Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2009

...tao..

naniniwala ka ba sa multo?... "errrr, hindi ko alam...bagamat nakakaranas ng mga kakaibang bagay, minsan hindi ko pa din ito mapaniwalaan o minsan ayaw ko na talaga syang paniwalaan..." naniniwala ka ba na may kaluluwa ka?... "uummmm, meron siguro..." eh sa espiritu, naniniwala ka ba? "oo naniniwala naman ako, kaso nga lang ang definition na binigay para dito ay hindi ko maunawaan..." "pero teka, bakit ang hangin, hindi mo naman nakikita ei naniniwala ka pa din?" "...hindi mo man nakikita ang hangin, nadarama mo naman ito sa iyong balat...bukod dito, iyong makikita din ang komposisiyon ng hangin gamit ang isang materyal sa mundo...ang mikroskopyo..." ...tunay ngang may mga bagay sa mundong ito na hindi man abot ng ating mga pandama (faculty of senses)(**) ay sadya natin itong pinaniniwalaan... at ito ay nakadepende na din sa dalas ng ating pakikisalamuha sa mga bagay na hindi pangkaraniwan...alam natin na hindi lahat ng tao ay naniniwal...

..walong palakaibigang adik...

warning: medyo mahaba po ang entry na ito....magkagayunman...pakibasa naman po..parang awa nyo na... aheks... inyo pong ipagpaumanhin ang hindi ko masyadong paglilibot sa inyong mga blogs...sobrang naging busy po ako sa trabaho at sa mga ilang bagay at gawain na dapat kong gampanan para sa aming kinabukasan...babawi po ako susunod... ^_^ ito na po ang " walong palakaibigang adik " ... ~~~***~~~ The 8 Tag simple lamang po ang tag/award na ito..kailangan lamang maglista ng mga 8 bagay katulad ng ginawa ko po sa baba... hindi po ako ang orihinal na may gawa nito...ito po ay mula kay Kaye ng RandomWAMH Thoughts ...salamat po...ngunit sa kasamaang palad, wala pong ginawang logo para dito...kaya pinakialaman at pinangunahan ko na... 8 Things I'm Looking Forward To: ...syempre anu pa nga ba ang una? ang makasama ang grasya... ...wedding...wag po mag-alala grasya, mag-iipon na po ako... ...babies! ...kaya grasya umuwi ka na... ahahahaha... ...summer outing...saan kaya yun? ...sal...

..ano sa palagay mo?...

matapos mapanood ang nakakakilig na pelikula nila Maricel Soriano sa T2 (Tenement 2), aking naalala at muling binalikan ang mga kwento ng aking namayapang ama. Oo nga pala, ang pelikulang T2 ay isang love story. Isang pag-iibigan ng engkanto at normal na tao... hanggang ngayon akin pa ding iniisip kung tunay nga bang merong mga ganitong bagay sa mundo... ito ba ay isang haka-haka lamang o katotohanan? parte nga lang ba ito ng malikot na imahinasyon ng tao o tunay talaga itong nagaganap sa sangkatauhan? ang susunod po na inyong mababasa ay isang kwento hango sa binahagi ng aking namayapang ama... kung katotohanan ba ito o kathang isip lamang kayo na po ang humusga... sa probinsya ng Romblon sa baryo ng San Agustin, dito pinanganak at nagbinata ang magkakapatid na si Jose, Enrico at Ding...oo nga pala meron ding silang nag-iisang kapatid na babae na si Dinia...sa apat na magkakapatid na ito, si Ding ang bunso...sa kabila ng kanyang pagiging bata at kakulitan, likas sa kanya ang pagigi...

