Lumaktaw sa pangunahing content

It’s more fun in the Philippines

Image from: http://itsmorefuninthephilippines.com/
It’s more fun in the Philippines.

Really? Weh?! Hindi nga? Tama, narinig mo na ang mga linyang yan hindi ba?  Opo, yan po ang pamosong entrada ng Department of Tourism ng Pinas upang lalong maka-enganyo ng mga dayuhang turista sa bansa kasabay ng pagbida ng mga tourist spots ng bansa. Visit http://itsmorefuninthephilippines.com/ for more details.  Ayan ah, may free promotion pa kayo sa akin.

Bilang isang lokal na mamamayan ng bansa, hindi natin maitatanggi na magdalawang-isip muna ukol sa nasabing “Tagline” ng DOT bago natin ito sang-ayunan. Bakit? Ikaw, naranasan mo na ba ang mga bagyo sa Pinas? Ang bahang epekto nito? Ang traffic sa Metro Manila? Dagdag mo pa dyan ang lindol, mataas na presyo ng bilihin, langis, gasolina, kuryente, at bigas. It’s more fun in the Philippines ba dahil sa 12% VAT at kaliwa’t kanang buwis na napupunta lang din naman sa mga tiwaling opisyal ng bansa? Uy, sabi nila hindi naman daw lahat. Talaga lang ha? Sabihin natin na hindi nga mapupunta sa kanila, ibinabalik ba nila ito ng tama sa mga mamamayan ng bansa?  Ilang proyekto na ba ang naipatupad na nagsasabing mawawala na baha sa Metro Manila? Nawala ba ang baha? Hindi! Ilang proyekto na ba ang pinasinayaan na sinasabing mag-aayos ng trapiko sa bansa?  Marami na hindi ba? U-turn, footbridge, motorcyle lane, truck ban, more to come. Pero may nangyari ba?  Sasabihin mo sa akin, at least meron naman ginawa.  Hindi ko kailangan yung may ginawa, ang kailangan ko ay yung may tamang ginagawa.  Kapag sinabi kong tama, ito yung programang pinag-isipan, pinagplanuhan, siguradong epektibo, walang lusot, walang paltos.

It’s more fun in the Philippines dahil nabawasan na daw ang mahirap sa bansa at yan ay ayon sa SONA ng Pungulo kamakailan lamang.  Siguro nga nabawasan, dahil sa tingin ko, yung mga mahirap na yun, namatay na ngayon sa gutom. So bawas na talaga.

It’s more fun in the Philippines nga ba kung kaliwa’t kanan ang krimen? Dumami ang mandurukot, magnanakaw, holdaper, kidnapper, Riding-in-tandem criminals, salisi gang, Budolbudol gang, rapist, exhibisionist, bukas-kotse gang, laslas panty gang, sungkit panty gang, gupit panty gang at mga tigang.
It’s more fun in the Philippines nga ba kung madami pa din ang walang trabaho, madami pa din ang pulubi ba lansangan, tambay, lasenggero, tsismosa, siga, bully, babaero, lalakero, barbero at pakialamero.

Sa kabila ng mga binanggit ko, alam kong mahal nyo ang Pinas at naniniwala pa din kayo na it’s more fun in the Philippines.  Sa katunayan, ang mga binanggit ko ay patunay lamang na It’s more fun in the Philippines talaga.  Hindi mo yan mararanasan lahat sa ibang bansa, onli in da Pilipins lang yan.  It’s more fun in the Philippines dahil sa hindi matatawarang karanasan. Experience ang pinag-uusapan natin dito.  Mga karanasang naglalarawan ng kulturang Pinoy, karanasang patuloy sa pagbabago, pag-unlad at pagkatuto.

Sasabihin ko sa’yo, mas pang masarap mamatay sa kalamidad sa sariling bayan kumpara sa kamatayan dulot ng digmaan ng mga nag-iiringan bansa.

Gusto mo bang tumbay sa Gaza o sa Tacloban na lang?

See?

It’s more fun in the Philippines!




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...