Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2014

Propesiya at Pilipinas

Ayun, nag-trending na sa facebook at twitter at saan mang dako ng social media ang kwento sa sakit na namayagpag sa  Zombieland o kaya naman World War Z.   Gets mo? Ah, hindi mo ba alam? Ito daw yung sakit na nanggaling sa Pangasinan.  Yung sakit na uupos sa buong katawan ng tao. Yung sakit na alanganing leprosy at alanganing psoriasis.  Yung sakit na animo'y pang- Resident Evil ? Yung tipong kapareha sa  The Return of the Living Dead.  Ito daw yung sakit na kumakain ng laman, bubulukin ang buto at mag-mimistula kang patay na buhay. So good news naman di ba? Hindi ka pa naman patay, buhay ka pa naman, mukha lang patay.  So gets mo na ako? Malamang sa malamang alam mo naman ang tinutukoy ko. Napanood mo yan sa Bandila ng ABS-CBN. Kung hindi naman, sigurado akong dumaan yan sa feeds ng facebook mo o kaya naman sa twitter.  Tapos syempre matatakot ka.  Ang naka-headline ba naman "Misteryosong sakit na tila kumakain umano sa balat at ...

Super

tenenenen...tenenen...tenenen...Super Gulaman! Ayun kunyari lumabas na daw ang bida. Balot ng kapang gawa sa plastic cover. Nakasuot ng bodyfit at thights at sabay ipinatong ang damit-panloob na ngayon ay pwede na nating tawaging damit-panlabas. Isang belt na may malaking buckle ng mga titik na S at G ang nakapulupot sa beywang. Meron ding boots na matingkad ang kulay na pwedeng pansugod sa baha sa metro manila at gloves na pwedeng gamitin pangsalo ng baseball. Syempre malupit din ang maskara na sa totoong buhay ay tinatawag itong goggles na ginagamit ng mga maninisid. Ganito umasta ang mga superhero. Pero bakit nga ba Super? Hindi ba pwedeng hero na lang? Naalala ko yung sinulat ni boss Bob Ong dun sa aklat nyang puti kung paano natin gamitin ang salitang Super! Sabi nya : Ano ba ang pinagkaiba pag sinabihan ka ng 'thank you' at 'super thank you'? Natutuwa ako pag nakakarinig ng mga dalagitang nagsasabi ng super thank you. Kasi nai-imagine ko na may kapa at ...

20 Reasons why I like Philippines over UAE

(*Warning: May kahabaan ito so tyaga-tyaga lang) Mahigit sa dalawang taon na din ang nakalilipas mula ng iwan ko ang "Perlas ng Silangan", ang Pilipinas upang tumungo sa disyerto ng mga Arabo, sa UAE at dito ay magtrabaho kapiling ang kabiyak ng aking puso. Sa maikling panahon na ito, medyo nasanay na din ako sa takbo ng pamumuhay dito sa kabilang ibayo.  Sa umpisa medyo maninibago ka at maikukumpara mo talaga ang bayang pinagmulan. Totoong maayos ang lugar na ito kumpara sa lugar na aking pinagmulan.  Dito ay: 1. Walang trapik na kasing-bagal ng nasa Pinas. 2. Walang carnapping dahil maayos ang rehistro ng mga sasakyan at madaling mahuhuli ang carnapper dahil sa husay ng kanilang tracking devices. 3. Panatag kang makakagamit ng mamahaling mobile phone sa kalye. Walang snatcher. 4. Marunong sumunod ng traffic rules ang mga driver. Hindi garapalan ang pag-overtake, pag-agaw ng linya. Kung one-way, one way talaga. Alam nila ang priority way. May sariling babaan ...

Bago ito!

So ito na yun.  Tapos na ang pagpapalit ng disensyo ng medyo-luma-at-may-kabagalan-na-pahina ni supergulaman.  Mula sa madilim na konsepto at mahirap basahing mga titik, dumako na tayo sa animo'y kahoy na tema ng aking pahina.  Katulad ng dati, nandito pa din ang bungong imahe na naging inspirasyon ng may-akda. Pero maniwala ka, hindi yan pamimirata. Katulad ng dati, katulad ng pagkakalikha ko sa blog na ito, pitong taon na ang nakalipas ay mananatiling tatalakay sa buhay at imahinasyon ni SuperGulaman.  Mga temang minsan ay may kakulitan, may-aral, kaalaman at minsan trip-trip lang katulad ng binabasa mo ngayon. Handa ka na ba? Ako? Hindi ko pa alam.  Sana hindi lang ito ang simula, sana magtuloy-tuloy na. Hanggang sa muli.