Lumaktaw sa pangunahing content

...kalsadang mabato...

inaasahan ko na ito... ang ulanin ng 'sankaterbang trabaho matapos ang mahigit sa isang linggong bakasyon... pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung tinatamad pa din ako... idagdag pa natin ang sobrang init ng panahon, sa palagay nyo may matratrabaho ba ako?.... syempre wala...

...at dahil wala akong magawa, minabuti ko na lang na libangin ang aking sarili upang mawala ang tumitindi kong katamaran....lumabas ako sa kwarto ng opisina at pumunta sa malapit na convenience store...naghanap ng malamig na ice cream...oo tama! sinigurado kong malamig ang ice cream na bibilihin ko...dahil kung mainit yun, mawawalan lamang ito ng silbi para panlaban sa mainit na panahon...pinili ko ang napakasarap na kalsadang mabato (rocky road) na mula sa kumpanyang nagngangalang Selecta... ang tanong ko lang, meron bang mainit na ice cream?....

...makailang saglit pa, nagmamadali na akong bumalik sa opisina hindi dahil natatakot na agad malusaw ang aking binili kundi dahil baka masunog ang aking sensitibong balat sa matinding sikat ng araw...pero syempre hindi totoo ang dahilan kong iyon... kung inyong makikita ang aming larawan kasama ang aking Grasya sweet namin no?..bleehhh, isa akong kayumangging kaligatan kaya walang epek yang sinasabi ko na masusunog ang aking balat...kung tutuusin kaunting tsansa na lang mapagkakamalan na akong nagtitinda ng bisidi,dibidi,empitri...mapapagkamalan na din akong nagpapa 5-6...pero hindi po ako kaamoy nila....mabango po ako, pawis ko pa lang parang michael jordan's cologne na...huwag din po ninyo akong pagkamalan na si kobe bryant...mas maputi po ako sa kanya ng ilang paligo...pero kung sa galing sa paglalaro ng basketball...halos magkasing-level lang kami (*sasakit ang tyan ng kokontra sa sinabi*)

...pero sobrang init talaga at lahat na yata ng mantika sa aking katawan ay mailalabas ko na...tagaktak na ang aking pawis, abot na yata ito hanggang singit...matindi talaga ang init ng panahon...katulad yata ito ng init noong Easter Sunday na ang mga itlog na nabilad sa araw ay halos maluto na...ito yung mga itlog na nakatago sa kung saan-saan...yung itlog na naiisip mo, ewan ko lang din kung naluto na din yun...

...sa wakas, nakabalik na din ako sa aking "control center"....ninamnam ang masarap na ice cream...sarap!... ang totoo nyan, hindi naman talaga nakakatulong ang pagkain ng malamig upang palamigin ang pakiramdam...may sariling "cooling system" ang katawan, kaya nga pinagpapawisan tayo kapag naiinitan...pati ang paggamit ng pamaypay ay hindi din nakakatulong upang hindi mainitan, dahil mas lalo tayong pagpapawisan kapag tayo ay nagpaypay o kumilos...ang sikreto, huwag kumilos o gumalaw para hindi mag-init ang katawan...buksan ang aircon o tumapat sa bentilador...pero bakit ba ako bumili ng malamig na ice cream?... simple lang ang dahilan, mas madaling makalimutan ang init ng pakiramdam kung may malamig na nilalasap sa bibig...ibig sabihin may psychological effect ang pagkain ng malamig na ice cream para lumamig ang pakiramdam kahit na hindi talaga nito pinapalamig ang katawan... ngunit isa din ang sigurado ko, palalamigin nito ang tiyan mo... :D

...hanggang sa pag-uwi dama ko pa din ang init ng panahon...sa pintuan ng aming bahay, nakaupo ang nanay ko at noon din ako ay nagmano...kasabay nun nasabi ko tuloy sa kanya,

"Ma, sobrang init ng panahon ngayon no?"

sumagot ang nanay ko,

"Mainit ba?"

tumango lamang ako...at nagsalita ulit ang nanay ko,

"Eh di magpayong ka..."

napangiti ako sa hirit ng nanay ko...joke pala yun... ahahaha!

Mga Komento

  1. Hehehe :D Ayos nanay mo pre ah...o kaya magkutsara ka na rin lolzz

    TumugonBurahin
  2. muntik ko ng isiping may "period" ka kaya sobrang init ng pakiramdam mo.. pero may punto si nanay mo... kung nagpayong ka nga naman di sana lumamig kahit konte!

    masarap ang ice cream... pengeeeee!!!!

    sweet nyo sa pix ni Grasya. kulang na lang coffemate! lolz! galing ng chemistry nyo... kakainggit... halatang inlove talaga pareho!

    TumugonBurahin
  3. ahihihihi...kulit ng moder Mo :)

    wow the ice cream Looks yummy! yan din bah kinain mo yung nasa picz..penge naman hehehe....

    hmmm..mainit bah dyan hayyss sana andyan ako..gusto mo palit tayo dyan ako dito ka...kasi d2 medyo malamig kahit spring na hehe...

    saan pix ninyo ng grasya mo d ko makita?

    ge ingatz....

