So what now? Ano na nga ba?Ang daming nang dumating na mga pagbabago sa buhay ko ngayon. Bukod sa makating pakiramdam. Yes! Welcome to my itchy world!, balik na nmn ako sa mainit at maalikabok na daidig ng mga arabo. Hays, ang hirap nga eh, ngayon ko lang naranasan ang napakating pakiramdam. Ah, alam ko na, hindi yang pangangating nasa isip mo-- malisyoso! Ang ibig kong sabihin, nagdurusa ako nga sa hindi ko mawaring pangangati ng buong katawan na maaaring dulot ng mainit at maalikabok na paligid. Dahil dito, animo'y isang tigang na lupa ang aking balat...nagbibitak, nagbabalat. Na tipong kapag tumungo ka sa SPA ay tatanggihan ka nila dahil malulugi sila sa kaka-is-is sa iyong balat. Mamumulubi ka din sa pagbili ng petroleum jelly at lotion. Hindi ka na din maaaring gumamit ng mababangong sabon at shampoo sa halip gagamit ka ng sobrang mahal na sabon at shampoo na walang amoy. Nagdurusa ako ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko at sana nga gumaling na din ako. Nagpatingin na din ako sa doktor, ngunit tila isa lamang itong laro sa kanila. Hindi nila ako sinoryoso, binigyan lamang ako ng ilang gamot. Sa katunayan Anti-histamin at ointment lang ibinigay nila. Hindi man lang ako kinuhaan ng dugo or kahit na anong laboratory test...at ang malupit hindi din nila sinabi kung ano ang nangyayari sa akin. Base na din sa nababasa ko sa internet. Parang meron akong chronic hives. Pero hindi tayo sure. Base sa sintomas na naararamdaman ko, ay parang yun nga.. Para akong binabalatan ng buhay matapos ang isang atake ng hives. Pero sa kabila nito, sa mukha ko ay medyo naging maganda ang epekto. Nagbalat ang buo kong mukha, naalis ang mga pekas, parang korean na walang pores. Yun nga lang sensitibo pa din sa init at lamig. Oha!
Past...este...Fast forward... Ilang buwan din ang nakakalipas nung sinulat ko ang unang talata sa itaas. Malamig na ngayon. At tila ba lumamig na din ang dating mainit at makating pakiramdam. Naghilom na din ang mga gasgas na dulot ng madalasang pagkamot sa balat. Nakakaranas pa din naman ng pangangati pero hindi na katulad ng dati. At katulad ng dati, gwapo pa din (ang kumontra sumpain na mangangati din, lols!). Pero kaunting lotion lang. Onting anti-histamin, onting-cream, ayos na ayos na ang pakiramdam.
Sa ngayon problema ko naman ang pagbigat ng aking katawan. Marahil na din sa katamaran. From itchiness, now to laziness. Paano kaya ako magpapayat ng hindi nag-da-diet or exercise? Any ideas? Brilliant ideas?
Blogging is the new poetry. I find it wonderful and amazing in many ways.
TumugonBurahin