Lumaktaw sa pangunahing content

...mcarthur...


at ako'y muling nagbalik...

makalipas ang ilang araw ng pamamahinga, ako'y muling bumalik sa mundong ito...bkit nga ba ako nawala sa himpapawid pansamantala?... ang totoo nyan, marami talaga akong pwedeng idahilan...una na yung gusto ko naman ay ma-miss ninyo ako paminsan-minsan... ahahaha...

bukod sa panahong ito ng kwaresma, maganda din itong pagkakataon para sa isang magandang pagninilay-nilay...gusto ko din talaga pigilan ang aking sarili sa aking labis na paggamit ng teknolohiya... masyado na akong nakadepende dito at marami na akong mga ilang bagay na nakakaligtaan...ngunit magkagayon man talagang babalik ako sa mundong ito...sa cyber world... dahil nandito ang aking ikinabubuhay at ang mga kaligayahang hindi matatawaran... pansamantala din akong nawala dahil nakaranas din ako ng tinatawag kong techno/cyber stress...yung tipong paghumarap ka lang sa monitor ng iyong computer ay pakiramdam mo na sobrang napapagod ka... nagbakasyon din ako sa opisina...at yun naman ay sa kadahilanang nitong mga nakalipas na apat na taon ay lagi akong nagkakasakit sa tuwing papasok ang panahon ng kwaresma...oo tama! nitong nakalipas na apat na magkakasunod na taon ay lagi akong nagkakasakit sa di malamang dahilan...sinubukan ko itong i-anticipate iyon...nakakatuwa naman at hindi ako nagkasakit ngayon...

nagbalik na nga po ako...at susubukan kong muling dalawin ang inyong mga blogs bukas....ang araw na ito ay aking igugugol sa pag-aayos ng aking mga ilang blogs na napbayaan...mukhang masyadong marami ng agiw at sapot ng gagamba ang aking mga blog at kailangan ko itong linisin... bago pa man may maunang bumati sa akin...uunahan ko na kayo...

MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY!


Mga Komento

  1. lols... ako ba una?
    haaaayssss....
    oo nga parekoy... parang kelan lang... parang indi ka nawala ahhhh..lols

    ganun pa man,
    welcome back..
    kitakits

    TumugonBurahin
  2. hahahahah welcome back...

    wala akong masabi..

    TumugonBurahin
  3. @Kosa
    ahehehe...una ka nga...aheks...
    uu nakabalik din ako sa wakas...aheks...salamat sa pagpasyal dito habang wala ako...

    @yanah
    wenks...aheks...salamat..inde nmn ako nawala..natetext mo pa din nmn ako...ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  4. Makiki-welcome back na rin ako kahit hindi pa kita masyadong nakakapaniig.

    TumugonBurahin
  5. @amor
    aheks...salamat parekoy... :)

    @tutubi
    mahusay ang iyong pangalan...tutubi..namiss ko na din ang panghuhuli nyan...ahehehe...ayos ang term mo ah...pakikipagniig...ahehehe...talagang mahalay pa din naiisip ko... ahahaha!

    TumugonBurahin
  6. welkam bak parekoy...

    mc arthur nga! ganda ng t-shirt.akin na lang yan..lolz...

    TumugonBurahin
  7. @poging (ilo)CANO
    salamat parekoy...cge iyo na alng yan t-shirt na yan...ninenok ko lng din yan dito sa internet... ahahaha...

    @bampiraako
    aheks...salamat...at talagang ALAMAT.... ahahaha...ayuz yun ah... :)

    TumugonBurahin
  8. sa haba haba man daw ng bakasyon sa blog pa rin ang tuloy..

    tulad ng sabi nila, isang kaligyahan ang makisalamuha muli sa iyo. welcome back!