    TumugonBurahin
  4. mainit ba SG?...



    eh di magpayong ka!....


    lolz...


    kung ibang tao ang babanat ng ganyan malamang di na ako matawa..pero kung nanay mo.....hahahaha...napatawa mo ulit ako...lolz..


    mukhang mainit na mainit nga jan....tsk tskt..

    TumugonBurahin
  5. Very Rocky Road-- peyborit ko din to..

    Astig ang nanay mo.

    TumugonBurahin
  6. hahaha...joker din pala ermats mo...

    gusto ko makatikim ng ice cream na mainit....masarap kaya un?lolz..

    TumugonBurahin
  7. @Lord CM
    aheheeh...uu nga minsan subukan ko nga magkutsara para hindi mapaso... ahahaha...

    @A-Z-E-L
    ahehehe...uu nga naman... pero gumaganti lang sa akin yun kaya ganun...lagi ko yun niloloko kasi pagnagbabasa yun...sabi ko, "pano mo mababasa yan, eh pumipikit ka?"....ahehehe...inaannaw nya kasi yung binabasa nya, tpos nun hahabulin ako ng kurot....ahehehe....

    @♥ K.i.i.k.a.Y ♥
    uu nahahawa na yun sa kakulitan namin... ahahaha... cge kunin mo lng ang ice cream dyan.. :D

    yung mga pictures po...dyan lang po yun sa sidebars...slideshow po yun... :)

    @PaJAY
    ahehehe...tamang joke nga yun... ahahaha..natawa lang nga ako eh...kasi madalas ako yung humihirit ng ganun....nagantihan ako... ahahaha...

    @bampiraako
    aheks...uu masarap...kaso nakakataba ang mga ganyang food... aheks...

    @poging (ilo)CANO
    ahehehe...gumaganti lang yun sa mga kalokohan ko... ahahaha...

    kapagnakabili ka ng mainit na ice cream..penge ako ha?... ahahaha

    TumugonBurahin
  8. kulet! siguro sabi ng mama mo "nakabawi rin ako!" bwahahaha:D

    TumugonBurahin
  9. ahhhhh KALSADANG MABATO!?
    ehehehe... parang yang yung madalas kong pasadahan ahhhh... Byaheng Baku-Baku..lols

    ahhhhh
    pansin ko nga..lols
    hindi ako mahilig gumamit ng pamaypay kase sabi mo nga, lalo kang pagpapawisan...

    kapag naiinitan, wag gumalaw kase lalo kang maiinitan...lols
    kapag nilalamig ka naman, gumalaw ka ng gumalaw para initan at pagpawisan...

    at si Nanay, lols
    mahilig din palang mag-Joke!
    cool nanay!

    TumugonBurahin
  10. Joker din pala si nanay mo, ahaha! Sa kanya ka ba nagmana? Wahahaha!

    Lumang joke na yan pero kung sa nanay mangggaling mapapatawa ka ng di oras..ehehe..

    Sobra grabe kaya di ako masyadong lumabas nitong holy week.. Sana tag-ulan na!

    Buti yung pic ng ice cream dito di natutunaw.. :D

    TumugonBurahin
  11. pero subukan mo rin yung payo ni ermat... ang gusto lang naman nila ay yung ikabubuti ng kanilang anak... asuusss!!!

    cool ermat mo bro...

    TumugonBurahin
  12. @DETH
    ahehehe..malamang yun nga yun...ahahaha...

    @Kosa
    uu nga kosa...yan yata ang ruta mo...yumyum naman pla eh...ahahaha...

    ahehehe...gumaganti lang tlaga yun...ahahaha...

    @Dylan Dimaubusan
    mmhhhh...baka sya yung nagmana sa amin....ahahaha..nahahawa na yun sa mga kabalastugan namin magkakapatid...ahahaha...

    inde nga natutunaw yung ice cream pero yung apa mukhang nauubos na oh... ahahaha...

    @tonio
    ahehehe...nahawa lang cguro sa amin yun.. aheks...ahahaha.. :D

    TumugonBurahin
  13. Hindi ba may ice cream na pinirito? Mainit kaya 'yun?

    Try mo naman minsan ung ice cream na pistachios and cashews, kaya lang siguraduhin mong walang salmonella :D

    TumugonBurahin
  14. ansarap ng ice cream.. :) gusto ko din ng kalsadang mabato! haha

    TumugonBurahin
  15. @madz
    ahehehe..inde ko pa na try yung fried ice cream pero sa palagay ko malamig din yun...kung mainit ito magiging hot cream na ang tawag... ahahaha...sa pagkakaalam ko ang hot cream as isang lubricant...kung saan ito ginagamit..hindi ko din alam... ahahaha...

    mukhang masarap yang mga flavor na yan...bibili ako nyan, takot lang ng salmonella sa akin... ahahaha...

    @kox
    aheks...masarap nga yan...yumyum...ingat lang baka madapa...mabato pa naman...ahahaha!