...akalain mo yun...

mabilisan lang po ang entry na ito...hayaan nyo po muna akong matulog...nag-OT kasi ako sa trabaho kaya pagod po ang inyong bida.... pero bago ako matulog, hayaan nyo po muna akong pasalamatan si kox ng kornchops para sa award na ito...Salamat!...ito po ang award na aking nakuha sa paghula ko sa pangalan nya.. ahehehe... akalain mo yun... unusual po kasi ang real name ni kox..."Komiko" ang name nya...ang ganda diba... akalain mo yun...mabuti na lang medyo nahihilig ako sa Japanese Entertainment... ahehehe... baka humaba pa ang entry ko...matutulog na po ako...huwag kayong mag-alala...bukas dadalawin ko po ang inyong mga blogs...gudnyt 2 all! ^_^

bhabiejhoice-xoxo.net contest

Manonood po muna ako ng T2...isa munang patalastas...sana po ay matulungan natin sya.. :D This entry is for my blogfriend Faith . Help her win at Bhabiejhoice-xoxo 1st contest! She really wanna win on this contest! Pretty Please?=) I know you guys are aware that Ate Jhoice of http://bhabiejhoice-xoxo.net is having her 1st ever contest! Faith,a good friend of mine is joining in her contest! My friend really wanna win this one! So let's help her win! ~The Awesome Prizes~ First Prize : Price Package valued at $60. Including such things as : hollister tops/tee, V.S perfume, Aero tee, etc.. PLUS $10.00 and a 1year (dot) net domain. 125×125 advertisement on bhabiejhoice-xoxo.net Second Prize: $15 Cash, and 1year (.info) domain 125×125 advertisement on bhabiejhoice-xoxo.net Third Prize: $10 Cash and 1year (.info) domain 125×125 advertisement on sexychiicq.net Support Faith!Repost this blog entry!Let's help her win! More infos about the contest? Check it here!

...kalsadang mabato...

inaasahan ko na ito... ang ulanin ng 'sankaterbang trabaho matapos ang mahigit sa isang linggong bakasyon... pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung tinatamad pa din ako... idagdag pa natin ang sobrang init ng panahon, sa palagay nyo may matratrabaho ba ako?.... syempre wala... ...at dahil wala akong magawa, minabuti ko na lang na libangin ang aking sarili upang mawala ang tumitindi kong katamaran....lumabas ako sa kwarto ng opisina at pumunta sa malapit na convenience store...naghanap ng malamig na ice cream...oo tama! sinigurado kong malamig ang ice cream na bibilihin ko...dahil kung mainit yun, mawawalan lamang ito ng silbi para panlaban sa mainit na panahon...pinili ko ang napakasarap na kalsadang mabato (rocky road) na mula sa kumpanyang nagngangalang Selecta... ang tanong ko lang, meron bang mainit na ice cream?.... ...makailang saglit pa, nagmamadali na akong bumalik sa opisina hindi dahil natatakot na agad malusaw ang aking binili kundi dahil baka masunog ang aking sensiti...

...mcarthur...

at ako'y muling nagbalik... makalipas ang ilang araw ng pamamahinga, ako'y muling bumalik sa mundong ito...bkit nga ba ako nawala sa himpapawid pansamantala?... ang totoo nyan, marami talaga akong pwedeng idahilan...una na yung gusto ko naman ay ma-miss ninyo ako paminsan-minsan... ahahaha... bukod sa panahong ito ng kwaresma, maganda din itong pagkakataon para sa isang magandang pagninilay-nilay...gusto ko din talaga pigilan ang aking sarili sa aking labis na paggamit ng teknolohiya... masyado na akong nakadepende dito at marami na akong mga ilang bagay na nakakaligtaan...ngunit magkagayon man talagang babalik ako sa mundong ito...sa cyber world... dahil nandito ang aking ikinabubuhay at ang mga kaligayahang hindi matatawaran... pansamantala din akong nawala dahil nakaranas din ako ng tinatawag kong techno/cyber stress...yung tipong paghumarap ka lang sa monitor ng iyong computer ay pakiramdam mo na sobrang napapagod ka... nagbakasyon din ako sa opisina...at yun naman ay sa ka...