Lumaktaw sa pangunahing content

20 Reasons why I like Philippines over UAE

(*Warning: May kahabaan ito so tyaga-tyaga lang)

Mahigit sa dalawang taon na din ang nakalilipas mula ng iwan ko ang "Perlas ng Silangan", ang Pilipinas upang tumungo sa disyerto ng mga Arabo, sa UAE at dito ay magtrabaho kapiling ang kabiyak ng aking puso. Sa maikling panahon na ito, medyo nasanay na din ako sa takbo ng pamumuhay dito sa kabilang ibayo.  Sa umpisa medyo maninibago ka at maikukumpara mo talaga ang bayang pinagmulan. Totoong maayos ang lugar na ito kumpara sa lugar na aking pinagmulan.  Dito ay:

1. Walang trapik na kasing-bagal ng nasa Pinas.
2. Walang carnapping dahil maayos ang rehistro ng mga sasakyan at madaling mahuhuli ang carnapper dahil sa husay ng kanilang tracking devices.
3. Panatag kang makakagamit ng mamahaling mobile phone sa kalye. Walang snatcher.
4. Marunong sumunod ng traffic rules ang mga driver. Hindi garapalan ang pag-overtake, pag-agaw ng linya. Kung one-way, one way talaga. Alam nila ang priority way. May sariling babaan at sakayan para sa mga bus. Hindi ito hihinto sa mwestra ng katok mo o palahaw mo ng "para".  Ibababa ka nya sa nakatakdang babaan.
5. Batas na sinusunod ang tamang tawiran at ang labor law.
6. Walang "kotong" cops dito at ang mga pulis ay iginagalang ng mamamayan.
7. Bawal ang mag-ingay. Bawal ang Videoke.
8. Bawal magsuot ng mga damit na kita ang kaluluwa.
9. Bawal ang lasing na gagala-gala sa kalsada. Bawal ang walang damit-pang-itaas. Bawal ang askal at kahit pusakal.
10. Bawal ang baboy at alak sa regular na pamilihan. Dun ka kumuha sa Filipino Supermarket.
11. Walang tax. No BIR.
12. Bawal gamitin ang bulok na sasakyan. No smoke belching. Pero ang shisha ayos lang.
13. Bawal ang taong grasa. Pero pwedeng maging mabaho na kasing baho ng patay.
14. Bawal ang squatter.  Hindi kakayanin ng barong-barong ang sobrang init o lamig ng lugar na ito.
15. Maluwag ang kalsada.  Maayos ang urban planning. Yun nga lang, magkamali ka lang ng isang liko, ang layo ng babalikan mo. Aksayado sa gasolina pero ayos lang dahil mas mura pa ang gasolina kaysa sa tubig na iinumin mo.
16. Walang corrupt na pulitiko dahil hari ang pumipili ng mga tao nya.  Pwede ang palakasan, legal yun.  Political dynasty, normal din naman.
17. Hindi priority ang showbiz at chismis.  Hindi din priority ang mga teleserye at news. Priority ang magkaroon ng trabaho na malaki ang kita.
18. Walang almusal, tanghalian at hapunan.  Kumain ka kung kelan mo gustong kumain.
19. Isa lang ang basehan ng oras. Kung 12:00am, 12am yun.  Hindi yun, 12:01am, 12:05. As in sakto.
20. Walang tinging shampoo.