    TumugonBurahin
  16. ang tameeeeez nyo......hehehe

    pahingi nga din ako ng asukal....hehe

    wow rocky road..sawap :P

    TumugonBurahin
  17. eng serep nemen ng ice cream hehe

    eh kasi naman naiinitan na nga sinasabi pa wahahaha

    TumugonBurahin
  18. ok ang nanay mo ah mukhang cool syang kausap.. di mo na need bumili ng ice cream kausapin mo na lng lagi nanay mo lalamig na pakiramdam mo hehehe...:))

    TumugonBurahin
  19. ang iniiiiiiiiittttttt............!!!
    ang init, ang init, ang init....

    ooppsss....baka sagutin ako ng ermats mo: magpayong kaaaaaaaaa..!!!
    magpayong ka, magpayong ka, magpayong ka,,,,,,

    TumugonBurahin
  20. tindi ng nanay mo superG. ang lupet! isipin mo alam na rin nia yung joke na yun. ngayon alm ko na kung knino ka nagmana ng kakulitan. hehe.

    TumugonBurahin
  21. @fula
    wenks... ahahaha...nag-iingat nga ako sa langgam eh... ahahaha...

    @tsariba
    aheks...uu nga eh..kaya ayun...nadali ako... ahahaha...

    @angel
    wenks...gumati lng yun... ahahaha...

    @Jez
    ahahaha...malamang... aheks.. ;)

    @ENJOY
    wahahaha... hindi daw ako dun nagmana ng kakulitan... mas lamang daw yung kakulitan ko na naman ko sa tatay ko... ahahaha...

    TumugonBurahin
  22. ang init talaga grabe.. pero check mo rin talaga kung may period ka gulaman hekhekhek

    TumugonBurahin
  23. nyuahahaha

    dapat tumawa ka nalang sa joke ano ka ba

    lolz

    penge ice cream :P

    TumugonBurahin
  24. Ahahahaha! Naku eh kung pwedeng kainin yang ice cream na yan, simot na yan dito! Wahahaha!

    Ganun ba, inmpluwensya nyo? nyahahaha!

    Ayan, nahihibang na naman ang utak ko sa init, tawa ng tawa.. lolz

    Paborito ko ube ice cream lalo na yung with macapuno! Yiiiii! Nakikiliti yung brain cells ko sa sobrang tamis!!! Ahahahaha!

    TumugonBurahin
  25. ang sarap balikan nung ice cream mo superG. kanina pa ko naglalaway. nyahahaha!

    TumugonBurahin
  26. @Stacey
    ..sa palagay ko wala akong period...panu ba nmn mukha kasing buntis ako... bwahahaaha...katakawan na ito... ahahaha...

    @Nash
    uu nga eh... ahahaha...natawa nga ako nung marealize ko na joke pla yun... ahahaha...

    @Dylan Dimaubusan
    aheks...sarap ng ice cream...yumyum....ayun nag-ice cream ulit kami ngayon...mga-PG kasama ko ngayon... ahahaha...

    @enjoy
    dahan-dahan lng....baka basa na yan monitor at keyboard mo... ahahaha!

    TumugonBurahin
  27. haha. may pinagmanahan ka pala e. haha. galing ng hirit ng nanay mo. ahaha.

    aw. welcome back pala. naunahan mo nga ako bumalik ah.. tsk tsk.

    TumugonBurahin
  28. ayos ah. haha!

    nice blog :)

    will be following you :)

    TumugonBurahin
  29. ahahaha! hangjoke joke joke! kulet ng nanay mo super g. lolz!

    at nang inggit ka talaga sa rocky road na yan no? patikim naman. hehehe.

    TumugonBurahin
  30. wehehe, sobrang natawa ako dito :) kakaaliw ang nanay mo..galing ng hirit :)

    TumugonBurahin
  31. masarap yun ahhh,,, ako bumili din isang galon is=cecream natunaw lang hehehe,,, di ko pala kayang ubusing ayun masarap din ang mainit na icecream,,,jejeje

    TumugonBurahin
  32. @jhosel
    aheks...gantihan lng daw... ahehehehe.. ;)

    welkam bak.. ;)

    @chikletz
    uy salamat, i'll follow you too.. ;)

    @Lio Loco
    cge kuha ka lng..habang meron pa..baka maubos n yan nila dylan.... ahahaha.. ;)

    @elaine
    aheks...ako din natawa eh...yun ay nung na-realized ko na joke pla yun... ahahaha...

    @mauiee
    aheks...sa sobrang init ng panahon ngayon mabilis tlaga matunaw..hayss...ayan na lgn sa picture..inde yan matutunaw.. :D

    TumugonBurahin
  33. hehehe! Si nanay mo pala e komedyante rin! Naku sobrang init talaga ng panahon ngayun. Di lang kilikili ko ang tumutulo sa pawis. lahat na ng sulok ng katawan ko. muhahaha! Parang ang sarap magbabad sa pool na may yelo. ahihihi!

    TumugonBurahin
  34. Ahh...masakit ang tyan ko...bakit kaya? Joke.

    I soo like your nanay. She sounded cool.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k...