Lumaktaw sa pangunahing content

NAIA Terminal 101 for First Timers Flying in Dubai: Lipad na Super Inggo


Ito na nga dumating na ang araw na iyong pinakahihintay.  Ito na ang nakatakda sa isang malaking pagbabago sa iyong buhay.  Iiwan mo na ang Pilipinas at ready ka na for Dubai.  At dahil kadalasan mag-isa ka lamang na aalis, kailangang ihanda mo ang iyong sarili sa bawat pagkakataon.  Totoong nakakatakot ang first time dahil hindi natin alam ang susunod na mangyayari pero wag kayong mag-alala tutulungan ko kayo dyan.

So paano? Handa ka na ba? Game.

1.  Siguraduhin na dumating sa paliparan (NAIA), tatlong oras (3hrs) bago ang flight.  Kung makakarating ka na mas maaga, mas maganda yun dahil hindi din natin kontrolado ang dami ng tao na makakasabay mo sa pag-alis.  Idagdag mo pa dyan ang nakakaiyak na traffic ng EDSAI'm sure mami-miss mo ang traffic na yan kapag nakaalis ka na.

2.  Ihanda ang iyong mga dokumento. Siguraduhin na kumpleto ka sa sumusunod:
  • Passport
  • Visa
  • Flight itinerary or e-ticket, or, your plane ticket/boarding pass if already provided
  • OEC (Overseas Employment Certificate) (if OFW)
  • Seaman’s book (if Seaman)
  • Employment Contract (if OFW)
  • Letter of Guarantee/Support (If Tourist or Visit Visa)
  • NBI clearance (Optional)
  • Valid IDs (Optional)
  • PDOS Certificate (if OFW)
  • Black or blue pen
Kung may lehitimong VISA ka na mula sa employer abroad at dumaan ka sa agency sa Pinas siguraduhin mo na laging hawak ang unang anim (first 6) na mga dokumento.  At kung OFW ka na nga siguraduhin din na meron ka ng OEC at na-validate na ito sa OWWA LOUNGE.  Sa NAIA Terminal 1, sa pinaka-kanang bahagi ng paliparan mo matatagpuan OWWA LOUNGE.  Kadalasan hinihingi nila ang passport, ticket at OEC. Yung passport at ticket for verification purposes lang yun.  Yung OEC, yun ang lalagyan nila ng stamp.  Kung matapos ka na sa proseso ng OEC validation, pwede kang tumambay muna dito sa OWWA LOUNGE, kumain, maupo, manood ng TV kung medyo matagal tagal pa naman ang flight mo. Kung wala ka pa din pa lang OEC, maaari din naman na humingi ka sa kanila, yun mga lang kailangan mong bayaran ang fees. Kung isa ka naman seaman, hindi mo na kakailanganin ng OEC.

Kung ikaw naman ay nasa Tourist o Visit Visa, siguraduhin din na nasa iyo palagi ang unang tatlong dokumento (first 3).  At dahil nasa Tourist o Visit Visa ka kakailanganin mo din ang iba pang mga dokumento.  Siguraduhin mo din na nasa handcarry mo ang Letter of Guarantee/Support, kung asawa mo ang nag-sponsor sa iyo, siguraduhin na meron kang naka-red ribbon na marriage certificate.  Kung kapatid mo naman ang sponsor, siguraduhin din na naka-red ribbon ang inyong mga birth certificate na magpapatunay na pareho kayo ng magulang.  Kung pinsan naman, kakailanganin mo ang birth certificate ng inyong mga magulang at kayo din. Kung kaibigan naman, kakailanganin mo din ang pictures nila na kasama ka at iba pang mga proof na magkakilala kayo.  Nakakatawa di ba pero totoo may mga ganitong eksena sa immigration.  Magbaon din ng pocket money (at least $500), optional ito.  Siguraduhin din na may dala kang ID, it is either ID mo sa school or sa trabaho mo.  Kung may ITR ka o mga bank statements mas ok din. I-secure din na may return ticket ka, kahit dummy lang.  Alam ng mga travel agency abroad ang dummy ticket kaya sabihin mo dapat yan sa sponsor mo. At syempre siguraduhin din na meron kang photo copy ng OEC ng nag sponsor sa iyo bilang patunay na lehitimong OFW sila. Kung may mga dokumento ka naman tulad ng diploma, employment certificate or transcript of records mula sa school, na naka-red ribbon at plano mo itong gamitin sa pag-apply sa bansang patutunguhan, maaaring ilagay mo na lamang sila sa iyong bagahe at huwag sa iyong handcarry.

