So ito na yun. Tapos na ang pagpapalit ng disensyo ng medyo-luma-at-may-kabagalan-na-pahina ni supergulaman. Mula sa madilim na konsepto at mahirap basahing mga titik, dumako na tayo sa animo'y kahoy na tema ng aking pahina. Katulad ng dati, nandito pa din ang bungong imahe na naging inspirasyon ng may-akda. Pero maniwala ka, hindi yan pamimirata.
Katulad ng dati, katulad ng pagkakalikha ko sa blog na ito, pitong taon na ang nakalipas ay mananatiling tatalakay sa buhay at imahinasyon ni SuperGulaman. Mga temang minsan ay may kakulitan, may-aral, kaalaman at minsan trip-trip lang katulad ng binabasa mo ngayon.
Handa ka na ba?
Ako?
Hindi ko pa alam. Sana hindi lang ito ang simula, sana magtuloy-tuloy na.
Hanggang sa muli.
mas maayos ang disenyo! malinis na at madali ng basahin! tuluy-tuloy na yan!!!! :D
TumugonBurahinSana nga tuloy tuloy na...aehheehe..sana sapian na ako ng sipag...ahahaha.
TumugonBurahin