Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2016

THURS.day

Image Credit: seattlestravels.com Pumailang-lang naman ang guni-guni sa kawalan.  Nagmumuni-muni ng mga kaganapan sa buhay habang lulan ng rumaragasang sasakyan.  Hindi alintana ang bangis at panganib na dala ng mabilis na yugto at agos ng buhay. Bingi na sa saliw ng musika na tila ba nagpapalungkot at napapabagal sa mga tanawing mabilis na nadadaanan. Hindi ko kasi maintindihan. Hikab muli ako. Tunganga. Tahimik na sinipat ang mga katabi sa upuan at nakinig ng bahagya sa kanilang mga huntahan. Ngunit tila ba hindi maunwaan ang mga salitang namumutawi sa kanilang mga labi.  Gusto kong makisali sa kanilang kwentuhan at makipaglokohan pero hindi pa ganap na bumaba ang tama ko sa utak. Hikab muli ako. Tunganga. Naalala ko ang kanta ng Parokya.  Sinikap na patugtugin sa utak.      ♬♬   Tuloy ang biyahe Walang ibang iniisip Kundi ang magpahangin At pagtripan ang mga sari-saring tanawin Sayang ang buhay Kung 'di mo suli...

Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon

Martes ng madaling-araw. Napabalikwas habang mahimbing na natutulog. Bahagyang ibinaba ang hitang nakadantay sa katawan at tsaka hinagilap ang cellphone, tinignan ang oras. Kinse-minutos pa bago mag-alas singko ng umaga.  Balik ulit sa higaan. Pumikit. Saglit lang nagsimula ng manggising ang cellphone ko. Bumangon na akong muli. Pupungas-pungas habang kinakapa ang tasang nasa ilalim lang din ng aming higaan.  Kumuha ng tubig na nasa gilid lang din ng higaan at tsaka ibinuhos sa (katabi, joke lng) lagayan ng initan ng tubig. Ganito sa abroad lalo na sa mga nasisimula pa lang at hindi naman kalakihan ang sahod. Buhay-double deck, buhay partition, buhay curtition. Buhay kahon. Mga buhay sa sulok ng kahon. Pero mas ok na yun kaysa umuwing walang buhay na nasa kahon. Ito ang mga karanasang hindi kailanman naiintindihan ng mga nasa Pilipinas lalo na kung hindi pa nila ito nararanasan. Ang akala ng lahat madali lang ang kumita at magtrabaho sa abroad, yung kasing dali na paran...

Rapido Vs Smugglaz

Rapido Vs Smugglaz Video Credit:  https://www.youtube.com/watch? v =a4bo-nYRxSo #rapido #inc #isabuhay #smugglaz #fliptop

Bakit nga ba hindi ako botante?

Bakit nga ba hindi ako botante? Credit: Image from iha.com Bakit nga ba? Hindi ko din alam.  Ay hindi pala. Alam ko pala at dahil madami din akong dahilan. Hindi dahil sa iresponsable akong mamamayan.  Hindi din dahil wala akong pakialam sa bayan.  Hindi din sa kadahilanang binabalewala ko ang demokrasya.  At lalong hindi dahil hindi ko mahal ang bayang tinubuan. Mahal ko ang Pilipinas. Ang totoo nyan, ang dami ko kasing dahilan. Hindi ako bumoboto dahil ayaw ko sa pulitiko.  Hindi ako bumuboto dahil sa mahigit sa tatlumpung taon ng aking buhay, wala akong nakita o nadamang pagbabago sa bansa.  Lalong lumalaki ang agwat mayaman at mahirap sa bansa.  Hindi ako bumoboto dahil may tax. Mga tax na kadalasan hindi ko napapakinabangan. O kung may roon man, pakiramdam ko hindi lang dapat iyon ang nakukuha ko.  Produkto ako ng publikong paaralan simula kindergarten hanggang kolehiyo. Ang totoo nyan, maswerte na ako  nun. D...

Life is a Piece of Cake

Update.  Hindi ko alam kung hanggang kailan mawawala ang site na ito.  Matagal na din ang panahon na hindi ko na binayaran ang domain na ito.  Kung sakali man na mawala na ito, inyo pa din nman matutungahayan ang aking mga kwento sa www.supergulaman.blogspot.com .  So parang ganun din.  Sa totoo lang, hindi ko na gaanong napagtutuunan ng pansin ang blogging.   Tinatamad? Siguro.  Walang bagong kwento? Siguro. Ngunit kung kwento lang naman, sa palagay ko, ang araw-araw na nangyayari sa akin ay sapat na para maging kwento ko sa inyo pero mas pinili ko na yata ang maging pribado at maging abala sa paggawa ng ilang bagay na sa aking palagay ay hindi naman interesante para sa mambabasa.  Yun ang sa palagay ko. ☺~~~~~~~~~☺~~~~~~~~~☺ Life. Apat na letra sa ingles.  Limang letra sa tagalog.  Napaka-simple, mabilis lang at ika nga nila pansamantala lang. Pero totoo naman hindi ba?  Sa katunayan, ikaw na bumabasa nito ay...

Itchiness to Laziness

So what now? Ano na nga ba?Ang daming nang dumating na mga pagbabago sa buhay ko ngayon.  Bukod sa makating pakiramdam.  Yes! Welcome to my itchy world!, balik na nmn ako sa mainit at maalikabok na daidig ng mga arabo.  Hays, ang hirap nga eh, ngayon ko lang naranasan ang napakating pakiramdam.  Ah, alam ko na, hindi yang pangangating nasa isip mo-- malisyoso! Ang ibig kong sabihin, nagdurusa ako nga sa hindi ko mawaring pangangati ng buong katawan na maaaring dulot ng mainit at maalikabok na paligid.  Dahil dito, animo'y isang tigang na lupa ang aking balat...nagbibitak, nagbabalat. Na tipong kapag tumungo ka sa SPA ay tatanggihan ka nila dahil malulugi sila sa kaka-is-is sa iyong balat.  Mamumulubi ka din sa pagbili ng petroleum jelly at lotion.  Hindi ka na din maaaring gumamit ng mababangong sabon at shampoo sa halip gagamit ka ng sobrang mahal na sabon at shampoo na walang amoy.  Nagdurusa ako ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko at sa...