Lumaktaw sa pangunahing content

5 Bagay na DAPAT at HINDI DAPAT Gawin ng Isang Facebook User


Hindi na natin maikakaila ang lawak at laki ng epekto ng social media sa ating mga buhay. Isa na dito ang Facebook.  Mula sa panahon ng luma bato, panahon ng bagong bato, panahon ng metal, naging unggoy, naging homo habilis, homo erectus at ngayon panahon na ng tao, homo sapiens, marunong na tayong mag-facebook. Matagal-tagal na din ng malikha ni Mark Zuckerberg ang facebook (Wag mo itong pindutin).  At katulad ng google.com halos ito na din (ang Facebook) ang nagdidikta sa lagay ng ekonomiya sa buong mundo at maging sa ugali, asal, pakikitungo, relasyon at paniniwala na din ng mga tao.  Dahil sa lawak at laki ng magiging epekto ng iyong pagtipa sa bawat pahina ng Facebook, narito ang ilan sa mga alituntunin sa paggamit ng naturang Website.  Hindi ko naman sinasabing sundin ninyong lahat ang aking itinalang alituntunin.  Isa lamang itong gabay para sa maayos na paggamit ng social media.  Wag kang mag-alala, hindi kita isusumpa ng katulad kay Mirabella kung hindi mo ako susundin. Hindi din ito katulad ng mga RTW na damit na “One-size fits All” dahil baka kasi meron ka dyan, mas maganda pa. So paano, sige basa na!

Mga DAPAT Gawin ng Isang Facebook User

1.  Magpadala na lamang ng mensahe sa halip na mag-post sa wall ng User.
Bukod sa napapanatili nito ang pagiging pribado ng inyong usapan, nagiging daan din ito upang maramdaman ng iyong kausap na personal ang inyong talastasan.  Kumbaga, merong intimacy, merong concern, merong paggalang.  Tandaan na ang pagpost sa wall ay hindi pagkausap sa isa o sampung tao, dahil madalas kausap mo ang buong mundo.

2.  Maging mapanuri sa lahat ng iyong ipo-post sa iyong wall.
Katulad ng nabanggit ko, ang pag-post sa wall ay katulad ng pakikipagtalastasan sa buong mundo.  Hindi ito madali pero kailangang maging mapanuri. Halimbawa, may nasabi kang hindi maganda sa ugali ng isang kaibigan ngunit wala kang binanggit na pangalan, sa dami ng mga makakabasa nito, maaaring isipin nila na sila ang inaasinta mo.  Huwag bumuo ng misinterpretation sa mga feeds mo.

3. Mag-verify muna bago ipagkalat o i-post ang isang masamang balita. O kaya naman mas magandang wag ka  na lang mag-post.
Hindi magandang i-share o i-balita na patay ka na. Lalo na kung buhay ka pa. Kaya wag ninyo akong pag-uusapan sa facebook kapag namatay ako. Sige subukan mo, mumultuhin kita.  Sabi nga, ang facebook ay pam-publiko, ibig sabihin lahat ng tao ay pwedeng makaalam. Kaya nga ang mga ganitong bagay ay hindi dapat nilalagay sa facebook.  Pagna-post mo yan, tignan mo may magla-like.

4. I-review na maiigi ang facebook setting.
Bago gamitin ang facebook, tiyakin na ang setting ay naayon sa iyong kagustuhan.  Tiyakin na alam mo kung sino-sino ang maaring makabasa ng post mo, makakita ng pictures mo, at makapag-message sa iyo.  Dahil kung may gagawin kang kalakohan, madali kang mabibisto. Biro lang, dahil sa totoo dagdag privacy features po ito.

5. Sumagot lamang sa mga tanong na alam mo at para sa iyo. O di kaya’y mag-reply para i-acknowlege na nabasa mo ang comment nila.
Naging nakagawian ko na kapag may nag-comment sa post, nagko-comment din ako.  Alam kong isang magandang practice iyon para malaman nila na “I’m just one message away”  o kaya naman isang way din yun para sabihin na hindi pa patay ang nag-post nyan at hindi totoong multo ang nag-post niyanPero sa isang banda, may mali din sa palagiang pag-reply sa bawat komento dahil kadalasan humahaba na ang comment feeds mo o kaya naman hindi na pala para sa iyo ang comment nya.

Mga HINDI DAPAT Gawin ng Isang Facebook User

1.  Huwag magpost ng iyong hubad na larawan at iba pang malalaswang panoorin.
Kung hubad na lalarawan ng iyong paa ang iyong ipo-post, wala akong pake, wag mo pa din itong i-post.  Hindi naman sa ayaw kong nakakakita ng paa sa facebook basta siguraduhin mong malinis at walang peklat iyon at iyon ay paa ng babae… J.  Sa seryosong usapan, alam naman natin na may mga kabataang gumagamit ng facebook kaya marapat lamang na tayo ay magkaroon ng responsableng pakikibahagi ng impormasyon.  Kung ayaw mong makinig bahala ka, block ang account mo.

2.  Huwag makipagkaibigan sa hindi mo kilala.
Katulad ng sabi ng nanay mo, “don’t talk to strangers”, ganun din yun. At sigurado akong alam mo kung bakit. No futher explanation needed. Next. ^_^

3. Huwag mong  i-tag ang friends mo sa mga pictures na maaaring hindi nya magustuhan o ng kanyang karelasyon.
Kung ayaw mong lumikha ng kaaway o i-block ka ng friend mo, huwag mo itong gagawin.  Marami ng nasirang relasyon ng dahil sa pictures sa facebook.  Kung feel mong maging kontrabida, aba sige lang. Tandaan mo lang na sa pelikula laging namamatay ang kontrabida.

4.  Huwag laging mag-post ng itinerary mo.
Sasabihin ko sa’yo, hindi interesado ang friends mo.  Ayos lang naman ang minsan, huwag lang gawing hobby.  Bukod sa delikado ka sa mga serial killer, annoying na masyado.  Gets?

5.  Iwasan ang pag-share ng chain letters, sad moments at mga kadiring larawan.
Nagpe-facebook ako para malibang. Wag mo akong inisin o i-stress.  Nakakainis lang minsan, may mapopost ng larawan ng batang nagugutom.  Tapos ang nakalagay, “please share and press like to help him”.  What? Gutom na yung tao ila-like ko pa. At sa paanong paraan makakatulong ang pag-like at pag-share ko.  Hindi naman nakakabusog ang like at share ko sa facebook.  Mas mabuti kontakin nyo ang DSWD, mas nakatulong pa kayo ng tama.
Sa chain letters, ito ang nakakainis, “pag hindi mo ito ni-like, mamatay ka”.  Kung kayo kaya ang patayin ko, ayos ba iyon?  Sa totoo lang madami na akong nakuhang chain letters, at pagdating sa akin putol na ang chain.


Alam kong madami pang bagay ang dapat at hindi dapat na ginagawa ng isang facebook user.   Ngunit ano man iyon, maging responsible tayo sa pakikibahagi ng impormasyon. Igalang natin ang bawat isa at panatilihin ang tama at matiwasay na pakikipagtalastasan. Siya nga pla, wag mo akong i-invite sa mga facebook games mo, hindi ako naglalaro.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...