Siguraduhin na may dala kang ballpen.  Gagamitin niyo yan sa pag-fill up ng ilang form tulad ng Embarkment Card ng Immigration.


3. Pumasok sa Airport
Ooops. Teka muna, Relax. Yumuko muna, magdasal ng ilang saglit.  Huminga ng malalim.  Now, magpaalam na sa mga naghatid sa iyo dahil hindi din naman sila papapasukin sa loob ng Terminal.  Wag ka munang umiyak, i-save mo ang pag-iyak kapag nasa loob ka na ng eroplano o mas maganda huwag ka ng mag-emote.  Sa pintuan ng departure entrance, ang mga airport guards ay titignan ang iyong passport at e-ticket (printed tickets) bago ka nila papasukin. At sa entrance pa lamang nandito na ang unang security checking. Ilagay lahat ng iyong bagahe sa conveyor belt at hayaang dumaan ito sa scanner. Kung sakaling may ma-detect na metal sa iyong katawan, gagamitan ka ng sekyu ng handheld scanner. Para mapadali ang lahat, ilagay ang lahat ng iyong metal objects (like belt, watch, coins, keys, etc.) sa iyong handcarry baggage bago dumaan sa security screen.  Alamin mo din ang mga bagay na hindi dapat dinadala sa paliparan at huwag na huwag mo itong dadalin. Pointed objects tulad ng knife, pushers, nippers, spraynets bawal yan lalo na kung sa handcarry nakalagay.  Illegal drugs, guns, endangered animals and plants, bawal din.  Minsan pwede din kung may special order or permit ka.  Pero mas ok kung hindi ka na lang magdadala ng mga ganyan, para iwas hassle. Take note, huwag mag-joke about sa bomba. Criminal Offense yan.

4. Visa-Check Counter
Kung maaga kang pumasok sa Terminal ng NAIA at hindi pa handa ang CHECK-IN COUNTER dahil kadalasan 2-3hours before departure sila nagbubukas.  Tumungo muna sa VISA-Check Counter. Kadalasan katabi lang yan ng CHECK-IN counter ng napili mong Airlines. Iabot ang passport, ticket at visa. Hayaan silang lagyan ang iyong ticket ng stamp na documents checked.

5.  Travel Tax. Hanapin ang Travel Tax Counter (nasa gitnang bahagi ng terminal) kung Tourist or Visit Visa ang hawak mo.  Php1,650.00.  Kung OFW ka at sa NAIA Terminal 2 ka, tumungo sa Travel Tax exemption booth, magkatabi lang yan.Pero kung OFW at nasa NAIA Terminal 1 at 3 ka, these fees are waived. Dadaan ka lang sa OFW gate at ibigay ang iyong passport, plane ticket, at OEC. Ang OEC ang proof na hindi mo na kailangan magpayad ng Airport Tax and Terminal Fee.

6. Check-in Counter
Pumila. At kung may binibigay na embarkment card, kunin at i-fill up habang nasa pila. Ibibigay ito mamaya sa Immigration. Iwan na ang mga bagahe at siguraduhin na ang mga kakailanganin mong dokumento ay nasa handcarry mo lang at hindi sa mga naka-check in na bagahe.  Iabot sa counter ang Visa, Passport, Ticket. Minsan hinihingi din nila ang Affidavit of Support or letter of guarantee, pero kadalasan yung unang tatlong nabanggit ko lang. Bayaran ang ilang fees kung sobra ka timbang ng bagahe.  Pero mas maganda kung tinimbang mo na ang bagahe bago ka pa umalis ng bahay.  Kunin ang Boarding Pass, Visa, Passport at ticket. Hanapin ang Terminal Fee Booth.