    TumugonBurahin
  9. @Bino
    salamat parekoy...back to normal na muli... ahehehe.. :)

    @Jez
    salamat...ako din ay nagagalak na makasama muli kayo.. :)

    TumugonBurahin
  10. welcome back!!!!
    hehehe...
    nasan pasalubong namin? :D

    TumugonBurahin
  11. @---j3NsKeE---
    wenks...ahahaha...ayan ohh...t-shirt ni macarthur..... ahahaha... :)

    @Lord CM
    ahehehe...cge tagay lang...basta juice na lng akin.... ahahaha... :)

    TumugonBurahin
  12. Ahaha! Nagbalik ka na nga. At may kasama pang slideshow nyo ni Grasya mo.. Wuuuuy! Ahehe

    Welcome back. Akala ko McArthur ni Bob Ong mababasa ko eh, lolz

    TumugonBurahin
  13. ahihihi...

    weLcum BAck Po

    nawaLa ka ba?

    para nga andyan ka lang parati hehe...

    happy easter too...

    ingatz :)

    TumugonBurahin
  14. you have returned super g!

    maligayang pagbabalik. happy eggster! hehe.

    TumugonBurahin
  15. @Dylan Dimaubusan
    ahehehe...nakabalik na nga ako...

    kaya nga siguro mcarthur yung last title ng book ni pareng bob ong dahil may sususnod pa at muli syang magbabalik...yun daw yun lalabas this summer.."kapitan sino?"... ahehehe... :)

    @♥ K.i.i.k.a.Y ♥
    nawala talaga ako...inde lang halata... agling ako sa planetang Gula... ahahaha... :D

    @lio loco
    aheks..salamat parekoy...naghahanap pa din ako ng itlog ngayon...sabi kasi nila nasa pagitan daw yun ng hita... ahahaha..inde ko lang alam kugn saang hita ko hahanapin... ahahaha.. :D

    TumugonBurahin
  16. Welcome back Bhoyet!! Kamusta namn ang Easter mo? Grabe naman yung 4 yrs kang nagkakasakit tuwing sasapit ang kwaresma? bakit nga kaya? Buti naman at itong taong ito ay di ka nagkasakit. Sana sa mga darating pang taon e tuloy tuloy na healthy ka at walang anumang sakit na mararanasan. May God always bless you!

    TumugonBurahin
  17. welcome back preng. nice naman ang slide mo. talgang for everybody to see :)

    SuperG at WonderG... when love begins :)

    TumugonBurahin
  18. Happy Easter Super G! Sa yo, sa family mo at kay Grasya!

    Welcome back. Nakabalik ka na pero hindi ko pa nabasa yong mga listahan mo sa 'Apila sa Masa'. Haay, naku. Kung teacher at assignment ung post mo, I'm sure, babagsak ako.

    Ewan ko ha pero kahit nakaharap ako sa monitor ng matagal na oras at nagbablog, hindi ako napapagod. Pero pag trabaho na, kahit 30 minutes lang, feeling ko stressed na ako at gusto kong magsick leave.

    Ano po kayang pwedeng lunas?

    TumugonBurahin
  19. ay mali pala yung tagline ko para sa inyo ni WonderG. dapat pala... "where love flourishes" :)

    happy easter ulit :)

    TumugonBurahin
  20. @Anney
    nagkakataon lang yun siguro kaya ako nagkakasakit dahil sa sobrang init ng panahon kapag holy week... pero ngayon ayuz na ayuz nmn na...weepee...salamat... ;)

    @Nebz
    ahehehe...bagsak ka nga...aheks...pero yun nga isa din akong rehistradong guro pero hindi ko na ito napraktis muli dahil sa pinansyal na pangangailangan..pero malay natin mapagdesisyonan ko na din na magturo sa susunod na panahon...

    aheks, nakakastress din tlaga ang sobrang paggamit ng computer...pero no choice kailangan kong harapin lahat ito... :)

    @enjoy
    salamat... nilagay ko ang aming mga larawan pero inde pa ito nakikita ni grasya...magtatagal yan dyan depende kung matutuwa o hindi ang grasya... :D

    TumugonBurahin
  21. oha oha late na ko..nakabakasyon na xe ko nito..ahehe


    maligayang pagbabalik sg!

    TumugonBurahin
  22. maligayang pagbabalik na miss ka namin..

    belated happy easter :)
    takecare always & god bless you..

    TumugonBurahin
  23. @azul
    salamat po..aheks...ayuz lng... :)

    @angel
    weepee..thanks thanks...belated hapi easter din po.... ;)

    TumugonBurahin
  24. Wow! Bumalik na sa blogosphere ang superhero ng masa! Ako matatagalan pa. Sumilip lang. o",)

    Happy Easter, Supergulaman!

    TumugonBurahin
  25. @RJ
    aheks...balik ka agad dok...hapi easter din.. ;)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k...