Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2014

It's official: Billy Crawford and Coleen Garcia

Photo from: http://www.philshowbiz.com/ And they confirmed it. At inamin na din ni Billy Crawford sa It's Showtime kahapon, July 24, na sila na nga ng kanilang co-host na si Coleen Garcia.  Nagsimula ang pag-amin sa pangungulit ni Vice Ganda dahil sa pagkakapareho ng boots nila Billy and Coleen. kasabay noon ang nagpapakilig nyang tanong, "Is it official? Kayo na?" Hindi lang si Vice ang nagbuyo sa pag-amin at kinulit na din ni Vhong si Billy ukol sa kalagayan ng kanilang relasyon. Nagturuuan pa ang dalawa sa pag-amin noong una. At yun na nga kinumpirana ng  RnB na "They are finally an official couple."   at  dahil Showtime ito, Group HUG! Hindi ka naniniwala o hindi mo matanggap? Ito po ang video . #coleenortegagarcia #billycrawford #itsshowtime #couple #amin

Never Back Down (Pinoy Version)

UFC match ba ang hanap mo?  Ito ang pinoy version ng beatdown.  Malupit ang mga promotor este mga buyo ng labanang ito.  Ei, hindi naman pala nila kilala ang mga ito at nadaanan lang sa kalye. Pero impeyrnes, nagkaayos din sila matapos ang umaatikabong bakbakan.  Mahusay si bossing  Jonnel Jose , ang Max Cooperman ng larong ito at ang fighting match, ayos na ayos. ^_^ Post by Pinoy Kulitan WorldWide . #streetfight #UFC

It’s more fun in the Philippines

Image from: http://itsmorefuninthephilippines.com/ It’s more fun in the Philippines. Really? Weh?! Hindi nga? Tama, narinig mo na ang mga linyang yan hindi ba?  Opo, yan po ang pamosong entrada ng Department of Tourism ng Pinas upang lalong maka-enganyo ng mga dayuhang turista sa bansa kasabay ng pagbida ng mga tourist spots ng bansa. Visit  http://itsmorefuninthephilippines.com/ for more details .  Ayan ah, may free promotion pa kayo sa akin. Bilang isang lokal na mamamayan ng bansa, hindi natin maitatanggi na magdalawang-isip muna ukol sa nasabing “Tagline” ng DOT bago natin ito sang-ayunan. Bakit? Ikaw, naranasan mo na ba ang mga bagyo sa Pinas? Ang bahang epekto nito? Ang traffic sa Metro Manila? Dagdag mo pa dyan ang lindol, mataas na presyo ng bilihin, langis, gasolina, kuryente, at bigas. It’s more fun in the Philippines ba dahil sa 12% VAT at kaliwa’t kanang buwis na napupunta lang din naman sa mga tiwaling opisyal ng bansa? Uy, sabi nila hi...

Miracle: The Truth Behind Baby in Viral Video Believed Resurrected

Nag- browse ng feeds sa facebook . May nabasa. Napangiti. May joke kasi.  Ito yun. Girl: Huhuhu… Boy: Bakit ka umiiyak? Girl:  Namatay kasi ang boyfriend ko, paano na ako ngayon? Huhuhu… Boy: (Utak oportunista). Kawawa ka naman.  Pero wag kang malungkot, nandito naman ako para sa iyo eh.  Kung gusto mo ako na lang ang papalit sa kanya? Girl: (Tumigil sa pag hikbi) Talaga? Boy: Oo. Mamahalin kita kagaya ng boyfriend mo. Girl: Sige, itanong mo sa purenarya kung papayag sila. Nag- browse ulit.  May nakitang picture ng isang batang iniaalis sa ataol (coffin). Sinundan ang link . Sinasabing nabuhay daw ang bata habang sya ay nakaburol. Na- curious . Nagbasa ng ilang article ukol dito.  Ang sabi sa kwento, halos dalawang linggo na daw na may sakit ang bata.  Isinugod ito sa lokal na ospital at idineklarang patay na dahil sa bronchial pneumonia noong Huwebes, July 10.  Dahil dito, nagdesisyon na silang ilibing ang bata noon...

5 Bagay na DAPAT at HINDI DAPAT Gawin ng Isang Facebook User

Hindi na natin maikakaila ang lawak at laki ng epekto ng social media sa ating mga buhay. Isa na dito ang Facebook.  Mula sa panahon ng luma bato, panahon ng bagong bato, panahon ng metal, naging unggoy, naging homo habilis, homo erectus at ngayon panahon na ng tao, homo sapiens, marunong na tayong mag-facebook. Matagal-tagal na din ng malikha ni Mark Zuckerberg ang facebook ( Wag mo itong pindutin ).  At katulad ng google.com halos ito na din (ang Facebook) ang nagdidikta sa lagay ng ekonomiya sa buong mundo at maging sa ugali, asal, pakikitungo, relasyon at paniniwala na din ng mga tao.  Dahil sa lawak at laki ng magiging epekto ng iyong pagtipa sa bawat pahina ng Facebook, narito ang ilan sa mga alituntunin sa paggamit ng naturang Website .  Hindi ko naman sinasabing sundin ninyong lahat ang aking itinalang alituntunin.  Isa lamang itong gabay para sa maayos na paggamit ng social media.  Wag kang mag-alala, hindi kita isusumpa ng katulad kay...