Lumaktaw sa pangunahing content

How to Pass the Immigration and Avoid Getting Offloaded: Lumusot sa mga Lulusutan

At yun na nga, patungo ka na sa counter ng immigration. Siguraduhin na lahat na kakailanin mo sa pagsagot sa kanilang mga tanong ay nakahanda na. Kumbaga sa sundalo, handa na ang baril at bala. Isama mo na din ang mga bagay na sa tingin mo ay importante pero hindi naman.

Tiyakin na kumpleto na bitbit mo ang mga ito:
1. Passport
2. Visa
3. Letter of support/guarantee, or sponsorship letter
4.  Other documents required for relation proof/capacity to travel abroad
5.  Ticket
6.  Recent OEC ng sponsor
7.  Lakas ng loob at onting yabang

Siguraduhin na na-fill-up-an mo na ang binigay na embarkment card bago pumila patungo sa immigration officer. Hindi naman din masama kung magsusuot ka ng ilang alahas, maglabas ng ilang gadgets habang patungo sa immigration.  Gawin ang pagyayabang sa hindi OA na paraan. Siguraduhin din na mukhang turista ang iyong dating, swabeng porma lang at hindi parang si inday o dudong na lumuwas ng Maynila.  Kung magagawang mag-Ingles ng astang mayaman, mas maganda. Tandaan na kredibilidad mo na bilang turista ang pinag-uusapan dito.

Kung handa ka na talaga, pumila na sa immigration counter.  Kung babae ka, pumila ka sa lalaking immigration officer.  Kung lalaki ka naman, sa babaeng immigration officer ka pumila. Parang magnet lang yan, opposite attracts, same sides repel.  Tignan sa mata ang officer, ngumiti.  Pero wag kang umasa na ngingiti din sila.  Trained sila para dito.  Kung ngumiti din, swerte mo, mataas na ang chance mo na makakalusot ka na.  Kung hindi naman, bumalik sa pagiging pormal na medyo seryoso.  Iabot ang passport.  Wag na wag mong ibibigay ang lahat ng dokumento na hawak mo kung hindi naman nya hiningi.  Sumunod na iabot ang visa.  Hayaan mo syang magtanong.  Ang usual na tanong nyan, "San ka pupunta?, Anong gagawin dun? At sino ang pupuntahan mo?"  Ang tamang sagot ay ganito, "Sa Dubai po sir/maam, tourist po ako, gift ng (sponsor) ko (other reasons na maisip mo ok din), sya nga pala ito yung affidavit of support". Then iabot ang affidavit of support/certificate of guarantee.  Hayaan basahin iyon ng IO. Siguraduhin din na naka-red ribbon ang affidavit at pirmado ng Philippine Consulate.  Sagutin lang ang ilan nyang tanong ukol sa dokumento. Normally, ukol yun sa relationship mo sa sponsor, kredibilidad mo bilang turista at authenticity ng dokumento mo at alam mo kung ano ang mga nilalaman nun.  Kung ma-satisfy sya sa sagot mo, huli nyang hihingin ang OEC ng sponsor mo.  Ito ang patunay na lehitimong OFW ang sponsor mo.  Kadalasan dito na huminto ang pagtatanong at sisimulan na nyan lagyan ng stamp ang passport mo.  This time, say "Thank you". Pero bumulong lang ng "F**k you" at siguraduhin na hindi nya maririnig ang bulong mo (joke lng).

Kung hindi pa din sya ma-satify sa sagot mo, magpakita ng ID or other documents na magsasabi na babalik ka din dahil may mga obligasyon ka pa na gagawin after the said vacation.  Ipakita din ang return ticket or pocket money kung kinakailangan at hinihingi.  Walang hindi makakalusot kung gagawin mo ito.  110% sure.  Proven and tested.

Assignment:
Question 1:  Bakit nga ba sobrang higpit ng mga IO sa mga kababayan nating tumutungo sa GCC gayong alam na alam din naman nila na 90% ng mga ito ay kunyari ay mag-to-tourist  pero ang goal talaga is makapag-trabaho abroad? Ipaliwanag.

Question 2: Ano nga ba ang silbi ng agency system sa pagtratrabaho abroad?  Nakakatulong ba talaga ito upang matugunan ang mga problema ng ating mga OFWs? Ipaliwanag.

Question 3: Magalit kaya ang mga IO kung sakaling mabasa nila ito? Please help. 


1.  NAIA Terminal 101 for First Timers Flying in Dubai:  Lipad na Super Inggo
2.  How to Pass the Immigration and Avoid Getting Offloaded: Lumusot sa mga Lulusutan
3.  Job Hunting Tips and More in UAE:  Trabaho sa Disyerto



(Disclaimer: Ang mga nabanggit sa itaas ay "for information dissemination only". The views and opinions expressed are my personal experiences, views and opinions. The information contained in this entry is for general information purposes only. The information provided does not make representations or warranties of any kind, express or implied, about the completeness, accuracy, reliability, suitability with respect to the information contained on the entry for any purpose. Any reliance you place on such information is therefore strictly at your own risk.)

#OFW
#BagongBayani
#NAIA
#firsttime
#immigration



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k...