Sa Pinas naman,
1.  Trapik nga.  Wala itong katulad sa universe.  Maraming mga dayuhan na gustong subukan ang trapik sa Pinas lalo na sa Maynila.  Isa itong experience na hindi malilimutan. Kung masubukan mo ito, masasama ka sa Guiness.
2.  Talamak ang carnapping. Kapag nawala ang sasakyan mo, wag ka ng umasang babalik pa ito.  Isipin mo na lang, mas mabuti ang nagbibigay kaysa binibigyan. Dito matututo kang maging mapagbigay.
3.  Aligaga ka sa mga sumisipat sa mga gadgets mo. Baka isa dyan ay holdaper o snatcher.  Dito mo masusubukan ang iyong mga itinatagong abilidad. Karate. Use of all senses, sama mo na ang sixth sense, running skills, reflexes at defense mechanism.
4. Matututo kang maging creative at ma-eenhance mo ang decision making mo lalo na sa pagtawid sa mo kalsada. Kung magkamali ka ng pagtawid, patay ka kay manong driver. Kung makalusot ka naman, sabihin mo, "Fu** u ka!". So ang na-practice mo ay Freedom of Speech.
5. Walang labor law sa Pinas, kung ayaw mong pumasok AWOL na lang.  Tambay na lang muna, relax ka pa. Ang sabi nga ni Tado, "Di bale ng tamad, hindi naman pagod"
6.  Maraming kotong cops sa Pinas. Kailangan mo lang naman ay galing ng pagpapalusot. Mahahasa ang iyong mental skills at lying skills.
7.  Pwede sa pinas ang videoke. Dito nagmula ang mga sikat na mang-aawit sa Pinas. At ang dahilan kung bakit maraming namamatay sa kantang "My Way".
8.  Damit na kita ang kaluluwa ay ayos lang. Mas maiksi, mas bongga. So dito ma-eenhance ang fashion skills mo.
9.  Kaliwa't kanan maraming lasing, maraming aso, at maraming pusa. Marami ding daga, ahas, ipis at iba't ibang insekto. Galingan mo lang sa pag-iwas, ayos lang sa Pinas.  So again, magagamit mo naman ang Karate. Use of all senses, sama mo na ang sixth sense, running skills, reflexes at defense mechanism.
10. Dito lahat pwede. Pwede ang alak at baboy.  Basta hinay-hinay lang, may ngiti lagi ang buhay.
11. Maraming tax. VAT, e-VAT, tax-i, tax-ikel, thumb-tax, shoe-tax. Joke lang. Pero syempre kawawa naman ang mga ganid nating Politicians kung wala nyan. Wala na tayong mapagkwe-kwentuhan tulad ng kwento nila Napoles.
12. Meron tayong mga improvised cars, bulok na cars at syempre smoke belching...patok yan sa syudad ng kamaynilaan. At dahil dyan, natututo tayong maging aware sa kalagayan ng ating mga baga. 
13. Ayos lang ang maging madumi, pero hindi ang maging mabaho.  Dahil sa totoo lang, ang mga pulitiko sa Pinas, ay malinis ang panlabas na kaanyuan, mabaho naman ang katauhan.
14. Madaming squatters. Mga professional squatters.  Hindi ito mawawala kahit anong klima pa ang meron sa Pinas. Kahit may bagyo o sunog, muli silang magtatayo ng barong-barong.  Sinanay kasi ng gobyerno at niyakap ang ugaling pagiging "matiisin".  Ayun nasanay na sa pagtitiis kaya hindi na umalis.
15. Magulo ang kalye ng Maynila at mga kalapit na lungsod. Pero wag kang mag-alala, ang abilidad ng mga driver sa Pinas ay walang katulad. Ang nasa utak nila, kung magulang kayo, mas magulang ako!
16. Maraming corrupt sa Pinas. Hindi ito ang Pinas kung walang corrupt.  Kultura na daw ito at mawawalang tayo ng pag-uusapan kung wala na sila dyan.
17. Ayos lang ang tambay basta may baon kang chismis sa inuman.
18. Maraming oras ang pagkain. Almusal, tanghalian, hapunan at maraming merienda. Mas mabilis magutom ang mga walang trabaho.
19. Meron tayong Filipino Time.  Laging late, laging trapik, laging may palusot. Laging may paraan.  Tama ang kasabihang, "Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan". 
20. Maraming "tingi". Tinging shampoo, yosi, noodles, toothpaste, asukal, bigas, name it. Swak na swak din ito sa budget mong "tingi" na kadalasan kung hindi kulang, galing ito sa utang.

Sa kabila ng mga nabanggit ko sa itaas, mahal ko pa din ang Pinas.  "No place like home" ika nga nila.  Hindi mapapalitan ng maayos na kalunsuran ang saya, kultura at karanasang sa Pinas mo lang malalasap.  

Mga Komento

  1. maraming masamang masasabi sa ating bansa. mga dahilan kung bakit mas gusto ng ilan na mamuhay sa ibang bansa. pero para sakin, isang dahilan lang ay sapat na para masabi kon'g mahal ko ang ating bansa at hindi ko ito ipagpapalit.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. gusto ko yang sinabi mo parekoy. May isa akong kasamahan sa trabaho at sinabi nya na hindi daw sya makabalik sa Pinas dahil bukod sa magulo sa Pinas ay hindi nya daw kikitain sa Pinas ang kinikita nya ngayon. Tumango lang ako sa kanya, pero sa totoo lng gusto ko syang tanungin, gusto mo ba talaga ng ganitong buhay? Bahay at trabaho lang ang alam? Alam mo pa rin kaya ang ngumiti na hindi pera ang dahilan? Seryoso ang mundong ito, kulang sa chill.. ^_^

      Burahin
  2. ang husay ng iyong analyzing skills : ) ... totoo ito laht para sa Pilipinas nating mahal

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat parekoy.... totoo naman lahat yan... Parang babae lang yan, hindi tayo nagmamahal dahil maganda sya. Mahal natin sya dahil sa kung anong meron sya. Pangit man o maganda, no reasons, mahal natin eh. :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...