebook.

Pandalas ang pasok ko ulit sa kwarto. Sinipat kung nakabukas na ang computer. Bitbit ang isang tasang kape, umupo ako sa tapat ng monitor. Patong ang kamay sa mouse. Firefox, click. Sa keyboard naman, tipa-tipa-tipa. Facebook.com, enter! Tipa ulit, email, password, enter!

Isa sa pinakadakilang likha ni panginoong Mark Zuckerberg ang facebook.  Sa katunayan, kaunting panahon  na lang ay mapapantayan na nito o mahihigitan pa ang mga nangungunang relihiyon sa buong mundo kung bilang ng miyembro ang pag-uusapan. Base na din sa istatistika ngayong 2011, umaatikabong pitong daan at limampung milyon (750 million) ang bilang ng kanilang mga aktibong miyembro. Mga aktibo lang yun, paano pa ang bilang na mga hindi aktibo? Ang malupit nyan kailan lang ba nabuo ang facebook kumpara sa mga reliyon na daan o libong taon na ang nakalilipas buhat ng ito ay nalikha? Kaya nga hindi na din nakakapagtaka na kung isang araw ay maging religion na ang facebook. Sa panahong yun magkakaroon na ng rebulto si panginoong Mark Zuckerberg.  Magkakaroon na ng pagsamba tuwing alas-sais ng gabi kaya dapat ang lahat ay online.  Prayer request online.  Donations via paypal.  Magkakaroon na din ng worship song na ang title ay "You like it, I like it". Like like like!

Kung hindi ako nagkakamali, taong dalawang libo't apat (2004) nang simulang gawin ni panginoong Mark Zuckerberg ang facebook. Noong mga panahong iyon, isa lamang siyang magbobote sa Amerika. At dahil sa kanyang sipag at tyaga nakupulot siya ng magic bote. Kiniskis niya iyon hanggang sa lumabas ang genie.  Binigyan siya ng genie ng tatlong kahilingan dahil sa ginawa niyang pagpapalaya dito. Batay sa mga talang nakasulat, hindi na nabanggit ang iba pang kahilingan ng panginoong Mark Zuckerberg, pero humiling siya na maging pinuno ng sanlibutan at iyon ay natupad sa pamamagitan ng facebook.  Pero syempre hindi totoo yang sinasabi ko, gawa-gawa ko lang yan, obvious naman eh. Nahirapan din kasi akong ipaliwanag ang mga pangyayari sa pelikulang "The Social Network (2010)" kahit na sabihing tatlong beses ko na itong napanood.  Sa pelikulang yan nakadetalye ang mga pangyayari sa pagkakalikha ng facebook.com. Doon makikilala ninyo sina Eduardo Saverin, ang mga maangas na Winklevoss (kambal yun kaya Winklevi ang tawag ni panginoong Mark Zuckerberg), yung ex ng panginoong Mark Zuckerberg na si Erica Albright (ang sabi sa chismis hindi daw yun ang totoong pangalan para maprotektahan ang tunay na pagkakakilanlan), at syempre nandun din si Justin Timberlake este si Sean Parker na nagsilbing mentor kuno ni panginoong Mark Zuckerberg .

Sa Pilipinas, ang facebook ang nangungunang website na binibisita ng Pinoy. Tinalo na nito ang henyong si Google. Humahabol na din sa listahan ang isa pang henyo na si Wikipedia.com.  Itanong mo lang sa kanila, siguradong alam na nila ang sagot. Baka nga pati ang kapalaran mo ay alam na din nila. Close kasi sila kay panginoong Mark Zuckerberg.  Kung iisipin apektado na ang buong mundo sa paglobo at paglawak ng mga kumpanyang ito.  Halimbawa, ang google ilang milyong negosyate ba ang nakadepende sa google ads? Ilang blogger ba ang umaasa sa traffic na nagmumula sa google at facebook? Ilang blogger ba ang aasa sa kakarampot na kita mula sa google adsense (malas deactivated ako, taeng invalid clicks)? Ilang pilipinong estudyante ba ang aasa sa dali ng pagre-research sa tulong ng mga henyong si Google at Wikipedia kaysa umasa sa sobrang bising si Kuya Kim ng "MutaingLawin"?  Sa lawak ng koneksyon ng nabuo ng mga kumpanyang ito, posibleng nasa palad na nga nila ang mundo, pagulong-gulungin, paikutin at saka ibato. Caidic Three Points!

