Lumaktaw sa pangunahing content

Miracle: The Truth Behind Baby in Viral Video Believed Resurrected


Nag-browse ng feeds sa facebook. May nabasa. Napangiti. May joke kasi.  Ito yun.

Girl: Huhuhu…
Boy: Bakit ka umiiyak?
Girl:  Namatay kasi ang boyfriend ko, paano na ako ngayon? Huhuhu…
Boy: (Utak oportunista). Kawawa ka naman.  Pero wag kang malungkot, nandito naman ako para sa iyo eh.  Kung gusto mo ako na lang ang papalit sa kanya?
Girl: (Tumigil sa pag hikbi) Talaga?
Boy: Oo. Mamahalin kita kagaya ng boyfriend mo.
Girl: Sige, itanong mo sa purenarya kung papayag sila.

Nag-browse ulit.  May nakitang picture ng isang batang iniaalis sa ataol (coffin). Sinundan ang link. Sinasabing nabuhay daw ang bata habang sya ay nakaburol. Na-curious. Nagbasa ng ilang article ukol dito.  Ang sabi sa kwento, halos dalawang linggo na daw na may sakit ang bata.  Isinugod ito sa lokal na ospital at idineklarang patay na dahil sa bronchial pneumonia noong Huwebes, July 10.  Dahil dito, nagdesisyon na silang ilibing ang bata noong Sabado, July 12. At habang nagmimisa, di umano’y gumalaw ang ulo ang daliri ng bata kung kaya inalis ito sa ataol.  Sinabi ng pari na si Fr. Nilo Tabaña ng San Isidro Parish Church na hindi na daw sya nakapagbigay ng advice sa pamilya dahil na din sa dami ng taong nagkakagulo dulot ng naturang pangyayari.




Inamin ng ina ng bata na kumonsulta sya sa albularyo (quack doctor) at sinabi ng huli na buhay pa ang bata at hindi daw dapat itong ilibing.

Noong Lunes sa Aurora, Zamboanga del Sur municipal health center sinabi at ipinakita ng health officer na si Mary Silyne Cabahug na patay na ang bata at wala na itong pulso ayon na din sa cardiac monitor.  Pinayuhan din ng mga doktor na ilibing na ang bata sa lalong madaling panahon dahil nasisimula na itong ma-decompose at mangamoy.

So pasok na tayo sa kuro-kuro ko.  Sa Pilipinas, lalo na sa mga probinsya laganap pa din ang paniniwala ng ilan ukol sa supernatural beings, events and beliefs.  Marami pa din sa ating mga kababayan ang lumalapit sa mga albularyo at hingin ang suhestiyon ukol sa ilang sakit.  Karamihan sa tugon nila ay taliwas sa syensya tulad ng kulam, barang, na sapian, na-duwende, na-engkanto, etc etc... Sa mga ilang sakit tulad ng simpleng lagnat ay posibleng nakakatulong din naman sila, dahil kadalasan halamang gamot din naman ang kanilang isina-suggest.  Ngunit may panganib pa din ito sa kalusugan dahil maaaring hindi akma ang kanilang suhestyon sa sakit ng tao at delikado lalo na sa may mga allergic reaction.  Pero sa paniniwalang Pinoy at lagay ng pamumuhay sa probinsya at sabihin na din natin na parte na din ito ng kultura, hindi na maiiwasan na maniwala sa mga albularyo.  Ang nangyari sa  Aurora, Zamboanga del Sur ay isang halimbawa lamang na mali ang maniwala sa haka-haka at maniwala sa mga pangyayaring hindi maipaliwanag.  Sasabihin ko sayo, may science na magpapaliwanag para dyan.  Bakit inakala nila na buhay pa ang bata? Matapos ideklara ng lokal na ospital na patay na ang bata, hindi pa din ito matanggap ng pamilya at umaasa na buhay pa ito. Maaari din na gumalaw ang ulo at daliri ng bata dahil sa mga chemical reaction o gas na lumabas sa kanyang katawan noong sya ay mamatay. Dahil dito kumalat na ang kwentong buhay pa ang bata, isama pa natin ang supernatural stories at ang natural nating pag-exaggerate ng kwento, kumabaga natural tayong tsismo’t tsismosa. Na kesyo, bangkay na nabuhay, nasapian ng engkanto, pinabalik mula sa langit, etc., etc.

Hindi naman talaga masamang umasa sa bagay na imposibleng mangyari pero sana nga lang huwag maging bulag sa paniniwala ng karamihan. “Don’t just blindly follow the crowd”.  



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...