Lumaktaw sa pangunahing content

Ang Alamat

mga katoto ito ang unang araw ng paglipad ng ating makabagong superhero...dandadanan tanan...tenenen...

tama! ito ang unang araw ng pagbuo ng blog ito....ang blog ng ating makabagong superhero...mula sa imahinasyon at karanasan ng may-akda, ang blog na ito ay maglalarawan sa iba pang hilig, kalokohan, pakikibaka sa buhay ng tinaguriang superhero ng masa...---Super Gulaman!

Kasaysayang walang saysay ni Super Gulaman (Imbentong Kwento)
Hindi pa man naipapanganak ang mga superhero sa planetang mundo, may isa ng nilalang na may kakaibang bilis, liksi, tapang at lakas na gumagala sa buong kalawakan.  Kasama ang kanyang mga estudyanteng pulis pangkalawakan na sina Alexis at Annie sa pagsugpo sa mga kasamaan na bumabalot sa sanlibutan, hindi matatawaran ang bangis ni Super Gulaman. Si SuperGulaman ay isang tao na ang galing at kapangyarihan ay hindi nagmula sa planetang mundo.  Dahil sa pagdakip sa kanya noong siya ay musmos pa lamang ng mga nilalang mula sa Planetang Gula, naisalin kay SuperGulaman ang mga kapangyarihan at kakayahan na walang katulad sa buong sanlibutan.  Ang Planetang Gula ay nasa kanang dulong bahagi ng Ariwanas ngunit sa di malamang kadahilanan,  ito ay hindi na matatagpuan sa kalawakan.  Ang mga kwento tungkol sa Planetang Gula ay naging misteryo katulad ng pagsulpot ng makabagong superherong si SuperGulaman.  Katulad ng Justice League, X-men, Marvel at Fantastic Four.. may mga naging katuwang si SuperGulaman sa pagsugpo sa kasamaan na bumabalot sanlibutan maliban sa kanyang mga estudyanteng pulis pangkalawakan.  Kabilang dito si Kapitan Sino (deds na sya), Super Visor (sa callcenter sya ngayon), Super Sapaw (nag totong-its pa), Super Tenkyu (mahilig yan sa regalo), Kapitan Basa (tinuturuang mag-basa si pong pagong), at si Wonder Bra (no comment)...

ito ang tunay na kasaysayan ni Super Gulaman, maniwala ka! (wag magpa-uto kung kani-kanino)   



Kasaysayan ni Super Gulaman (Totoong Kwentong parang Imbento)

...katatapos lang namin sa math subject nun ng aking estudyanteng Filipino-Chinese, at diretso na kmi upang tumungo sa kanyang Filipino subject... pero bago mag-aral kumain muna kmi napakasarap na "halo-halo"...yumyum...damn...sarap talaga!...burp burp...

hindi ko maipaliwanag ang sarap na aking ndama sa pagkain ng masarap na "halo-halong iyon"... at habang kmi ay kumakain, nagulantang na lng ako sa hirit ng aking student...

Teacher, i really like this "Halow-haloww"! (*slang*)..especially, the banana and of course the "gulaman" (* ang bigkas niya sa word na ito ay kapareho kung panu nating bigkasin ang ating mga favorite superheroes na "batman, superman, spiderman")...dun ako namangha na naging superhero na pala si Gulaman...akala ko nun isa lng syang masarap na rekado para sa halo-halo...at dahil nga sa pagkakataong iyon nalikha na ang makabagong superhero na tutulong sa pagpapasaya ng malulungkot nating mundo....

sa blog na ito...samahan nyo ako sa aking makikibaka sa bawat pakakataon..samahan nyo akong tumawa (*tawang baliw), umiyak (*parang si sisa*).. at magtrip (*parang adik*)...bwahahaha!(*twang-dimonyo*)...

N.B.: kung may mga tanong kayo, problema sa pag-ibig, pera, pamilya, request o suhestiyon na gusto ninyong masolusyunan at mapag-usapan, mag-iwan lang kayo ng comment dito...tara! kwento ako, kwento ka... kwentuhan tayo!

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...