Profile Page. Wow ang pogi ko, may kandong pang-chick. Ay misis ko pala yan. Ito ang maganda sa facebook, payabangan.  Aba, syempre sa page mo dapat ikaw ang bida kaya dapat maganda ang lahat ng nakikita ng mata. Nakakatuwang isipin lang na sa sobrang galing ng facebook kaya nitong bumuo at sumira ng relasyon. Ilang pagkakataon na ba na ng dahil sa facebook ay nakatagpo ang ilan ng kanilang pag-ibig o di kaya's natagpuang muli ang nawalang pag-ibig? Ilang pagkakataon na din ba ang pagkakataon na nabisto ang kabalbalan ng mister ng dahil sa facebook? Totoo maganda ang facebook. Connecting People. Ay slogan pala yan ng Nokia. Sa facebook, pwedeng ang tagline ay "Connecting and Disconnecting People". Oha! 

Sa facebook lahat ng tao kaibigan mo, kahit na yung iba ay kaaway mo naman. Sabi nga, "friend request accepted", pwede kayang "enemy request accepted" o kaya naman "friend request ignored"?. Yung iba naman magpo-post ng ganito "My father passed away last night" (grammar check off).  Tapos makikita mo 20 people like this. May hirit pang "like this comment".  Huwat?! Mantakin ba naman namatay na nga nagustuhan pa ng dalawampung tao. O kaya naman mag-post ka na "Feeling alone and lonely" (grammar check off ulit), makikita mo may magla-like talaga. Nasaan na kaya ang dislike button? Sa palagay ko, ayaw pang gawin ni panginoong Mark Zugerberg yun. Bakit? Negatibo daw kasi ang dislike or yung enemy request. Dapat perfect world ang facebook, langit kumbaga kaya dapat lahat maganda. Sa sobrang ganda kadalasan kasinungalingan na. Sa facebook, ang taong sinungaling ay lalong nagiging sinungaling. Friends daw, magkaaway yan.  Sa profile page, ang ganda ng mukha, ang kinis, ang klasik dito adobe photoshop lang pala (tunog radio station, ahahaha!). Halos lahat ng babae sa facebook, lahat yan ay mga model, camwhore sabi nga nila. Kunyari stolen shot, tapos naka-make-up. Oh come on!  Sa mga kabataan naman, makikita mo galit yan sa kapwa nila maarte mag-pose sa picture. Tapos parinigan yan ng status (naririnig ba ang status? nababasa siguro). Haters complain about haters. Ang malupit nyan yung iba kunyari mayaman pero pulubi din naman. Mas epektibo din ang facebook kumpara sa mga gym.  Yung mga buto't balat (lumilipad???)  nagkakaroon ng curves at yung mga bondat at lumba-lumba, nagagawang makapagbawas ng timbang sa profile picture. Salamat Saint Adobe Photoshop. Akalain mo yun, hindi mo na kailangan sina Calayan at mareng Vicky Belo para sumeksi, kay St. Adobe Photoshop ka lang ligtas na ang umaalwas na bilbil mo. 

Relationship Status. Sa facebook nakakatuwa din ito. Yung mga single, yung iba dyan ay hindi talaga single, yung iba double, yung iba pa nga triple or yung malupit ay multiple.  Yung iba naman kunyari Engage, pero hindi naman, yung iba kasi dun kung hindi confused or MU (mag-un), yung iba nagpapantasya lang. It's complicted. Anong relationship status ito? Dapat sabihin din ang reason bakit complicated. Halimbawa, waiting, broken hearted but searching, in love all by my self, bitter, assuming, home wrecker, martyr, kabit or forever alone.  Ei yung mga pari at madre anong relationship status nila? In relationship with God? Pwede siguro. Pero mas maganda kung  In MUTUAL relationship with God. Ayan sacred kasi yun.

Games.  Isa din ito sa nagpatibay ng organisayon ng facebook. Simula sa farmville, pet society, mafia wars, at plants vs. zombies. "The zombies ate your brain". Angry Birds sa facebook?  Hindi ko pa na-try yan. Mahusay si panginoong Mark Zuckerberg hindi ba? Alam niya kung ano ang kiliti mo. Alam niya kung ano ang hinahanap-hanap mo. Alam niya kung ano ang gusto mo. Baka nga maging diyos na siya.



Oops. Logout!



[Note: Pasensya na kung may kahabaan, ang gusto ko lang naman ay makapagbigay ng kaalaman at kaunting kasiyahan, salamat sa hindi pag-skip read...:)]

 

Mga Komento

  1. abah nde kalibugan ang entry moh ngaun... eh ano ginagawa koh ditoh?! bwahahhaa... lolz... pinakanatuwa akoh sa sinabi moh eh 'ung "connecting nd disconnnecting people" tama!!! gandang slogan nang facebook yan ahh... totoong totoo... happened to me... disconnected w/ a friend... actually friends... cuz of that freak*n fb... ooppss... watch d' language... but i guess don't blame d' fb... blame d' people... hmmm... u think?... kc nagpaapekto ka nang sobrah... takte!... mamamatay ka nang maaga sa fb eh... kung papaapekto ka nang sobrah... eh ba't parang apektadong apektado akoh??? bwahahah... lolz... makaalis na nga... ano pa masabi kong ibang kwento.. peace out... love koh pagkasulat moh ditoh... Godbless!

