At yun na nga, patungo ka na sa counter ng immigration . Siguraduhin na lahat na kakailanin mo sa pagsagot sa kanilang mga tanong ay nakahanda na. Kumbaga sa sundalo, handa na ang baril at bala. Isama mo na din ang mga bagay na sa tingin mo ay importante pero hindi naman. Tiyakin na kumpleto na bitbit mo ang mga ito: 1. Passport 2. Visa 3. Letter of support/guarantee, or sponsorship letter 4. Other documents required for relation proof/capacity to travel abroad 5. Ticket 6. Recent OEC ng sponsor 7. Lakas ng loob at onting yabang Siguraduhin na na- fill-up -an mo na ang binigay na embarkment card bago pumila patungo sa immigration officer . Hindi naman din masama kung magsusuot ka ng ilang alahas, maglabas ng ilang gadgets habang patungo sa immigration . Gawin ang pagyayabang sa hindi OA na paraan. Siguraduhin din na mukhang turista ang iyong dating, swabeng porma lang at hindi parang si inday o dudong na lumuwas ng Maynila . ...
~Utak gulaman man kung ituring, Superhero naman ang dating!...Super Gulaman!~