7.  Terminal Fee Booth
For non-OFW, iabot ang Php550 at boarding pass sa terminal fee counter. At pagkatapos nito tumungo na sa Immigration. Siguraduhin na na-fill up mo na ang embarkment card (departure card) nila. Sa mga nasa Tourist o Visit Visa, huminga ng malalim, ito na ang Q&A portion.

8.  Immigration
So ok na ang embarkment card (departure card), tumungo na sa immigration counter. Iabot ang passport, embrakment card (departure card) at visa. Hawakan lang muna ang iba pang dokumento.  Huwag ibigay ang mga dokumentong hindi naman hinihingi ng Immigration Officer (IO).  Kung seaman ka, isama mo ang seaman’s book sa pag-abot ng passport mo. For non-OFW, ang mga IO ay maaari pang humingi ng ilang mga dokumento tulad ng letter of guarantee/affidavit of support (make sure na naka-red ribbon ito), contract, and identification cards. Ang mga IO ay magtatanong din ng ilang mga bagay-bagay at sagutin mo lang ito ng tama at ng buong katapatan, lulusot kang tiyak.

Kung napatuyan nila na lehitimo ang iyong mga dokumento at iyong pagkatao at pakay sa bansang tutunguhan, lalagyan na ng departure stamp ang iyong passport.  Ibabalik ang lahat ng ibinigay mong dokumento maliban sa embrakment card (departure card).  Mahalagang malaman ng lahat na ang mga IO ay may kapangyarihan na-i-deny ang iyong pag-alis sa bansa. Kung gusto mong makaalis ng walang mintis, read my tips. Click Here.


9. Second Security Screen
Pagkatapos ng immigration gate, dadaan kang muli sa isa pang security screen. Muli, ilagay ang handcarry bag sa conveyor belt. Ilagay ang iyong cellphone, jacket, coins, keys, wallet, etc. sa tray, padaanin din ito sa conveyor belt. Dumaan sa security scanner. Kung naka-rubber shoes ka or slippers lang, hindi mo na ito kailangang alisin, kung steel toe shoes or leather shoes ang gamit mo, alisin mo ito at padaanin sa conveyor belt.

10.  Boarding Gates, Souvenir Shops, Toilets, Waiting Lounge, Retaurants.
Maaari ka ng huminga ng maluwag-luwag.  Pwede ka na ding mag-emote kung gusto mo.  Pero bago yun, hanapin mo muna ang boarding gate mo.  At kung makita mo na ito, maaari ka na muna na magliwaliw sa mga Souvenir Shops, Toilets, Waiting Lounge, at Retaurants.  Siguraduhin lamang na 15 minutes before umalis ay nasa boarding area ka na para hindi ka maiwan ng eroplano.  Tandaan din na mahal ang mga bilihin dito. Habang gumagala o habang nakaupo ka sa boarding area. I-check ang iyong seat number sa ticket upang malaman mo kung saan ka uupo kapag nasa loob ka na ng eroplano. I-charge mo na din ang mga mobile phones or gadgets mo. Sa NAIA Terminal 2, may designated area na pwede kang mag-charge.  Kung sa 1 at 3 naman, may mga socket sa gilid-gilid ng boarding area. May mga pagkakataon din  na may mga undercover IO, nagpapanggap na pasahero at sasabihin na parehas kayo ng ticket at seat number.  Kung mangyari yun, defend yourself. Sabihin mo na imposible yun dahil hindi ka makakalusot sa dami ng checkings na ginawa.  Ang siste, inaalam nila ang kredibilidad mo na kaya mong mag-ibang bansa at hindi ka madaling maloko, kung mangyari yun at magtatanga-tangahan ka (patawad sa wordings), denied ang flight mo. At yun na nga boarding time na, makinig sa intructions ng mga flight attendants.

