Lumaktaw sa pangunahing content

...salamat...

....natapos n din ang aking buong linggo ng pakikipaglaban at pagliligtas...ang totoo nyan...ang mga kalaban ko ay ang aking inililigtas...inililigtas pra lumiwanag ang kanilang landas...

...sabado na...araw na ng pahinga...pero hindi ang aking puso...patuloy itong tumitibok pra sa knya...halos limang taon n din kmi mula noong kami ay magkakilala...at lubusan akong nagpapasalamat at pinagkaloob sya sa akin ng Maylikha....

sabi nila..."ang buhay ay prang pagsakay sa jeep...makakapili ka ng lugar na uupuan mo..pero hindi mo mapipili ang taong tatabi sa bakanteng upuan sa tabi mo...ngunit ang pag-ibig, hindi ito tulad ng pamasahe, na kapag nagbayad ka ng buo, ay sinusuklian ka..."

ang totoo nyan, hindi ako naniniwla sa huling part ng message na ito...nagbigay kc ako ng buo...pero sinuklian ako, hindi lng sakto, sobra pa...ibig sabihin may discount student daw eh...ahehehe...

pero ang totoo, nagpapasalamat ako at sa Kanya at sya ang pinagkaloob sa akin...humiling lng ako nuon ng isang simpleng tao n pwede kong mahalin...at ngaun binigyan nya ako ng taong sobrang mahal din ako...kung nuon ay mahal ko n sya...ngaun...sobrang mahal na mahal ko sya...hindi ako gwapo, hindi din ganun katalino, hindi din mayaman...buong pagmamahal at pagkatao ko lng ang pwede kong ibigay sa knya...pero ibang klase kung paano nya ako pahalagahan...salamat sa walng sawang pagmamahal...salamat...

Mga Komento

  1. toinksz..anung drama yan..ahahahh..kuento mo..charing.!! ahehehe... alam kokunsino un!!

    TumugonBurahin
  2. bwhehehe..nakikibasa n nga lng ito ohh..inggitera..ahahaha..:P

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...