    TumugonBurahin
  2. natuto akong magfb 3 years ago, di pa sikat much ang fb nun time na yon at yung games, usually walang animations. :D

    sa fb na ata umiikot ang mundo ko, everyday eto ang chinecheck kahit wala much me napapala. :p

    TumugonBurahin
  3. pero alam mo ba na about 40% lang ng users ng FB ay mahilig sa Games... the rest ay naiinis sa mga notifications ng Games sa FB?...

    TumugonBurahin
  4. isama mo na ako dun... sa 40%... ehehehhe... hilig ko rin kasi eh... lalo na poker.. kaso wala niyan dito sa Saudi....

    TumugonBurahin
  5. ang pinagtataka ko lang bkit si marck zukekeeeeeeeeberg (hehe hirap iispell,) gumawa ng G+?

    TumugonBurahin
  6. @Dhianz
    ahehehe..uu nga pero nagkataon lng siguro na mejo pilyo ang mga post ko nung nakaraan... ahehehe..uu nga kya hinay-hinay lang sa paggamit ng pesbuk... :)

    @khantotantra
    ahehehe..meron ka nmn napala..aminin..di ba ang dami mong mga chicks na friend sa fb?...see..meorn di ba?... ahahaha... :)

    @musingan
    ah...ako nmn dun sa natitira..mejo inis nga ako..kasi inde nmn ako nag-farm ville, pet soc...or kahit ano...pero may nalaro akong isa parang epic something yun...kaso ayun tinamad din ako...ahehehe... :)

    @MG
    bago lang yang Google Plus... pero hindi nmn si panginoong mark zuckerberg ang gumawa nyan... sa google yan..ang goal is kompetensyahin ang facebook... ahehehe... pagalingan na lang yan... kung sino ang maghahari sa buong universe... kung ang facebook nakain nila ng buong-buo ang friendster...ang google tinalo ang ibang mga search engine kabilang na ang MSN na siyang bahagi ng microsoft ni Bill Gates isa sa mga pioneer ng mga computer natin...sino nga kaya ang mananalo...tignan natin nga sila... :)

    TumugonBurahin
  7. ang blog mo, di ko iniiskip read kahit gaano kahaba. heheheh.

    natatawa ako sa mga naglalike ng sariling status ng facebook. masabi lang. ginawa ko kasi un dati hehehehehe

    TumugonBurahin
  8. ayos to ah! c misis pala ang ang kandong =))

    TumugonBurahin
  9. nakakatawa naman tong post nato! pero true ha buti nalang napadaan ako.

    anyway, may fan page ako baka sakali gusto mo makipagexchange ng LIKE sakin.

    http://www.facebook.com/pages/Mom-Daughter-Style/247559405254400

    TumugonBurahin
  10. @Bino
    ahehehe..sabagay..pero minsan kasi ay madalas pala yun hindi ko gusto ang status ko...ahahaha..uu nga may masabi lang...ahehehe... :)

    @Mai Yang
    ahehehe... uu nga..pag-iba ang kandong deds tayo jan...ahahaha.... :D

    @Mom Daughter Style
    ahehehe..salamat sa pagdaan...sure... :D

    TumugonBurahin
  11. dami ng adik sa facebook.....pero pagtagal ay maluluma din ito lalo na kapag may lumabas na bago..katulad ng friendster..

    TumugonBurahin
  12. Di ko mapigilan, magku-comment ako. SUccess! Kasi nabigyan mo ako ng kaunting kasiyahan. Maganda ang post. Super Gulaman, Facebook din ba ang dahilan kung bakit nagbago ng tema si Friendster?

    TumugonBurahin
  13. haha pwedeng maguilty sa camwhore at edited pics dahil sa adobe puhahah...sorry naman...
    napadaan dito ulit~~heym back!

    TumugonBurahin
  14. ang galing naman! yung mga observations talaga towards facebook iisa nlang. May idadagdag lang ako, grabe na kasi..kung anu ano nalang mailagay sa facebook, buong itinerary kailangan istatus.. takte. overused ang creation ni Panginoong Mark, lalo na dito sa Pinas. Great Blog! Good job. :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...