Sa boarding gate, iabot ang passport and plane ticket sa attendant (may pagkakataon din na boarding pass lang ang hinihingi, wala na ang passport) . Kukunin nya ang isang portion sa boarding pass at ibabalik ang iyong passport at ang other portion ng boarding pass. Ngumiti ng nakakaloko.

11. Inside the Plane
Kung sa UAE ang tungo mo partikular sa Dubai, madalas na sinasakyan ay ang budget airline na PAL.  Pero kung medyo maganda naman ang budget mo, pwede mo ding sakyan ang Emirates or Etihad. Sa pagpasok sa eroplano, may pagbati ng magaganap, "Welcome to Philippine Airlines".  Ngumiti na parang aso.  Ipakita ang natirang bahagi ng boarding pass, at ituturo ng attendant kung saan ka mauupo.  Ngumiti ulit na parang nakakaloko. Ilagay na ang mga handcarry baggages sa overhead compartment o sa ilalim ng harapan ng upuan mo.  Pero kung nakaupo ka sa tapat ng emergency exit, huwag maglagay ng bag sa ilalim ng upuan dun na lang sa overhead compartment. Magpatulong sa attendant kung kinakailangan. Maupo.  Isuot ang seatbelt.  I-turn off na muna ang mga gadgets. Sa ilang saglit lang bago umalis ang eroplano, magpapakita ng video or i-de-demonstrate nila ang safety measures in case of emergencySo makinig mabuti kahit alam na alam mo na ito for the nth time.

Sa mga first timers lalo na sa first time na nakasakay ng eroplano, ang pag-take off ang pinaka-thrilling part.  Siguraduhin na maayos ang pagkakakabit ng seat belt.  Huwag kabahan, i-enjoy lang ang pag-take offTo remind you, ang eroplano ang pinakaligtas na sasakyan kumpara sa iba pang sasakyan.  Sa katunayan 1 in 1000 rides mo sa motorcyle maaari kang maaksidente, pero sa eroplano 1 in 45 million rides pa.  Ibig sabihin kahit sumakay ka sa eroplano araw-araw in 123,000 years, ikaw ay ligtas sa aksidente. So sakay na.

At kung makuha na ng Piloto ang desired altitude, I-inform kayo ng attendant na maaari ng alisin ang seatbelt.  Kung ayaw mong alisin ok lang din naman.  Pwede ka na ding mag-tungo sa toilet or gamitin ang mga gadgets.  Pwede ka na din manood ng mga movies or makinig ng music through entertainment boards. Ito yung individual flat screens sa harapan ng upuan mo where you can watch movies, listen to music, or play games.  Pero kung PAL ang sinakyan, wag kang umasa na meron sila nito.  Magdala ka na lang ng sariling Tablet loaded with music and movies para malibang.  May pinapa-rentahan naman ang PAL na mga iPADs, yung nga lang $50 for the entire flight ang renta. Tsk. Business.

May mga foods and beverages na sini-serve during the flight.  Siguraduhing gising ka kung ise-serve na nila ang mga ito.  I-enjoy ang food.  Kung nag-offer sila ng wine, kumuha din, wag lang damihan.

Minsan makakaranas din ng pag-alog o turbulence.  Wag mabahala, para lang itong bus na dumaan sa lubak na kalsada which is naturally caused by air preassure and winds.  Pero ayos lang yan, safe yan. Umupo lang ulit, and just keep your seat belt fastened and relax.  Matulog.


12. Arrival
At nakarating din sa destination airport let say Terminal 1 - Dubai and so far, you’re good. Pagbaba ng eroplano tumungo na sa arrival area, medyo mahaba-habang lakaran yan.  Kung may-form na kailangan fill-up, then i-fill up.  Pero normally wala naman.  Ihanda ang Passport at Visa.  Pumila sa immigration.  Mag-relax hindi ito katulad ng immigration ng Pinas. Magulat ka dahil minsan nagta-Tagalog ang mga Arabong Immigration Officer.  Mas ngumingiti din sila kumpara sa IO sa atin. Batiin sila ng Hello or Hi, ngumiti. Iabot ang Passport at Visa.  Magtatanong lang din sila ng onti, minsan manghihingi sila ng mobile number, ibigay ito at sagutin ito ng maayos.  Or kung wala kang mobile number sa (etisalat or Du) UAE ibigay mo na lang ang number ng nag-sponsor sa iyo. Tumingin sa eyescanner.  Kunin ulit at Visa at Passport na may stamp ng arrival date.  Umalis at tumungo na sa luggage area.

Maraming conveyor belt na umiikot, kaya tignang maiigi kung saan ang flight number mo.  Hanapin maiigi ang bagahe dahil minsan may kaparehas na itsura ang bag mo. Once na makuha mo na ang baggage mo, proceed to the exit.

Kung OFW ka na, depending on the arrangement with your employer but usually, someone will be sent to pick you up at the airport. Look for someone holding a placard with your name on it.

But kung Non-OFW ka, syempre kamag-anak or kaibigan mo ang magsusundo sa iyo, hanapin mo na lamang sila or maghintay sa kanila.  Wag aalis sa Airport ng hindi sila nakikita, kontakin sila kung kinakailangan.  Kung walang sim card (etisalat or du) at hindi naka-activate ang roaming, makitawag na lang sa mga Pilipinong nakasakay sa eroplano.  Or gamitin ang internet ng airport at i-message sila sa facebook, viber or wechat. May mga payphone din doon, pwede mo din itong gamitin.  Hindi kasi madali ang pagbili ng bagong simcard sa UAE, nangangailangan sila ng Emirates ID which is wala ka pa nun.

Kung ang magsusundo sa iyo ay may sariling sasakyan, mas mainam.  Kung wala naman, pwede kayong mag-bus, metro (train), or taxi.  Pero hindi ko sina-suggest ang Taxi, dahil kadalasan mahaba ang pila dito.  Umakyat na lamang kayo sa Departure Area ng Dubai Terminal 1 at pumasok sa Metro Station, bumili ng NOL Card, normally 25AED yun, may load na 19AED at yung the rest para sa fee ng card. Meron ding iba't ibang klase ng NOL card, may 1 day unlimited ride, Gold Card, etc.  I-suggest yung silver na regular card lang ang bilin mo which is 25 AED nga. Yung NOL Card yan ang ginagamit sa pagsakay ng Metro or Bus sa Dubai.  Loadan mo na lang sya then i-tap sa scanner ng bus.  Kung sa Metro ka sasakay ita-tap mo yan dun sa entrance.  Hindi yan katulad ng sa MRT or LRT ng Pinas na pinapasok ang ang Card sa loob ng reader, yan naman ay pinapatong lang, as in TAP.  Huwag kalimutang mag-Tap out bago lumabas ng metro or bumaba ng bus.

Itabi ang NOL Card, gagamitin mo ulit yan kapag gumagala ka na sa Dubai.

Sa ngayon, pagdating sa tutuluyan, matulog ka muna.  Bukas ka na mag-a-apply.

Day 1.

1.  NAIA Terminal 101 for First Timers Flying in Dubai:  Lipad na Super Inggo
2.  How to Pass the Immigration and Avoid Getting Offloaded: Lumusot sa mga Lulusutan
3.  Job Hunting Tips and More in UAE:  Trabaho sa Disyerto


(Disclaimer: Ang mga nabanggit sa itaas ay "for information dissimenation only". The views and opinions expressed are my personal experiences, views and opinions. The information contained in this entry is for general information purposes only. The information provided does not make representations or warranties of any kind, express or implied, about the completeness, accuracy, reliability, suitability with respect to the information contained on the entry for any purpose. Any reliance you place on such information is therefore strictly at your own risk.)

#OFW
#BagongBayani
#NAIA
#firsttime
#immigration





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...